SABI nila, the longer the time na hindi n'yo nakikita ang isa't-isa, mas madali ang magkalimutan, pero chika lang 'ata yun eh. Okay naman ako ngayon eh, parang ang tagal ko na nga sa Pilipinas, dapat makabalik na rin siguro ako. May girlfriend na rin si Alex, isang highshool friend daw. Mabait naman yung babae, sana maging masaya sila. Hindi tulad ng nangyari sa lovestory ko. Ang gulo. "Ma'am, eto na po lahat ng mga nakalap kung impormasyon. 'Yan na po lahat," sabay abot sa'kin ng envelop ng PI. Pinahanap ko sa kanya si Mama. Yung shonga kong ina na nagbenta sa'kin. Kamusta na kaya yun? Matapos niya akong ibenta? Nagpakasaya naman sa perang nakuha niya. "Salamat..." inabot ko na rin ang bayad. Sa totoo lang, mas mura ang bayad sa private investigator dito sa Pilipinas kumpara sa France

