KAKATAPOS lang ng program at ang mga tao ay may sari-sarili nang business. Ang papa ni Tristan at ang soon-to-be stepmom niya ay tulad pa rin ng nakagawian, kausap ang mga prominent businessmen sa mundo, ganun din naman si Tristan. "Mr.Han nahanap na po namin si Mr.Smith, pero si Number 821 hindi pa po," sabi ng body guard. "Tonto!" Samahan mo ako at gusto kong makausap si Mr.Smith." At pinuntahan nila si Tristan. Nakita nila si Tristan sa foyer, kausap ang masugid niyang Butler. "Iwan n'yo na ako. Ihanda n'yo ang sasakyan at aalis na rin tayo." utos ni Mr.Han sa mga guard niya. Tapos niya na ang pakay niya kaya pwede na siyang umalis. Agad naman silang umalis. Naglakad papalapit si Mr.Han kay Tristan. "Mr.Smith!" he said with a cheerful greeting. Hindi ine-expect ni Tristan na mak

