"WALA pa rin ba?" tanong ni Tristan sa isa sa mga body guards niya. "Hindi pa rin po namin siya nahahanap, pero positive po sa CCTV na nakapasok nga po dito sa bahay si Ma'am Celine," sabi ng body guard. Paulit-ulit nilang tiningnan ang mga kuha sa CCTV kung totoo nga na si Celine ang nakausap ni Mr.Han. "This is a coincidence," he muttered. "May sinasabi po kayo?" tanong ng isa pang body guard. "Wala, umalis na kayo. Keep looking," utos niya at agad naman silang umalis. Kagabi lang ito nangyari, pero parang panaginip ang lahat, kamuntikan na. Muntik niya nang mapahamak si Celine, pero what a coincidence at siya mismo ang nakakita kay Mr.Han, pero hindi nga lang sila nagkita. Napagpasyahan ni Tristan na 'wag na muna pumasok sa trabaho at wala naman talagang gagawin sa opisina. "Seño

