FIVE months later.
Some say life would be easier the second time around. Ewan ko kung saan ko narinig yun. O baka gawa-gawa ko lang.
Limang buwan na ang nakalipas. Hay, ang tagal na rin. Marami na ang nagbago. May trabaho na ako, isang waitress sa restaurant, mataas ang sweldo kumpara sa mga restaurant sa Pilipinas. Nakapag-ipon na rin ako sa limang buwan na yun.
Umalis na ko sa bahay kung saan ako pinatira ni Ericka. Este tumakas pala, sa tagal ko dun, isang beses pa lang akong tinawagan ni Ericka, ang iba pasabi na lang kay Cheska.
Oo, ang lungkot dito, tapos lagi ko na lang naiisip yung mga bagay-bagay na dapat-- ah basta!
Hindi ko na sinubukan na hagilapin pa ang mga tao sa dati kong buhay. Kung makikita ko man sila balang araw, dahil yun sa destiny, wala lang, parang kailangan lang rin siguro namin magkita.
Pero gusto ko rin naman siya makita, si Tristan. Kamusta na kaya siya?
By now kasal na siya.
May misis nang nag-aalaga sa kanya. Pareho silang may antas sa lipunan, kaya siguradong magiging masaya ang pamilya nila.
Si Ericka naman, hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Hindi ko nga alam kung seryoso si Cheska nung sinabi niya sa'kin na may 'mental illness' daw si Ericka.
Anyway, nakitira ako ngayon sa apartment, medyo mahal ang renta pero nakakaya naman. Mag-isa lang naman ako kaya ano pa ba'ng gugustuhin ko?
Pwede na nga akong makabalik sa Pilipinas kung gugustuhin ko eh.
"Oyy Celine, ano namang tinutunganga mo diyan?" Siniko naman ako ni Patricia.
"Wala 'to."
Oo nga pala, may nakilala rin akong mga pinay dito. Isa doon si Patricia, may asawang French dito. Siya na rin ang tumulong sa'kin dito, at naging magkaibigan kami.
Ewan ko nga eh, nagbago na talaga ako simula pa nung dati.
Wala na. Iba na talaga.
"Je vais retourner aux Philippines" what? Tiningnan ko siya.
"Babalik ka sa Pilipinas?!" Tanong ko. Nagsitinginan naman ang mga Prances na kasabayan namin sa tren. At oo, medyo nakakaintidi na ako ng french.
"Wag kang masyadong maingay. You know that it's rude to speak foreign language. Anyway, Oo, kailangan eh. ikakasal ang kapatid ko." Babalik siya? Eh ano namang problema ko?
"Ah..." sabi ko lang. Hindi na dapat ako nag-iisip na babalik pa.
"Oh bakit? Gusto mong sumama?"
"Uhhmm... Hindi, wala naman akong babalikan dun eh" maliban na lang kung--- ano ba Celine! Kasal na yung tao.
"Bien" sabay ngiti ni Patricia. Alam nya kasi ang naging buhay ko dun. Nakwento ko sa kanya. Kaya naman ang gaan ng loob ko sa kanya.
Author's POV
"SHE will be fine dad" sabi ni Tristan sa papa niya habang palabas sa isang rehab sa city.
"Akala ko okay na, I should have thought," nagkamot na lang sa ulo si Don Fredericko, hindi siya makapaniwala na all this time, hindi pala okay ang lagay ni Ericka. She is sick, again.
"It's okay dad." Yun lang ang masasabi ni Tristan. He knows what is happening to his sister. Nangyari na rin to dati, may schizotypal personality disorder si Ericka. Ayaw niya ng close relationship. She almost killed Mia when she found out that Tristan was getting married to her, but it was all smoothed out, luckily, hindi lumabas sa media.
She doesn't want her brother getting into relationship with others, ganun ang disorder niya. They tried getting her into rehab, pero she disapproved and they opted for home medication until such time na parang naging okay na siya. But then not until two months ago.
Nakausap niya si Alex via phone.
Hindi pa naniwala si Tristan dahil nga si Alex ang kausap niya, and he believed that Celine and Alex was having an affair. Pero lahat nagbago nang magsumbong na rin ang security group ni Ericka.
"I'm sorry son, hindi na dapat umabot sa ganito." Napatahimik lang si Tristan. He knows that his dad was referring to Celine.
Nahihirapan na kasi siyang hanapin si Celine, the French embassy won't give permission to look for her.
Kaya mano-mano nilang hinahanap. Hindi tulad ng dati ng mahanap ni Tristan si Celine sa isang auction house.
"I--I'm going dad. I'm going home," he sighed.
Yes, he is lonely. Nabubwisit siya sa pagiging tanga niya, pero wala na siyang magagawa.
He should be damned sa mga nagawa niya, sa pagpapaniwala niya.
Pumasok na siya sa sasakyan niya, pero tulala lang na nakatingin sa kalsada.
"Ang laki mong tanga Tristan!" Sigaw niya sabay suntok sa manibela.
Naiinis siya. Naiinis siya sa katangahan niya, sa kabobohan niya. Sa kapatid niya. Sa lahat!
Pero wala naman siyang magawa.
"You don't know how much I miss you. I'm sorry B2."