Celine's POV
PAGLAPAG pa lang ng eroplano sa ORLY, ang international airport ng Paris, na jetlag ako sa sobrang tagal ng byahe. Sumakit pa ang pwet ko sa kakaupo.
Ang daming tao.
Nakita ko na agad ang pangalan ko sa banner ng isa sa mga naghihintay ng pasahero.
Yun na siguro yung sinasabi ni Ericka na Cheska na magsusundo sa'kin. Nilapitan ko na siya agad, teka, paano ko ba to kakausapin? Tagalog ba o English? Baka French pa 'to eh.
"Uhmmm... Hi?"
"Bonjour mademoiselle! Are you Celine?" tinanong niya ako with heavy French accent. Nosebleed.
"Ah yes, are you Cheska?" English.... english...
"Yes, my name is Cheska. Come now madam, I am going to get you to your house." Sumunod na lang ako sa kaniya. Ang lamig pala dito sa Paris, tapos ang daming tao, parang walang pakialamanan lang, kasi 'pag dadaan ka, hindi ka pagtitinginan ng mga tao, di tulad sa Pilipinas.
Si Tristan.
Kamusta na kaya siya?
Malapit na ang kasal niya.
Tatawagan niya kaya ako?
Ano ba? Celine! Akala ko ba kakalimutan mo na siya?
Sumakay na kami sa sasakyan. Ang gara din nitong kotse, parang tulad nung nakikita ko sa bahay ni Tristan.
Oh. Ayan ka na naman sa kaka-Tristan mo.
Hindi ako kinakausap ni Cheska, hindi ko rin naman siya kinakausap kasi baka maubusan pa ako ng English.
Pero mukhang masaya dito, maraming opportunity, maraming pagkakataon na magbagong buhay.
Pero ito ba talaga ang gusto ko? Yung iwan si Tristan at lahat na?
Bumitaw naman siya 'di ba?
Paano ba naman kasi kami napunta sa ganitong sitwasyon?
"Mademoiselle, we are arriving at your house in five minutes, do you have any personal request before we arrive?" kahit English na parang French pa rin siya magsalita.
Request?
Pwede ba'ng tawagan na lang si Tristan?
Ano ba Celine? Akala ko ba new life? Stop acting like a retarded!
"Ah, nothing." Wala! Wala akong request! Magiging Celine ako tulad nang dati. Pinalambot lang ako ng pag-ibig tapos ganito na agad? Pesteng pag-ibig to, malas!
Hindi na ako kailangan ni Tristan, so bakit ko pa siya kailangan?
Mabubuhay ako nang wala siya.
Kaya ko 'to!
Kaya ko!
"Mademoiselle?" Napatingin ako kay Cheska, tumingin ako sa tinuturo niya.
Ano yan?
"That is the Eiffel tower." Wow.
Sana nakikita mo rin ang mga nakikita ko Tristan. Sana magkasama tayong nakikita yan.
Namimiss na kita.
"Are you crying madam?"
Pinahid ko ang luha ko, umiiyak na pala ako. Pft---weak!
MAYA-MAYA pa, nakarating na kami sa isang building. Tapos bumaba na si Cheska mula sa front seat at pinagbuksan ako.
Weird nga eh, yung babae pa ang nagbubukas.
Pwede naman yung driver.
"Follow me madam." Sumunod naman ako papasok sa building. Para siyang hotel. Tapos ang ganda ng lobby, kahit siguro Shangri-la Hotel, taob dito eh.
Sumakay kami ng elevator.
Ang weird pa ng music habang sumasakay kami.
"If you don't mind me asking madam, how are you related to Señorita Ericka?" Ang weird din ng babaeng 'to, yung first words niya maliban sa Señorita Ericka, parang French tapos yung name ni Ericka parang Spanish na.
Teka. Ano ba'ng sasabihin ko? Na girlfriend, I mean former girlfriend ako ng Kuya ni Ericka?
Hindi..... walang dapat makaalam kasi kung alam niya naman di na siya magtatanong eh.
"I am a friend."
Magtatanong pa 'ata pero bigla nang bumukas ang pinto ng elevator.
"Oh okay madam, Follow me." Naglakad na naman kami sa mahabang hallway.
Hanggang sa mapadpad kami sa pinto, number 848.
"This is your unit mademoiselle, I shall leave you here. If you need something in the city or anything, this is my number...." binigay niya sa'kin ang calling card niya, "...and don't hesitate madam, I am paid to do so. Please feel at home." ngiti niya sa'kin. Yung sinabi niya parang robot lang na naka-program.
"Uhmmm... Cheska, will you stay for a bit?" Please.... Ayoko pa'ng mapag-isa dito.
"Ahh...Sure madam, I guess," tapos pumasok na kami sa loob. Parang condo lang.
Si Cheska na mismo ang nagtimpla ng kape, tapos dun kami sa terrace na kitang-kita ang view ng city. Ang ganda talaga, sana kasama ko si---
"Mademoiselle can I ask you again?" parang sira lang. Nagtatanong na nga eh.
"What is it?" Nakss! Ume-english na.
"How is Señorita Ericka?" Na-miss na 'ata ang amo.
"She's fine."
Hanggang dun lang ang kaya ng English ko.
"Is she still seeking medication?"
Halos mabuga ko na ang kape ko.
May sakit si Ericka?
"What do you mean? Is she sick?" tanong ko.
Imposible! Parang okay naman yun, at model yun 'no, sa ganda nun hindi naman halatang may sakit.
"Oh sorry madam, I guess you do not know." Ano ba yun? Suspense naman 'to oh.
"Does she have cancer?" tanong ko ulit.
"Oh no madam," iling niya.
"Then what is it?" Nacu-curious talaga ako.
Ano ba yun?
"Señorita Ericka has this kind of mental illness. I can't remember what it is, but I guess she's doing fine, the last time we talked was when she was telling me to take care of you. She's fine, I guess unlike the past year when she almost killed Miss Mia, her brother's fiance."
Ericka's POV
"BAKIT mo siya hahanapin sa'kin? Hindi ako hanapan ng nawawalang aso!" I yelled at him.
Gosh! Hindi ko naalala na meron palang Alex na umaaligid sa buhay ni Celine. Pesteng babae yun, nasobrahan sa landi ang dami ng lalaki.
"We both know na ikaw ang nagtatago kay Celine, now tell me where is she?!"
"I don't know!" I yelled again. He's annoying me! Kailangan kong matago si Celine ng mabuti, pati na rin sa kumag na 'to.
"Fine then. Maybe Tristan wants to hear what I know." What?! s**t! Tama, may alam pala siya tungkol sa mga nangyayari, Celine lived with this man for weeks!
Paanong hindi niya malalaman?
"Don't you start blackmailing me Fuentes!" then I end the call. That asshole!
Ilang araw nang hindi pumapasok si Kuya sa trabaho, he needs to start working again!