GONE

700 Words
"KUYA! Kuya! Open the door!" Kinakatok ni Ericka ang pinto ng kwarto ni Tristan. It's been two days nung umalis si Celine and two days na rin na nagkukulong si Tristan sa kwarto niya. Ang drama. Hindi rin nila alam ang dahilan kung bakit hindi nila ma-trace si Celine. Parang nawala lang sa radar nila si Celine nang ganun-ganun lang. Bigla na lang na nawalan sila ng balita, pati mga informants nila, wala na talaga. Nakakapagtaka talaga. Ang ikinasasama pa ng loob ni Tristan ay ang feeling niya na mas mahirap hanapin ngayon si Celine. Mas mahirap dahil wala na talaga. He lost her once, not again. But what can he do? Wala. "Kuya!" Kahapon pa rin pabalik-balik sa bahay ng kuya niya si Ericka. Alam niya namang mali ang ginawa niya eh, pero she expect na her kuya can move on, live the life just like before. "Señorita, siguro hayaan na lang muna natin si Señorito na makapag-isip. Alam n'yo naman siguro ang mga nangyayari," sabi ni Butler William. Tiningnan lang siya ng masama ni Ericka at umalis, pumunta 'ata ng kusina. Ericka is a little bit furious na napapabayaan ni Tristan ang company nila. Baka mawala lang nang ganun-ganun ang pinaghirapan nila. Ngayon pa? Na wala na si Celine. Wala nang distorbo. "Sir may kailangan po ba kayo?" tanong ni Butler William. Hanggang pinto lang silang lahat. Pero si Butler William lang ang sinasagot ni Tristan sa bawat tawag. Their dad knows what is wrong, pero wala naman siyang magagawa dahil malaki na ang mga anak niya. At alam niya namang hindi nila pinalaki ang mga anak nila ni Doña Isabella na umasa sa kanila. It just doesn't work that way. Kaya heto. "Wala. Did they find something?" tanong ni Tristan mula sa loob ng kwarto. His voice is a little bit rough. Halata na sobra na siyang stressed sa pangyayari. Ang dami niyang hindi maintindihan. Bakit ganun? Paano? Hindi niya maisip kung bakit umalis na lang agad si Celine. Oo, nag-away sila. Pero yun na lang ba yun agad? So hindi pala ganun katibay ang pagmamahalan nila. THREE days na naman ang lumipas. Limang araw na nung umalis si Celine. Pero wala pa ring balita. Hindi pa rin pumapasok sa trabaho si Tristan. Halos araw-arawin na ni Ericka si Tristan sa bahay niya. Pero wala pa rin. "Ma'am, marami na pong tinatanong yung alaga ng kuya mo. Paano 'pag nalaman nila." sabi ng isa sa mga nasa security group ni Ericka. Sila ang nakakaalam sa mga ginawa ni Ericka. At sila rin ang tumutulong na itago ang lahat ng impormasyon kung nasaan si Celine. "Well, shut up! Wala dapat silang malaman. That's it! Simple as that." Iritang sagot ni Ericka. Kinakabahan na rin kasi ang security group niya, pero maliban dun, alam nilang pwede nilang takutin si Ericka. "Pero ma---" "Ano ba'ng kailangan mo? Itataas ko ang sweldo mo, pero wala silang malalaman," sagot ni Ericka. Alam na alam niya naman ang kailangan ng mga tulad nila. Kaya wala na siyang magagawa. Umalis na lang siya. Hindi niya na alam kung ano ba'ng gagawin sa Kuya niya. Acting like a love sick puppy. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang taong gustong-gusto niyang makausap. "Hello?" sagot ng tao sa kabilang linya. "Hi Celine, so how is Paris? Nai-entertain ka ba diyan?" tanong niya. Ito ang unang pagkakataon na tinawagan niya si Celine, nagiging maingat lang siya na baka ma-trace din ang mga tawag niya. Pero nasigurado niya naman na hindi. "Okay naman dito, masaya. Pero---" "Si Kuya, ikakasal na next week," singit niya agad ng mahalata niyang may sasabihin na naman si Celine na ikaiinis niya. Biglang tumahimik si Celine sa kabilang linya. Napangiti lang si Ericka. MADALI lang ang pag-uusap nila ni Celine. Baka kasi kung saan pa mapunta at wala na rin siyang sinabi kung ano pa ang nangyayari dito. Dumiretso na agad siya sa doktor, pagkatapos nakatanggap si Ericka ng unexpected na tawag. Sa taong halos hindi niya na nga matandaan. "Ano'ng kailangan mo?" tanong niya with a serious tone. Tinatago niya lang ang pagkagulat. "Where is Celine?" Alam niya na yun talaga ang itatanong sa kanya. Paano 'pag nagkita sila sa Paris?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD