1: Dark Knight
There are three level of status in life, riches, poor and beggars. Pero siya? She's neither a poor nor a rich. She considered herself as a beggar.
Either life or money, she don't have it. Mula ng mangyari 'yon sa kanya 5 years ago, she's already good as dead.
Kung pwede lang, she can kill herself now.
Pero hindi pwede.
Kahit gusto niya nang sumuko, kahit gusto niya nang magpahinga, hindi pwede.
She still needs her, she still needs her in order for her to live.
"Stage 3? Ano po ang ibig niyong sabihin?"
Kinakabahan niyang tanong.
"Kapag umabot na ang cancer sa stage 3, ibig-sabihin the cancer has already spread from the lungs to other nearby tissue of distant lymph nodes. Pero wag kang mag-alala treatable pa 'rin naman ito. Kaya lang para sa surgery--"
He paused.
From his expression, mukhang alam na niya ang nais nitong sabihin.
"M--magkano po ba ang kakailanganin para sa surgery?"
"If you really wanted her to get treated, you'll need at least 7-8 million-"
"8 million?"
"From surgery, she'll still need to undergo chemotherapy and radiation."
BINITAWAN niya ang hawak niyang kutsara at bumuntong-hiningang sumandal sa upuan.
Saan siya hahanap ng ganoon kalaking pera?
Kahit magtatrabaho siya ng buong araw at gabi, imposibleng makaipon siya ng 8 million.
"Hoy Zeya, ayos ka lang? Mukhang ang lalim ng iniisip mo huh. May problema ba?"
Pukaw ni Gaile sa kaibigan.
Umiling lang si Zeya at sumubo ng kanin.
"Oo nga pala, kumusta na ang mama mo? Ano'ng sabi ng doktor?"
"Sabi ng doktor kailangan 'agad gawan ng surgery, that way may pag-asa pa'ng gumaling si mama. Kaya lang, kailangan ko pa'ng humanap ng malaking pera."
"Magkano ba? I can--"
"Hindi pwede. Ang laki na ng naitulong mo sa akin. Wag kang mag-alala. Kaya ko 'to. Makakahanap rin ako ng paraan."ani niya.
Gaile rolled her eyes.
"Like what? Part-time-job? Ilang trabaho na ba ang pinasukan mo? Anim? Pito? Zeya naman eh. Kung kailangan mo ng pera pwede naman--"
"Gaile, I'm fine. Wag kang mag-alala. Kaya ko 'to. Trust me."
Panigurado niya and faked a smile.
Gaile is her childhood friend. Unlike her, she's born to be a princess, the only heiress of a known Clothing Company.
Mula ng mamatay ang papa at kuya niya, si Gaile na lage ang karamay niya. She even helped her with her tuition fee.
Kaya ngayon, hangga't maari, hangga't kaya niya, gagawa siya ng paraan. Ang laki na ng utang na loob niya kay Gaile, ayaw niyang madagdagan pa 'yon.
"He's here."
"Omg, ang gwapo niya talaga."
Napatingin siya sa may pintuan nang marinig niya ang bulongan ng mga estudyante.
Isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang nakita niyang naglalakad papasok ng cafeteria. Natatakpan ng buhok nito ang mukha kaya hindi niya ito masyadong makita. Kasunod nito ang isang lalaki na kulay puti ang buhok.
"Sino siya? Kilala mo ba sila?"
Nakakunot ang noo na tanong niya kay Gaile.
"Them? They're the new transferee. That guy with black jacket is Blade, Blade Salvatore. "
Blade?
Sinundan niya ito ng tingin.
"Bakit parang pamilyar siya sa akin?" tanong niya sa sarili.
"Nakita ko na ba siya noon?"
"The guy beside him is Lev Dimitri. Absent ka pala kahapon kaya hindi mo sila nakita. They're the new hottie of Qin U."
Nanlaki ang mata niya nang bigla itong lumingon sa direksyon niya.
His face are as pale as snow. And his eyes, it's like an ice, ang lamig. There's something about him na hindi niya maipaliwanag.
"Zeya? Ayos ka lang?"
His lips slowly moved. He smirked at her.
Dali-dali siyang umiwas ng tingin.
Why am I like this?
Bakit parang natatakot ako sa kanya?
"Zeya?"
"Zeya?"
Napapitlag siya nang bigla siyang kinalbit ni Gaile sa braso.
"H--huh?"
"Ayos ka lang? Bakit parang namutla ka?"
"A--ayos lang. Ayos lang ako."
Lumingon siya ulit sa direksyon ng lalaki pero hindi na niya ito nakita.
Who is he?
ALAS-diyes na ng gabi, kanina pa siya palakad-lakad habang naghahanap ng mapapasukang trabaho pero wala. Lahat sila ayaw tumanggap ng part-timer. She even faked her resume pero wala pa 'rin.
Ano'ng pwede niyang gawin?
Paano siya makakaipon ng pera kung wala siyang trabaho?
Bakit kasi kung kailan kailangan na kailangan niya ng pera saka naman na-bankrupt ang pinagtrabahuan niyang coffee shop.
"Huh?"
Napahinto siya sa paglalakad nang may maramdaman siyang sumusunod sa kanya. Alas-diyes na ng gabi kaya wala ng masyadong tao sa paligid.
Lumingon siya sa likod pero wala siyang makitang tao. Binilisan niya ang paglalakad.
Muntik na siyang mapasigaw nang may dalawang lalaki ang sumulpot sa harapan niya.
Umatras siya at akmang tatakbo sana pabalik nang may isang lalaki nanaman ang sumulpot.
"S--sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?"
Lakas-loob niyang tanong.
Lahat sila nakasuot ng itim na damit. Walang sumagot.
They're just staring at her like she's some kind of a meat.
"K--kung gusto niyo ng pera--nagkakamali kayo. Wala akong pera, wala kayong makukuha sa ak--"
"Tu es."
(It's you.)
Putol ng isang lalaki sa malamig na boses. Pula ang buhok nito. Lahat sila ay nakasuot ng itim na cloak.
"W-what?"
They grinned.
She almost fall when their eyes changed.
Naging pula ito. Para itong dugo sa pula.
"A--anong--"
Nanginig ang paa niya sa nakita.
Umatras siya pero lapit naman sila ng lapit.
"Pa-pakiusap, wag niyo akong patayin-"
Napaupo siya sa semento nang may maapakan siyang maliit na bato.
Kahit masakit ang paa niya ay pinilit niya pa ring gumapang palayo.
"H--hindi..."
Pero parang hangin na napunta ang mga ito sa harapan niya. Hinawakan siya ng isa sa leeg sabay taas sa ere. Kita niya ang pagsibol ng mga pangil nito sa bibig.
"B--bitawan mo ako. Pakiusap. Wa--wag niyo akong patayin--ahckkkk.."
Pikit-matang pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay nito sa leeg niya nang may biglang bumusina ng malakas.
Minulat niya ang mata niya. Bumungad sa kanya ang isang nakakasilaw na ilaw mula sa isang sasakyan.
Bumagsak ang katawan niya sa semento. Habol ang hiningang napahawak siya sa namumula'ng leeg.
"Abeamus,"
(Lets go.)
Lumingon sa kanya ang isang lalaki. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag.
Maya-maya ay parang hangin na bigla naglaho ang tatlo.
Napapikit si Zeya.
She can still feel her body trembling.
She want to stand up pero parang nawalan siya ng lakas. Nanghihina ang katawan niya.
"How long are you going to sit there?"
Napatigil si Zeya nang marinig niya ang isang malamig na boses.
Dahan-dahang umangat ang ulo niya. Nang makita niya ang mukha nito ay saka naman nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Are you crying?"
"It---It's you.."
Walang sa sariling niyapos niya ito ng yakap.
"Get off."
Sinubukan siya nitong itulak pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya dito.
"Salamat. M-maraming salamat."
Napatigil si Blade. He wants to push her away pero parang may pumigil sa kanya. He can clearly hear her heartbeats. Her fear. Even the blood flowing inside her body.
He raised his hand and was about to pat her back when he saw a black shadow from behind. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap ng babae.
"That's enough. Let's talk"
Pigil ang hiningang pinagtiklop ni Zeya ang dalawa niyang kamay. Nakaupo siya ngayon sa loob ng sasakyan. He's sitting beside her.
Gusto niyang magsalita pero hindi niya maibuka ang bibig niya.
Ano ba kasi ang pumasok sa kukote niya at niyakap niya ito? She must be crazy.
Arghh. Zeya, nababaliw ka na talaga. Kinain ba ng takot ang kukote mo at ginawa mo 'yon? Bakit mo siya niyakap?
"Ahh--"
"Do you know me?"
Putol na tanong ng binata.
"H-huh?"
"Do you know me?"
Balik pa nitong tanong.
Their eyes meet.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
Mabilis siyang umiwas ng tingin.
"H--hindi. Pasensya na kung niyakap kita kanina. Nadala lang talaga ako ng takot. Sorry..." yumuko siya.
"At salamat. Kung hindi dahil sayo baka kung ano na ang nangyari sa akin."
Dugtong niya.
Saka lang binalik ni Blade ang tingin sa harapan.
"It's not my intention to save you. You don't need to thank me." malamig niyang saad.
Lihim na napakagat sa labi si Zeya.
Pilit siyang ngumiti.
"S-sige. Baka naabala na kita. Aalis na ako. Salamat ulit."
Binuksan niya ang pinto at bababa na sana nang biglang magsalita ang binata.
"Where's your house? I'll take you home."
Gulat na napatingin siya rito.
"It's already late. It's dangerous for you to go alone."
Wala siyang makitang kahit anong emosyon sa mukha nito. Para itong isang robot na nagsasalita.
Naguguluhan man ay sinarado niya pabalik ang pinto.
"C---Crou-Crourim Hospital."
Tahimik lang na nagmamaneho si Blade.
Marami gustong itanong si Zeya dito pero pinigilan niya ang sarili.
Baka kung ano na naman kasi ang sabihin nito.
She admit, he's a bit cold and she feel embarrassed earlier pero kahit na ganoon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, she feel safe now that she's with him. His presence makes her feel more secure.
Umiiling-iling na napangiti na lamang si Zeya sa naisip. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.
Maya-maya lang ay huminto ang kotse sa harap ng hospital. Tinanggal niya ang seatbelt at humarap dito.
"Ikaw si Blade, diba? Nakita kita sa cafeteria kanina. Okay lang kung hindi mo ako kilala. Gusto ko lang sabihin na, salamat. Maraming salamat. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ginawa mo. Salamat." Nakangiti niyang saad saka binuksan ang pinto nang magsalita ang binata.
"This is not your home. Are you injured?"
Hindi niya alam kung nag-alala ba ito sa kanya o hindi, nanatili pa 'rin kasing walang emosyon ang mukha nito.
"Dito naka-confined ang mama ko kaya kailangan ko siyang samahan."
Sagot niya.
"Sige. Alis na ako. Maraming salamat ulit."
She smiled at him saka tuluyan ng lumabas ng kotse.
She waved her hands at sinundan ito ng tingin palayo. Nang makalayo-layo na ito ay saka lang siya naglakad papasok sa hospital.
HUMINTO ang isang itim na SUV sa harap ng isang di-kalakihang villa, napapaligiran ito ng mga naglalakihang puno. Wala itong gaanong ilaw maliban sa isang poste na nasa harap ng gate. Lumabas mula rito ang seryoso at naka-pokerface na mukha ni Blade.
"May gusto ka ba sa babaeng 'yon?"
Napatigil ang binata nang marinig ang isang napakapamilyar na boses.
Lumabas mula sa likod ng malaking halaman ang isang lalaki. Puti ang buhok at singkit ang mga mata. Unlike Blade, he has this playful aura. Leader of SHADOW HUNTER, Lev Dimitri.
Dinaanan lang ito ni Blade at nagpatuloy sa paglalakad papasok. Sumunod ito sa kanya.
"Alam kong wala na tayo sa Azura. Alam ko 'ring wala kang planong sundin ang gusto ng council pero sa ginagawa mo, lalo mo lang nilagay sa panganib ang buhay niya."
"Hindi ko alam ang sinasabi --"
"You know what I mean, Blade. You can escape the wedding but you can't change your fate. If you want her to be safe, staying away from her is the best option."
"She's a human. It's impossible for me to like her." He said in a cold-tone. Paakyat na siya sa itaas nang..
"97,"
Bigla siyang napahinto. Dahan-dahan niyang naikuyom ang kamao niya. His face became darker.
"They're already here. You should stop now. If they find out about her, she'll die. If that happened, even you can't protect her."
"I know what I'm doing. You don't need to remind me."
He hates human.
For him, they're just a stupid creature who believed in miracle.
They always blamed others for their mistake. They make their own pain by helping someone and expect something in return. They always lie and lie.
But now, mahirap man'g aminin, but vampires and humans do have one thing in common, killing for power.
He came here because of that reason but now, looks like he's falling into someone's trap.
That woman, there's something about her that makes him more curious.
Her tears, her fear, and her pain.
She needs a protection. She needs him.
He can't just leave her. As long as she's on his sight. He'll protect her ----- at any cost.
A/N:
Hello! Here's the chapter 1!
I'll try to update one chapter every week, but I'm not sure about the exact day.
Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to.
You can add me on f*******: @Iceah Yin
Or like my f*******: page Iseeyahh Stories
Enjoy reading!
Stay safe and lovelots:)
-Iseeyahh