“NAGING masaya ka ba?” Nginitian nang matamis ni Yllen Stacy si Eduardo. Nasa harap na sila ng bahay nina Luisita. Inihatid siya ng binata pagkatapos nilang maghapunan sa villa. “Of course, Eduardo.” Buong maghapon silang magkasama. Matagal silang nagkuwentuhan habang nakahiga sa damuhan at pinapanood ang bughaw na langit. They kissed and cuddled. Hindi na siya nagtanong ng kung ano-ano. She didn’t want to spoil their day. Nais niyang manatiling maganda iyon sa kanyang alaala. Ipinasyal din siya ni Eduardo sa ibang magagandang lugar doon. She saw the beautiful falls. Hindi na siya nakatanggi nang anyayahan siya nitong maglunoy sa tubig. Dahil hindi pa rin siya marunong lumangoy ay kailangan niyang kumapit kay Eduardo. She loved being so close to him. Hindi mailarawan ni Yllen Stacy ang

