29

2468 Words

“SIGURADO kang okay lang na sasama ako?” naninigurong tanong ni Yllen Stacy kay Luisita habang inilalagay ng dalaga ang mga pagkaing niluto nila kanina sa isang picnic basket. “Oo sabi. Kakausapin mo na rin lang si Ces, sumama ka na sa picnic namin,” ani Luisita habang hindi tumitingin sa kanya. Sinisiguro nitong nasa ayos ang mga dadalhin nila at kompleto ang mga iyon. Mababakas ang excitement sa mukha ng dalaga. Kumikinang ang mga mata nito at kakaiba ang sigla nito nang umagang iyon. Maaga siyang ginising ni Luisita upang makapaghanda sila. Nang nagdaaang gabi raw bago ito matulog ay nangulit sa telepono si Cecilio. Nagplano ang binata ng biglaang picnic. Nagustuhan ni Luisita ang ideya kaya magpi-picnic sila nang araw na iyon. “Hindi ba ako makakaistorbo sa inyong dalawa?” Nginisih

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD