28

2092 Words

“HUWAG ka munang uuwi, Ate.” Nagsalubong ang mga kilay ni Yllen Stacy sa sinabi ng kapatid niya sa kabilang linya. Sinabi niya kay Jericho na plano na niyang umuwi sa lungsod sa makalawa. Bukas ay kakausapin niya sa huling pagkakataon si Cecilio. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na iyon. Hindi na niya ipipilit ang gusto niya. Sa palagay naman niya ay nagawa na niya ang lahat ng kaya niya. Hindi niya maaaring madaliin ang pagtanggap at pagpapatawad. Hindi niya maaaring madaliin si Eduardo. Hindi na ito galit sa kanya ngunit alam niyang mahirap pa rin ang magpatawad at makalimot. “Stay there for few more days. Matagal na mula nang huli kang nagbakasyon. You need to get away from work and enjoy yourself. Ngayon ka pa ba aalis kung kailan nagiging maganda na uli ang lahat sa pagita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD