27

2194 Words

“MARAMING salamat po,” magalang na sabi ni Yllen sa isang matandang magsasaka na kanyang napagtanungan. “Walang anuman, hija.” Maingat na tinalunton niya ang pilapil. Maaga pa ngunit nasa bukid na siya. Hindi na niya naabutan sa villa si Eduardo. Hindi pa man daw sumisikat ang araw ay nagtungo na ito sa bukirin. Kailangan niyang mahanap ang binata dahil narito ang singsing niya. Kailangan niyang mabawi iyon bago siya bumalik sa Maynila. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Eduardo nang nagdaang gabi ay hindi na niya ito muling nakita. Maaga niyang niyaya si Luisita na umuwi na sa bahay ng mga ito. Buong maghapon siyang nagkulong sa kanyang silid. Tinatanong siya ni Luisita kung ano ang nangyari sa kanila ni Eduardo ngunit tikom ang kanyang bibig. Nang nagdaang gabi lang niya naalala ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD