Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bayan ng mga kasamahan ko at ka-agad nga kami nagtungo sa pamilihan para bilhin ang lahat ng aming kailangan sa bundok ngunit parang gusto naman akong ipasyal ng mga paa ko dito sa lugar kaya naman naisipan kong sundin ito at nagpaalam ako sa isa kong kasama na siyang nakakataas sa aming apat. "Mang Isko, kayo na po muna ang bahala dito----" magkita na lang po tayo mamaya dahil maglilibot- libot lang po ako sa lugar na ito," saad ko rito. "Ahmmm---sige Alex, ngunit mag-iingat ka dahil baka makilala ka ng mga tauhan ni governor sa iyong pamamasyal rito at tiyak kong hindi sila magdadalawang isip na itumba ka Alex," paalala ni Mang Isko. "Huwag po kayo mag-alala sa akin Mang Isko. Dahil kaya ko ang sarili ko saka gusto ko talaga makaharap ang

