Nakita ko naman na papalapit ang mga kasama nito sa direksyon nila Mang Isko. Kaya naman hinarangan ko sila at pinagsusuntok hinawakan ko sa ulo ang isang lalaki at inumpog ko sa mesa hindi pa ako nakontento at pinalo ko ito ng bote sa ulo. Bumagsak ang lalaki na nakadapa sa lupa at nawalan na ng malay. Nagulat na lang ako ng biglang nakisali na ang mga kasamahan ko kaya naman hinayaan ko na lang silang makipaglaban sa mga lalaki at ka agad ko naman pinuntahan ang babaeng nangangalang si Rita. Paglapit ko sa kinatatayuan nito ay hinahawakan ko agad ito sa kamay tinanong ko din kong okay lang siya. "Kamusta ang kamay mo miss Rita pasensya kana kung hinayaan ko pang hilahin ka ng lalaki na iyon," saad ko. "Okay lang Alex, mabuti nga at narito ka sa loob ng bar dahil natigil na rin ang k

