"CLOTHES?" naniniguradong tanong ni Red. Hindi na nag-abala ang lalaki na bumaba ng motorbike nito. Kareene lifted her right hand. Nag-thumbs up siya sa lalaki. "Laptop?" sunod na tanong ni Red. Muling sumagot si Kareene sa pamamagitan ng pagtaas ng hinlalaki. Tumango-tango si Red. "Hmmm... ano pa ba?" "Sa tingin ko ay nailagay ko na ang lahat." Tinapik pa ni Kareene ang back pack niya. Sabado ngayon ng hapon at niyaya siya ni Red na mag-out of town. Papunta sila ngayon ng Tagaytay gamit ang motorbike nito. They will stay the night in a good hotel there. May dala siyang laptop para in case na may ideyang pumasok sa isip niya, mabilis niyang mailalagay iyon. Naiintindihan naman ni Red ang trabaho niya. Tinutulungan rin siya nito. Napapitik si Red sa hangin. "Pills!" Tinapik ni

