LUMIPAS pa ang ilang linggo hanggang sa naging buwan na iyon. Walang kahit anong pahiwatig kay Red na nagsasawa na ito sa kanya o gusto ng tapusin ang relasyon nila. In fact, he seems to want to keep all things in going. Nakilala ni Kareene lalo si Red. Hindi lang ang katawan nila ang ibinahagi nila sa isa't isa. Marami rin pala silang pagkakapareho. Isa na roon ay ang mahilig silang pumunta sa iba't ibang lugar. Napagkasunduan nila na kapag holiday o 'di kaya ay linggo---ang araw na walang pasok si Red ay mag-a-out of town sila. Today is Sunday. Suwerteng holiday ng Lunes kaya mas mahaba ang bakasyon nila ngayon. Nag-rent si Red ng yate para sa kanilang holiday getaway. Sinadya nitong bongga dahil may dalawang bagay silang kailangan na i-celebrate. Una ay sa achievement niya

