Chapter 8

4639 Words
My high school teacher once said that change is the only constant thing in this world. Lahat nawawala, naglalaho, but not change. For whatever season, century, or lifetime, change is always present. It is indeed timeless. And of course, hindi naman tayo nagbabago dahil lang sa wala. We change because of a certain reason. This reason is powerful enough to make us change. Pwedeng biglang may malaking turn over sa buhay natin, or pwede rin namang dahil sa may nawala, dahil may na-realize tayo. Whatever the reason is, we change and hopefully, this change is for the better. Nagising ako ng masakit ang ulo. Nakakasulo rin ang liwanag ng araw na tumatagos sa kurtinang nasa mga bintana. Bumangon ako at pumunta sa CR ng treehouse. Umihi ako. Doon ko na lang napansin na naka-underwear lang pala ako at isang malaking t-shirt. Pagbalik sa kama ay nakita ko ang suot kong damit kagabi sa sahig. Basa ito. A! Oo nga pala. Nahulog ako sa dagat pagkalabas ko ng floating cottage kagabi at dahil sa sobrang lasing ko kaya siguro hindi na ako nakapagbihis ng maayos. Mabuti na lang hindi rito natulog si Max. Tiningnan ko ang kama niya. Kung hindi rito, saan siya natulog? Nagsuot ako ng shorts at bumaba ng treehouse. Kalmado ang dagat ngayon at hibas, medyo malambing ang hampas ng hangin. Hindi pa naman masakit sa balat ang araw. Tinanaw ko ang floating cottage namin. Nandoon pa si Max. Do'n na siguro siya nakatulog. Naglakad ako papunta sa floating cottage kung nasaan siya. Hibas naman kaya nilakad ko na lang. Pagkapasok ko ay napansin ko agad na mukhang malalim ang tulog ni Max. Gigisingin ko ba siya para makatulog ng maayos sa treehouse? Hay ewan. Sandali... Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Pisti! Muntik na niya akong mahalikan! Tiningnan ko ang labi ni Max. Katulad pa rin ng dati, mapula ito. Hindi ko naman napigilang hindi hawakan ang sarili kong labi. Lumapat ba kagabi? Medyo lumapad ang ngiti ko. Hindi ko na rin napansin na tumatawa na pala ako mag-isa. Loko-loko talaga ang Maximo na 'to. Pero bakit naman kaya niya ako hahalikan kagabi? Kinuha ko ang bote ng brandy at pinukpok ng mahina sa ulo ko. Oo, ginawa ko iyon dahil ako si Simone Ohales San Miguel at nagtatanga-tangahan na naman ako. Nagtatanong na naman ako ng mga bagay na may obvious na sagot. Syempre kaya lang naman niya 'yun ginawa e dahil lasing siya, at isa pa, dahil kaming dalawa lang ang nandito kagabi. Two broken hearts, two drunk people, alone together pa, tapos gabi, so naturally, tawag ng laman ang papakinggan namin. Oopps! Papakinggan lang pala ng isa. Kasi hindi ko naman pinakinggan 'yung akin, e. At saka, wala rin naman akong papakinggan dahil hindi naman ako tinawag. Hello? Pero ano kayang nangyari kung sinagot ko ang tawag? Ano kayang mangyayari if Max and I woke up today, sleeping beside each other, without our clothes on? Napahawak ako sa kaliwa kong tainga. Hindi maganda ang iniisip ko. "Hoy, Max! Gumising ka na d'yan! Do'n ka sa treehouse matulog," hinampas ko ang binti niya. Bumangon naman agad siya pero nakapikit pa rin ang mga mata. Nasusulo siya. Nagpalingon-lingon siya sa paligid niya, pagkatapos ay tumingin na sa akin nang mag-adjust na ang paningin niya. "Saan ka natulog?" agad niyang tanong. "Sa treehouse." "Do'n ka natulog, tapos ako pinabayaan mo rito?" reklamo niya habang umuupo siya ng maayos. "So responsibilidad kita? Sino bang may sabing uminom ka at magpakalasing? Ako ba?" masungit kong sagot. "Ganda ng good morning mo sa akin, ha," tumayo si Max at mabilis na idinaan ang kanyang index finger sa ilong ko. "Ano ba!" Lumampas sa akin si Max. "Breakfast na tayo," hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako habang naglalakad siya. Hindi ako nakapalag dahil sa gulat. Napabayaan kong hawak niya ang kaliwa kong kamay at nadala na lang ako sa paglalakad niya. Nakarating kami ng pantry habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Pinagtitinginan kami ng ilang mga nandito pero parang walang paki-alam si Max. Pumili si Max ng bakanteng table for two. Binitawan niya ang kamay ko. Mabuti na lang dahil namamawis na ito. Hihilahin ko na sana ang upuan para maka-upo na ako pero mabilis itong ginawa ni Max para sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang umupo na lang. "Anong gusto mo? Rice or bread? Coffee or milk? Hotdog or sausage?" Kumunot ang noo ko dahil sa dire-diretsong tanong ni Max sa akin. "Hep! Hep! Huwag ka nang magsalita, ako nang bahala." Hindi na talaga ako nakapagsalita dahil umalis na si Max sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin. Doon ko na lang na-realize na kaya pala niya ako tinatanong e dahil siya na ang kumuha ng pagkain namin sa buffet. Pagbalik niya ay may kasama na siyang isang service crew dahil hindi naman niya kayang dalahin ang lahat ng pinagkukuha niya. Tiningnan ko ang pagkaing pinili ni Max para sa akin. Rice, hotdogs, sausages, may hard boiled egg din, sunny-side up na mukhang malasado, malamig na tubig at malamig na softdrinks. "Hindi ka nagkakape, di'ba? At saka mas magandang uminom ng malamig na tubig or softdrinks; para sa hang-over," ngumiti pa siya ng malapad. Nanatiling nakakunot ang noo ko. "Pa'no kung nakapag-breakfast na pala ako?" masungit kong tanong. Tumawa si Max. "Imposible. Magbe-breakfast ka ba ng may bakas ng panis na laway sa pisngi at g**o-gulong buhok?" Tumawa ulit siya. "Ngayon, mukhang oo." Pisti! Hindi ko na nga pala naayos ang sarili ko pagkagising ko kanina dahil hinanap ko ang kumag na 'to. "Alam mo, Max, bwisit ka," tumayo ako. Humahagikhik pa rin siya. "O? Sa'n ka pupunta?" "Mananalamin. Letse ka!" Pumunta ako sa CR ng pantry at naghilamos. Ano ba naman kasing naisip ko at hindi ko man lang inayos ang sarili ko bago lumabas ng treehouse? Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Max kagabi tungkol kay Dino at Wendy. Napatawa na lang ako at napa-iling ng tatlong beses. Nagtataka ako no'ng nakaraan kung bakit ako isinama ni Max sa free trip niyang ito. Ngayon nasasagot na ang pagtataka kong iyon. Katulad na katulad ng dahilan noong high school kami. *FLASHBACK* "Akin na 'yang bag mo," hinila ni Max ang bag ko. "Huwag na, kaya ko naman, e," tanggi ko kay Max. Kanina pa kasi niya kinukuha 'yung bag ko. Ipagdadala na raw niya ako. Ayaw ko namang ibigay kasi nga kaya ko naman, at saka baka kung anong gawin niya. Baka kasi ginu-goodtime na naman ako nito. "Bakit kasi ang laki pa rin niyang bag mo? Alam mo namang hindi na tayo masyadong nagkaklase," usisa niya. "E malay mo, magklase," sagot ko naman. Halos wala na kasing nagkaklase mula kahapon dahil simula na ng foundation day bukas. At isa pa, hindi naman marami itong dala ko. OA lang itong si Max. Pero ang pinagtataka ko sa kanya e kung bakit ang bait-bait na naman niya sa akin ngayon. Mula kasi no'ng hindi ako nakapanuod ng basketball nila, hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa akin. Lagi na lang akong binabara at nilalait. Tapos ngayon, bigla siyang ganyan. Pero dapat ine-enjoy ko 'to. Kasi baka katulad no'ng nakaraan, isang araw lang siyang good mood sa akin. Baka bukas, ayaw na naman nito sa akin. "Magklase? Bilisan mo na, late na late na tayo," binilisan ni Max ang lakad. Ginawa ko naman ang best ko para makasabay sa kanya. Kung tutuusin, mabait naman itong si Max – mabait sa ibang tao, pagdating sa akin, hindi. 'yun lang, hindi ko alam kung bakit ang bait sa akin ngayon. Nakapasok na kami sa loob ng room. Nagsisimula na ang practice ng sayaw namin. Kahit medyo sikip ang room, tuloy pa rin ang mga kaklase namin. Gusto raw kasi nilang manalo sa dance competition bukas. Kahit ako, bilang parte ng grupo, gusto ring manalo kami. "Saan ka kakain ng tanghalian mamaya?" tanong sa akin ni Max. Pansin kong kasunod ko siya ngayon sa pwesto ko. Hay naku! Palapit-lapit 'to. Mamaya niloloko na naman kami ng mga kaklase namin. Tapos kapag niloko naman kami, magagalit siya. "Hihintayin kita sa canteen mamaya, ha. Sabay tayo." Hindi na ako naka-imk sa sinabi niya. Pumunta na siya sa mga kaibigan niya. Seryoso ba siyang gusto niya akong makasabay kumain ng lunch? Hay! Siguro nahampas na naman 'to ng masamang simoy ng hangin. "Mamaya na magligawan," napatingin ako sa trainer namin na nandito pala sa room. Nakatingin siya sa akin at kay Max na rin. Nagkantyawan naman ang mga kaklase namin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sumama na ako sa pagpa-practice. Memoryado ko naman na ang steps at bihira na akong magkamali kaya naman hindi ko masyado itong pinoproblema. Ang mas gumugulo sa akin ay ang SPA Got Talent na gaganapin din bukas. "Okay, break time muna." Imbes na kumain ngayong break time ay pumunta ako sa music room mag-isa. Nag-practice ako ng kakantahin ko bukas. Okay na rin naman ako sa tutugtugin at kakantahin ko. Memoryado ko na siya. Handa na ako, pero kinakabahan talaga ako, e. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ng tama. Nag-practice ako. Natapos ko ng isang pasada ang kanta. "Nandito ka lang pala, syoks," lumingon ako sa likod at nakita si Max. "Anong ginagawa mo rito?" "Kanina pa kita hinahanap," hindi niya pinansin ang tanong ko. "Hindi ka nag-recess. O!" inabot niya sa akin ang isang biskwit at tubig na hindi malamig. "Ano 'to?" "Libre ko sa'yo. Hindi ka kasi nag-recess, e," nakatingin lang sa akin si Max. Imbes na magpasalamat ay kumunot ang noo ko. Nakakapagtaka talaga. Kung umasta, akala mo hindi ako binu-bully. Ano bang problema nito ni Max? Pero hindi ko na inisip pa 'yun. Tinanggap ko ang binibigay niya. Uulitin ko, baka bukas hindi na siya ganito kaya susulitin ko na. "Turuan mo nga ako niyan," tumabi sa akin si Max at nagpipipindot ng kung ano-ano sa keyboard. "Ito ang Do," pinindot ko ang C key. "Ito naman ang Re," pinindot ko ang D key. "Alin ulit ang Do?" pansin kong nakangiti si Max. Mukhang interesado talaga siya. "Ito," pinindot ko ulit ang C key. Pinindot din naman niya ito at diniretso niya sa mga keys na katabi hanggang sa nabuo niya ang tunog ng Do, Re, Mi, Fa, Sol, La, Ti, Do. "Kantahan kita," pagpiprisinta ni Max. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng init sa dibdib ko. Seryoso ba siya? Tumayo siya ng maayos sa harap ng keyboard at inunat pa ang mga daliri niya. "I was born this way, born this way, hey, hey." Tumawa naman ako dahil sa maling lyrics niya ng kanta at dahil sa pagpindot lang niya ng kung ano-ano sa keyboard. "Akala ko pa naman marunong ka talaga." "Akala mo lang 'yun," nakangiti pa rin si Max habang nakatingin sa akin. "Galingan mo bukas, ha." Tumango naman ako. Kung pwede lang kiligin ngayon, kikiligin na talaga ako. As in, sisigaw talaga ako. Kung ano mang hangin ang humampas kay Max, binibigyang pugay ko siya. Mabuhay siya! "Anong kakantahin mo bukas?" "Porque," sagot ko. "Bakit 'yun? Broken ka ba?" usisa pa niya habang inaayos-ayos ang buhok ko. Alam kong hinahabol ko ang hininga ko dahil sa kilig at lakas ng t***k ng dibdib ko, pero wala naman akong magagawa kundi ang kumalma. Hindi pwedeng mapansin ni Max na kinikilig ako. Baka mamaya, hindi na ako kausapin nito, e. "Hindi naman. Maganda kasi 'yung kanta. Uso pa," sagot ko. "Sige nga, kantahin mo nga." Tinugtog at kinanta ko ang Porque. Pero hindi pa ako nakakakalahati ay biglang pumasok si Tina at ang ilang mga kaibigan nito sa loob ng music room dahilan para tumigil ako sa pagkanta. "May tao pala, tara na," narinig kong bulong ni Tina. Napansin ko ring bago siya tuluyang umalis ay inirapan niya ako. Anong problema no'n? Lumingon ako kay Max. Nakatingin lang siya sa akin pero nakasimangot siya. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang ngumiti. Ilang sandali pa ay niyaya na niya ako pabalik ng room. Oras na sa practice ng sayaw. Natapos ang morning period na practice lang ang ginawa namin. Nanatili lang kami sa loob ng room kahit masikip. Hindi kami nag-practice sa court para hindi makita ng ibang year level ang sayaw namin. Para raw surprise. At ngayong lunch time, hindi ko alam kung sa canteen ba ako pupunta. Baka kasi joke lang 'yung sinabi ni Max kanina. Pero pa'no kung nando'n nga siya? Wala naman sigurong mawawala kung pupunta ako, di'ba? Naglakad ako papunta sa canteen. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakita ko na agad si Max. Nando'n nga siya at mukhang hinihintay niya ako. Lumapad ang ngiti ko. Hindi agad ako dumiretso sa canteen. Dumaan muna ako sa lagayan ng mga gamit ng janitor sa may likod ng library at doon nagtatatalon habang hawak-hawak ang bibig ko. Kinikilig ako ngayon at hindi pwedeng sumigaw ako. Baka mapaos ako, 'no. Grabe naman kasi itong si Max. Sobra-sobra kung magpakilig. Dumiretso na ako sa canteen. Nakita na niya ako. Agad niya akong nilapitan. "Akala ko, hindi ka na darating, siokoy," bungad niya. "Niloko mo pa 'ko." Bumili na kami ng pagkain namin. Mabilis ko namang pinagmasdan ang paligid. May bakante namang pwesto. Kakaunti lang din naman ang mga tao, pero nandito sina Tina. Hindi ko inisip pa kung bakit dito sa school sila nag-lunch. Kung anong dahilan nila, labas na ako ro'n. Pero hindi ko gusto na nandito sila. Ewan ba. "Kumain ka ng marami, baka magutom ka," saad ni Max. "Ikaw din, kailangan mong mapalakas, may laro kaya kayo," ako naman. "Baka makapanuod ka na ng laro namin." Ngumiti ako kahit hindi nakatingin o nakaharap sa kanya. "Oo naman, manunuod ako, 'no." Pero nawala ang ngiti ko nang mapalingon ako kina Tina. Nakatingin siya sa akin ng masama. Bakit ba gano'n siya? Nagseselos ba siya? Bakit? Hindi pa naman sila magsyota ni Max, a. Hindi ko na lang siya pinansin. Mas importante ang pagkakataon na mayroon ako ngayon. "Kapag nanalo kami..." panimula ni Max. Hala! Baka libre-libre na naman 'to. "Max, 'wag na," agad kong singit. "Kapag nanalo kayo, e 'di maganda." Nakangiti lang si Max. "Huwag na 'yung may libre-libre pa. Please." Tumawa naman siya. "Sige na nga. Huwag na. Basta, manuod ka, ha." "Oo naman." Natapos kaming kumain ng tanghalian. Magkasama pa rin kami ni Max hanggang sa paghihintay ng oras ng practice namin. Sa practice ay lumalapit-lapit siya sa akin, at syempre naman, kinakausap ko siya. Ngayon lang ulit ako nito kinausap ng maayos, e. Nang mag-uwian ay nauna na siyang umalis dahil dumating ang parents niya, bumisita sila sa mga teachers at isinabay na rin si Max pauwi. Nagpaalam naman siya sa akin. Nag-sorry din siya kasi hindi niya ako maihahatid sa sakayan. Nahuli na ako sa paglabas ng classroom. Hindi ko pa man tuluyang naisasara ang pintuan ay may humila na kaagad sa braso ko, si Tina. "Bakit magkasama kayo ni Max kanina? At bakit ang sweet-sweet niya sa 'yo?" ang higpit ng pagkakahawak ni Tina sa braso ko. At sa tono ng pananalita niya, alam kong galit siya. "Tina, hindi ko rin alam." Kasama niya ngayon sina Laarni at Melissa, ang dalawa niyang kaibigan, at si Carly na isang 2nd year student na alam kong kasali sa SPA Got Talent. "Huwag mo nang alamin dahil sasabihin ko na lang sa 'yo," itinaas pa niya ang kanang kilay niya. "Alam mo naman pala, e, bakit nagtanong ka pa?" nabigla ako sa sinagot ko sa kanya. Dapat hindi ko sinabi 'yun pero kasi, usapang Max 'to; hindi ko naman yata kayang hindi ipagtanggol ang sarili ko para sa kanya. Mas hinigpitan ni Tina ang pagkakahawak sa braso ko. Lumapit naman sa amin ang tatlo pa niyang kasama. "Kaya lang naman sweet at mabait sa 'yo si Max kanina ay dahil magkaaway kami," nakatingin lang si Tina sa mga mata ko. "Kapag nagkabati na kami, makikita mo, aawayin at aayawan ka na ulit niya." Itinulak ako ni Tina. At dahil hindi ko pa nga naisasara ang pintuan ng maayos ay tumama ako rito at lumaki ang bukas nito dahilan para matumba ako. "Huwag kang feeling d'yan na nagugustuhan niya dahil hinding-hindi siya magkakagusto sa katulad mo," nag-crossed arms pa si Tina. "Bakla!" "Ginagamit ka lang naman ni Max para magselos at inisin si Tina dahil si Tina naman talaga ang mahal ni Max," sabi ni Melissa. "Kaya kung ako sa'yo, hindi ako aasa kay Max, dahil wala naman akong kahit 1% na pag-asa," si Laarni naman. "Humanda ka bukas dahil sisiguraduhin kong mapapahiya ka," pagbabanta ni Tina. Naramdaman ko agad ang kaba sa dibdib ko. "Goodluck!" si Carly naman, may hawak pa siyang bote ng tubig. "Kung ako sa 'yo, magba-back out na lang ako sa Got Talent. Nakakahiya kasing mapahiya." Ibinuhos ni Carly ng dahan-dahan ang tubig sa ulo ko. Hindi naman ako nakapalag dahil nakahandusay pa rin ako sa sahig at alam ko namang ako lang ang mapapasama kapag lumaban pa ako. Sumabay na lang bigla ang pagtulo ng luha ko sa agos ng tubig na galing sa ulo ko. Matapos marinig ang tawa ng apat ay naramdaman kong umalis na sila. Umayos ako ng upo at pinahid ang dire-diretsong luha ko. Dapat talaga hindi na lang ako sumali sa SPA Got Talent. Ayokong mapahiya. Kung hindi sana bumisita ang parents ni Max kanina baka naihatid niya ako sa sakayan at hindi sana nangyari ito. Pero kung hindi sana naging sweet sa akin si Max, lalong walang mangyayaring ganito at baka hindi ako mapapahiya bukas. Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Sana pala pinabayaan ko na lang na ayaw sa akin ni Max. Sana pala umiwas na lang ako sa kanya. Ang tanga-tanga ko. Sa ilang sandali pa ay pumasok sa isip ko ang sinabi nina Tina kanina tungkol sa pagiging sweet at mabait sa akin ni Max. Totoo nga kaya 'yun? At bakit kaya sila magkaaway? At kung totoo ang sinasabi ni Tina, bakit kailangang pagselosin siya ni Max? Bakit? Kinabukasan ay dala-dala ko ang isang daang galon ng kaba at takot. Hindi ko na tuloy alam kung magagawa ko pa ba ng maayos itong performance ko sa Got Talent. "Simone, kahuli-hulihan kang magpe-perfom. Ito ang number mo," kinabit na rin ni sir Rodriguez ang number ko sa left waist ko. "Galingan mo, ha. Manunuod ang buong klase sa'yo. Lalo na si Max." Napangiti ako. Oo, tama. Si Max. Dapat siya ang isipin ko. Manunuod siya at dapat galingan ko para man lang makita niya na may kaya akong gawin. Para kung sakali ngang kinakausap lang niya ako dahil magkaaway sila ni Tina, ay kausapin pa rin niya ako kasi ginalingan ko ngayon. Tumingin ako sa pwesto kung nasaan ang mga kaklase ko. Hindi ako nahirapang hindi makita si Max. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. "Goodluck, siokoy na duling!" Sigaw niya. Napatawa na lang ako. Huminga akong malalim bago umupo sa pwesto ng mga kalahok sa Got Talent. Katabi ko ngayon si Carly. Inirapan lang niya ako. Bumalik na naman sa isip ko ang banta nila nina Tina kahapon. Pero hindi naman siguro sila gano'n kasama para ipahiya ako, di'ba? Hay! Nagsimula na ang SPA Got Talent. Apat kaming magkakalaban sa High School category. Ang unang nag-perform ay si ate Dorothy na 4th Year student. Nag-belly dancing siya. Kasunod naman ay si kuya Hansel na nag-beatbox, ang galing niya. 3rd year student siya. At ngayon ay si Carly na ang magpe-perform. May hawak siyang mic, kakanta yata siya. Napalingon ako kay Max nang marinig ang intro ng kantang Porque. Bakas din sa hitsura niya ang pagkagulat. Pero nagdoble ang gulat ko nang makita kung sinong katabi ni Max ngayon, si Tina. Nakakangiti siya sa akin at parang sinasabi ng mukha niya na naisahan niya ako ngayon. Kasunod naman niyang hinawakan ang kamay ni Max. Umiwas na ako ng tingin sa kanila dahil alam ko namang iyon din ang gusto ni Max. Tiningnan ko ng masama si Carly habang feel na feel niya ang pagkanta. Wala na. Kinanta na niya 'yung dapat kakantahin ko. Ako ang lalabas na walang originality kasi mas naunang nag-perform si Carly. Pa'no na 'to? Alam kong tumutulo ang luha ko pero pinabayaan ko na lang. Lumapit na ako sa stage. Natapos nang kumanta si Carly. Nagkasalubong kami — siya pababa ng stage, ako naman ay paakyat. "Sabi ko naman sa'yo, mapapahiya ka, e. Sige. Kantahin mo rin ang Porque. Tingnan lang natin kung sinong mas magaling sa ating dalawa," siniko pa ako ni Carly bago siya tuluyang bumaba ng hagdan. Mabuti na lang at hindi ako na-out of balance. So ito na pala 'yung ginawa nina Tina para mapahiya ako? Medyo umalwan ang pakiramdam ko dahil ang inaasahan ko ay bubuhusan nila ako ng tubig habang nasa stage. Pero ano nang gagawin ko ngayong kinanta na ni Carly ang Porque? Tiningnan ko ang keyboard na ngayo'y nasa gitna ng stage. Pwedeng parehas kami ni Carly ng piniling kanta, pero ang pinagkaiba namin, kontrolado ko ang tono at siya, hindi. Tumayo na ako sa tapat ng keyboard.. Tiningnan ko ang audience. Sobrang daming tao pala. Parang biglang nanghina ang tuhod ko. Hinanap ko kung nasaan si Max. Wala na siya sa tabi ni Tina. Nasaan na siya? Nagulat ako nang makitang nasa gilid siya ng stage. Sumesenyas siya sa akin. Sinasabi niya na galingan ko, na lumaban ako. Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Inilipat ko ang ngiti at tingin ko sa mga judges. Masyado na yatang matagal ang paghihintay nila sa performance ko. Hindi ko kailangang mapahiya dahil lang sa parehas kami ng song choice ni Carly. Kontrolado ko ang tono. May naisip na ako. Pinindot ko ang F5, isa pang F5 ulit, kasunod ay E5 at isa pang F5. Kasunod ang C5, C5, B4 sharp, A4, B4 sharp, D5, A4, B4 sharp at G4. "You are the song playing so softly in my heart. I reach for you, you seem so near yet so far. I hope and I pray that you'll be with me someday and I know down inside, you are mine and I'm your true love, or am I dreaming?" Hindi na ako nakatingin sa mga judges o sa audience. Nag-focus lang ako sa pagtugtog dahil hindi ko ito na-practice. Hindi ko pwedeng hayaan na magkamali ako. "How can I each time I try you say goodbye. You were there, you look my way I touch the sky. We can share tomorrow and forever more. I'll be there to love you so, you are my song." Tumingin ako sandali kay Max at nakita kong nakangiti siya sa akin. Mabuti na lang naisip ko agad ito. Pinagpatuloy ko ang pagtugtog at pagkanta hanggang sa matapos ako. Nang matapos ay nakita ko ang mga tao na nagpapalakpakan. Sumagi sa isip ko sina Tina. Alam kong hindi papalakpak ang mga 'yun.. Pagkababa ng stage ay mabilis akong nagpunta sa room para magpalit ng damit na isusuot namin para sa dance competition na siyang kasunod na rin nitong Got Talent. Sa awarding sa last day pa ng foundation day malalaman ang winners. Hindi ko na inintindi 'yun. Ang mahalaga naman ay hindi ako napahiya. "Bakit ka nagpalit ng kanta?" Napalingon ako kay Max na siyang pumasok sa loob ng classroom namin. "Kasi kailangan, para hindi ko katulad si Carly." Naalala ko ang sinabi nina Tina kahapon tungkol sa pagiging sweet at mabait sa akin ni Max. "Mabuti na lang naisip mo agad 'yun. Ang bilis mong magbago ng kanta." "Di'ba, gano'n naman talaga," may biglang pumasok sa isip ko. "Ikaw ba, Max? Bakit ka biglang nagbago sa akin?" "Ha?" Nagulat siya sa tanong ko. "Sabi ni Tina kahapon, kaya ka lang daw biglang naging sweet sa akin, e dahil sa magkaaway kayo," hindi siya nakatingin sa akin. "Totoo ba 'yun?" Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. "Oo, magkaaway kami, pero hindi naman dahil do'n kaya kita pinapansin." "Simone, bilisan mo na raw," sabay kaming lumingon ni Max sa pintuan nang pumasok si Byron sa room. "Dapat daw ready na tayong lahat." Hindi ko na natanong pa si Max. Mas mabuti kung magfo-focus kami ngayon sa dance presentation namin. *END OF FLASHBACK* At kinabukasan noon, sa opening of ball games, pangiti ngiti na lang sa akin si Max dahil magkabati na ulit sila ni Tina. Tama nga si Tina noong mga panahon na 'yun, na kaya lang nagbago sa akin si Max ay dahil magkaaway sila, wala nang iba pa. Pagkatapos no'n, balik na ulit si Max sa panlalait niya sa akin, sa pagtabla sa mga sinasabi ko. Nagbago lang naman siya saglit noon dahil lang pala kay Tina. "Ang tagal mong nag-ayos sa banyo, wala namang nabago," bati sa akin ni Max nang makabalik na ako sa lamesa namin. Pansin kong hindi pa niya binabawasan ang pagkain niya. "Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko. "Hinihintay kita." "Pwede ba, Max. Huwag ka na ngang pa-sweet d'yan. Kaya mo lang naman 'yan ginagawa e dahil magkaaway kayo ni Wendy." Kumunot ang noo niya. "Saan naman 'yan galing?" Sinimulan ko ang pagkain. "Max, huwag nang magmaang-maangan school of acting. Sabihin mo na 'yung totoo." "Ano bang sinasabi mo d'yan?" "Hindi mo na nga ako tinapat no'ng 1st Year High School tayo sa same question na 'yan, pati ba naman ngayon?" Isinubo ko ang kanin na may sausgae. Nakatingin lang siya sa akin ngayon. "Okay, siguro no'ng high school tayo, oo, pinapansin lang kita kapag magkaaway kami ni Tina. Pero hindi naman katulad ngayon." Hindi ko pinansin ang sagot niya. "Bakit ako ang sinama mo rito sa Batanes at hindi si Wendy? Dahil ba sa magkaaway kayo?" "Hindi gano'n, Simone." "E bakit ako ang sinama mo?" nakataas ang kaliwang kilay ko sa kanya. "Kasi sinabi mo na may gusto ka pa sa akin." Pisti! Mabilis na bumaba ang kaliwang kilay ko. Napahawak naman ako sa kaliwang tainga ko. "Pero bakit ka nagbago bigla sa akin? Bakit ka naging sweet ng ganyan?" Pangahas kong tanong. My high school teacher once said that change is the only constant thing in this world. Lahat nawawala, naglalaho, but not change. "Kasi sa lahat ng nagmahal sa akin, ikaw 'yung pinaka-sincere." For whatever season, century, or lifetime, change is always present. It is indeed timeless. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Max. Parang napilipit ang dila ko. And of course, hindi naman tayo nagbabago dahil lang sa wala. We change because of a certain reason. "I have been stupid enough for a very long time not to see it; not to realize it. Pinaglaruan lang kita no'ng high school without knowing na sa lahat ng taong nagkagusto sa akin, ikaw 'yung laging nand'yan at handang gawin ang lahat para sa akin." This reason is powerful enough to make us change. Pwedeng biglang may malaking turn over sa buhay natin, or pwede rin namang dahil sa may nawala, dahil may na-realize tayo. "At ngayong alam kong may gusto ko pa sa akin at wala na si Dino sa buhay mo, panahon na para bumawi sa 'yo." Whatever the reason is, we change and hopefully, this change is for the better. In my case, ang bago lang sa buhay ko ay ang pagkawala ni Dino. At itong si Max? "Max, I'm not buying what you're saying. Alam kong sinasabi mo lang 'yan dahil magkaaway kayo ni Wendy. Kapag nagkaayos na kayo, siguradong iiwanan mo lang ulit ako sa ere. Max, ginawa mo na 'yan sa akin noon, and this time, pwede huwag mo nang ulitin? And mind you, nagsinungaling lang ako when I said that I still like you. Iiyak ba ako kay Dino kung hindi ko siya mahal? Max, hindi mo ko katulad na pabago-bago ng minamahal. Kung may babaguhin ka, pwede 'yang attitude mo na lang na 'yan?" À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD