Chapter 7

4960 Words
Hindi pa rin maikakaila na one of the best architectures in our country ay ang mga Catholic Churches na siyang itinayo noon pa man. With its antiquity and majestic well-being, kahit sino talaga gugustuhing ikasal sa simbahan. Little would agree but one of the romantic places in the world would be the church. Aside from being a romantic place, the church is also a dwelling of prayers and wishes. Napakaraming tao ang nagdadasal sa simbahan at humihiling. While some are granted immediately by our God, may iba namang matagal bago dinggin dahil ibibigay Niya ito sa takdang panahon. "Congratulations and Best Wishes, Mr. and Mrs. Mercedes," nagpalakpakan ang mga tao matapos mag-kiss ng groom and bride. Tiningnan ko ang orasan ko. 01:33PM pa lang pero tapos na ang kasal pati na rin ang reception. Gano'n ba talaga rito sa Batanes? Maagang ginagawa ang kasal? Civil beach wedding ang naganap. Mayaman silang pamilya kaya ang gusto nila ay may live singer pa sa processional, sa contract signing, at sa reception. Buntis na rin daw kasi ang bride ng two months kaya nag-civil muna sila. 'tsaka na lang daw sila magpapakasal sa simbahan. In all fairness sa akin, ha, ang job description ko lang today ay ang kumanta, hindi ro'n kasama ang ichismis ang buhay ng newlyweds. "So what's next?" tanong ko sa manager ko na kanina pa tawa nang tawa sa tabi ko dahil sa mga green jokes at green games ng emcee kanina. "Lalabas tayo ng beach resort," nakangiti si Max ng malapad. Hindi na ako nag-abala pang magtanong kung saan ang punta, hindi ko rin naman alam ang mga pasikot-sikot dito. "Sir Simon," lumingon ako kay Sabrina. "Simone," itinama ko ang maling bigkas niya ng pangalan ko. "Ayh, sir Simone po pala," tumawa pa siya. "Maraming salamat po sa service niyo," at may iniabot siyang sobre. Tinanggap ko ito. "Wala 'yun, Sabrina." "Thank you rin po, sir Max." "You're welcome," tugon ni Max na talagang tumayo pa at nakipagbeso kay Sabrina. "Wow! Ibang level din ang lalaking ito. Simpleng tugon lang ang binigay ko kay Sabrina, pero siya, may pagbeso pa!" hirit ko kay Max nang makalayo na si Sabrina. Umalis na rin kami sa reception venue at naglakad papunta sa treehouse namin. "Bakit? Nagiging nice lang ako ro'n sa tao; hindi mo katulad na parang laging hahamunin ng away," depensa niya. Nag-make face ako kahit hindi naman niya kita. "'wag ako, Max, kilala kita." "Ha? Anong kilala mo ako?" "Babaero ka rin, e." "Babaero? Hindi, a." "E!? Huwag nang tumanggi at baka isa-isahin ko pa." "Pwede isa lang?" natatawang turan niya. Naglakad na ulit kami. "E 'di isa." *FLASHBACK* Akala ko ay okay na kami ni Max, pero kahapon lang pala 'yun. Ngayon kasi, mukhang back to normal kami. Tinawag ko kasi siya kanina sa room habang wala kaming klase pero hindi niya ako pinansin. Akala ko ba hindi siya galit? Medyo tumaas ang kilay ko dahil sa inis habang tinitingnan sila ngayon ni Tina na masayang naggugupit ng colored paper para sa activity namin na 'to sa Arts. "Simone, 'wag mong gusutin," hinawakan pa ni Riz ang pulso ko palayo sa dyaryo. Bumalik ako sa senses ko. "Naku, sorry." "Kung nagseselos ka sa nakikita mo, sa iba ka na lang tumingin," suggest ni Riz na siyang may binigay sa aking piraso ng dyaryo. Tiningnan ko ito. Tumawa siya. "Yuck, Riz, ano ba 'yan!?" agad kong inilayo sa akin ang picture ng lalaking naka-underwear lang na nakita namin dito sa dyaryo. Ewan ko ba sa dyaryo na nabili namin ni Riz kanina, puro bastos na picture ang nakalagay. Sana pala 'yung Abante na lang ang pinili namin kaysa rito sa Tiktik. Sabi kasi no'ng tindero itong Tiktik na lang daw ang bilihin namin. Nalipat ulit ang tingin ko kay Max at Tina. Kinukulit-kulit pa ni Max si Tina. Napakaarte naman nitong si Tina. Akala mo naman ang ganda-ganda niya. Natigilan ako. Maganda nga pala talaga siya. Siguro nahampas lang si Max ng magandang hangin kahapon kaya ang bait niya sa akin kahit na sinabi niyang mukha akong siokoy na duling. Hay! Hindi na yata 'yun mangyayari ulit. Kung nakapanuod kaya ako ng game nila kahapon, magiging ganito pa rin kaya siya sa akin ngayon? Tinapos ko ang paggugupit. Hindi nagtagal ay natapos na kami ni Riz sa ginagawa namin. Niligpit namin ang mga kalat namin. Pagkatapos ay ako na ang nagprisinta na ipasa ang gawa namin kay ma'am. Ipinatong ko sa patas ng papel ng mga naunang nagpasa ang gawa namin ni Riz dito sa teacher's table sa room. Kaya lang, imbes na sa patas ng papel ko maipatong ay naipatong ko ito sa kamay ng isa kong kaklase na nagpapasa rin ng gawa niya. Nagulat ako nang makita kung kaninong kamay ito. Kay Max. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin. Ini-angat ko ang kamay ko para makuha niya ang kamay niya at mailagay niya ng maayos ang gawa niya. Hindi pa rin namin inaalis sa isa't isa ang tingin namin hangga't sa makaalis siya. Nang makatalikod na siya sa akin ay inayos ko naman ang lagay ng gawa namin ni Riz sa patas ng papel. "Kung makatingin si Ibarra kay Simone, e," puna ni ma'am. Nasa unahan nga lang pala siya! Hala! "Bakit po, ma'am?" usisa naman ng iba kong mga kaklase. Nakatungo akong bumalik sa upuan ko. "Ang lagkit ng tingin ni Ibarra. Akala mo naman maaagaw sa kanya si Simone," tumawa pa si ma'am kasabay ng mga kaklase ko. Humawak ako sa tainga ko. Gusto ko sanang tingnan ang reaksyon ni Max pero huwag na lang, baka lalo pa kaming lokohin dito. Hindi nagtagal ay uwian na. Wala ang trainer namin kaya wala kaming practice ngayon. Magkikita at magsisimba naman kami ni mama. Nag-mano ako kay mama nang makatabi na ako sa kanya sa upuan dito sa simbahan. Pinagmasdan ko ang simbahan namin. Maganda at malaki ito. Hindi ito ang first time na nakapasok ako rito sa simbahan namin. Siguro noong mga nakaraang pagkakataon hindi ko lang masyadong napapansin kung gaano ito kaganda. Ngayon, parang nakakagaan ng kalooban ang kagandahan at katahimikan na mayroon ito. Nabasag ang kapayapaan na nararamdaman ko nang biglang may dalawang tao na tumabi sa akin. At kung may salamin lang siguro ako sa mata, baka pati iyon ay nabasag na. Hindi ko inaasahan na makikita si Max kasama ang isang babae na sa National High School nag-aaral. Sino siya? Ayaw ko sana silang pansinin kaya lang, si Max 'to, e. Imposibleng hindi ko siya mapansin. At bakit nga kaya niya kasama ang babaeng ito? Ano siya ni Max? Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang misa. "Amen." Kapansin-pansin talaga sa kaliwa ko si Max at ang babae. Kanina pa sila nagtatawanan ng mahina. Hindi ko naman alam kung anong pinagtatawanan nila. Naku. Huwag lang silang maririnig ni mama na nandito sa kanan ko ngayon dahil paniguradong pagagalitan sila nito. Wala pa naman itong pinipili. Basta maingay at magulo sa loob ng simbahan, pinagagalitan niya. "Ang lahat po ay magsi-upo at makinig sa mga pagbasa." Umupo kami. Hindi ko naiwasang hindi mapalingon kay Max at sa babae. Nakaakbay si Max sa babae habang naka-upo sila. Ginagawa ba nilang dating place ang simbahan? At kung oo, bakit kailangan sa tabi ko pa? Ang lawak lawak dito at ang dami-daming bakanteng upuan. Aamin na akong medyo nasasaktan ako ngayon dahil sa kasama ni Max. Akala ko pa naman ay magiging okay na kami mula kahapon. Pero kung sa bagay, pwede naman kaming maging okay bilang magkaibigan. Siguro 'yun ang dahilan niya kung bakit niya ako kinausap kahapon. Paano kung pinagseselos lang ako ni Max? Kaya kanina sobrang niyang kinukulit si Tina at sa lugar pa kung saan kitang-kita ko. Ngayon naman ay sa babaeng ito. Pwede naman silang umupo sa ibang upuan pero rito pa talaga sila sa tabi ko. Teka nga, kung ano-ano na namang pinag-iiisip ko. Bakit naman ako pagseselosin ni Max e ayaw na ayaw nga niya sa'kin, remember? Tinapik ko ang noo ko. Bigla naman akong kinublit ni mama. Napatingin ako sa kanya. Inayos ko ang upo ko at pinilit makinig sa binabasa ng lector pero mas nakukuha ng atensyon ko ang hagikhikan ng dalawa rito sa tabi ko. "Salamat sa Diyos," sagot namin. Tumayo na kami. Ginawa ko ang best ko na makinig sa Mabuting Balita pero mas napapansin ko ang galaw ni Max. Ang likot-likot niya sa pwesto niya. "Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo," sagot ng bayan. "Ang lahat po ay magsi-upo at makinig sa Homiliya," ang commentator naman. Lumingon si mama kina Max. Medyo umisod pa siya sa akin at nakita ko kung paano niya kinublit si Max. Hindi ko tiningnan ang reaksyon ni Max pero alam kong nagulat ko siya. Hindi malabong hindi. "Kung maglalandian lang kayo rito ay umalis na lang kayo," saad ni mama sa kanila. Parang gusto ko na lang munang lumubog sa lupa. Mama naman kasi. Pero may parte sa akin na natatawa. Okay na rin ng mapagalitan itong sina Max nang hindi sila kusmitan nang kusmitan ng babaeng kasama niya. Natahimik ang paligid ko. Syempre hindi super tahimik kasi nagsasalita si father pero at least, wala nang magulo sa tabi ko. "Marami na sa kabataan ang nagli-live in sa ngayon. Nagsasama kahit hindi pa kasal. Ang katwiran, tina-try kung magwo-work sila ng kanilang katipan para maging mag-asawa. Pero ito po ay mali," nilakasan pa ni father ang pagbigkas niya ng salitang mali. "Dapat alam ng lahat na ang pag-aasawa ay hindi sinusubukan." Maging asawa ko kaya si Max? E? Ni hindi ko nga alam kung paano kami magiging mag-syota nito. Kahapon nga lang ako nito pinansin at kinausap ng maayos-ayos. Kung ano-ano na namang naiisip ko. At isa pa, paano ako pipiliin nitong si Max? E heto nga siya, may kasamang ibang babae. Hay! Sana ako na lang ang kasama ni Max ngayon. Sana ako na lang inakbayan niya kanina. Sana kami na lang ang nagtatawanan kanina. E 'di sana kayo rin ang napagalitan ng mama mo, Simone. Okay lang, ang mahalaga, kaming dalawa ni Max. "Mga babae!" nagulat ako sa biglang hiyaw ni father. "Hindi ba ninyo gustong ikasal muna bago i-alay ang buong buhay niyo sa inyong minamahal? Tatandaan ninyo, hindi pinaghihiwalay kailan man ang dalawang taong pinagbuklod sa harap ng Diyos. Kaya kung magpapakasal din lang kayo ay sa simbahan na." Ako? Gusto ko talagang ikasal sa simbahan. Pero ako ang bride, ha. At ang groom? Itong katabi ko sana, i-erase lang 'yung pangit na kasama niya. "Napakaraming magagandang simbahan dito sa Pilipinas. At sinasabi ko sa inyo, lalong-lalo na sa mga lalaki, wala nang mas romantic pa sa pagdadala ng babae sa simbahan." May biglang gumuhit sa dibdib ko. Dinala kaya ni Max ang babaeng kasama niya rito sa simbahan? Siya kaya ang nagyaya sa babaeng 'to na magsimba? "Sa simbahan, may kapayapaan, katahimikan, kaligayahan, pagmamahal, pag-ibig. Kung gusto ninyo ng maayos na relasyon, sa simbahan kayo palaging magtungo at nakakasigurado, siya na ang the one. Hindi niyo na kailangan pang mag-live in." Hindi ko na naintindihan ang mga kasunod na sinabi ni father. Nalulungkot ako. Bakit gano'n? Bakit sinama ni Max ang babaeng 'to rito? Ibig sabihin ba no'n, special siya kay Max? Alam kong naiiyak ako at kung iiiyak ko ito, baka kung anong isipin ni Max at ni mama. Akala ko ba, father, may kaligayahan sa simbahan? Pero bakit ganito? Bakit? *END OF FLASHBACK* "Pasasakayin mo 'ko d'yan?" nakapamewang ang kaliwa kong kamay habang nakaturo naman ang kanan ko sa motor na nasa harap namin ni Max ngayon. "Bakit hindi?" iniabot ni Max sa akin ang helmet. "Wala naman tayong ibang masasakyan." "Ano ba naman itong libre mo sa akin? Baka ikamatay ko." Tinanggap ko ang helmet. Sumakay na si Max sa motor. "Ang OA mo talaga, syoks." "Alam mo namang takot ako sa motor, di'ba?" "Akala ko ba malakas ang loob mo?" tiningnan ako ni Max na parang hinahamon ako. Tsk! "Ayusin mo lang ang pagda-drive," sinuot ko ang helmet. "Kasi kung hindi, kukurutin talaga kita sa singit." Tumawa siya. "Aayusin ko, pero kurutin mo pa rin ako sa singit, ha." "Bastos!" pinalo ko ang braso niya. Sumakay na ako sa motor. "Kumapit ka na sa abs ko, alam ko namang no'ng high school pa lang tayo gusto mo nang madama 'yan," tumawa pa ang kumag. Binuhay na niya ang makina. Magpapabebe pa ba ako? Ako si Simone Ohales San Miguel. Hindi na ako ang Simone noong High School. Kumapit ako abs niya. "Feeling mo!" Biglang binilisan ni Max ang takbo ng motor. "Waaaaaaaaa!" sigaw ko. Daig ko pa ang sumakay ulit sa vikings sa perya. "Max! Dahan-dahan!" sigaw ko. Alam kong malapit lang ang bibig ko sa tainga niya at wala akong paki-alam kung mabingi siya. Wala naman akong ibang naririnig kundi ang tawa niya na kasabay ng tunog ng motor. Sumisigaw-sigaw ulit ako. Hindi ko talaga kinakaya ang pagsakay na 'to sa motor. Matapos ang malayo-layong paglalakbay namin ni Max ay tumigil kami sa paanan ng isang burol. Pagkababa pa lang namin ni Max ay mukhang alam ko na kung saan kami pupunta. Pinagmasdan ko lang mula rito sa baba ang krus na makikita sa taas ng burol. Bumilis ang t***k ng puso ko at nauna nang umakyat sa burol. "Sandali lang, Simone!" Hindi ko pinansin si Max at nagpatuloy lang ako sa pag-akyat. Nang makita ang kubuuan ng simbahan ay nagdire-diretso nang tumulo ang luha ko. Dahan-dahan akong lumakad papalapit dito. Alam kong umiiyak ako pero okay lang. "Ang ganda 'no," katabi ko na si Max ngayon habang pinagmamasdan ang Mt. Carmel Chapel. "Bakit ka ba umiiyak?" hinarap ako ni Max sa kanya. "Papansin ka kasi," pinahid ko ang luha ko. Natatawa naman siya. "Ito na 'yung libre ko sa'yo, ha." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay umaapaw ang damdamin sa puso ko kaya nayakap ko na lang siya. At habang nakayakap sa kanya ay ibinuhos ko ang lahat ng iyak ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Buhos ko ang iyak ng tuwa dahil sa sobrang overwhelm nang makasakay ako sa eroplano, itong Batanes, at ngayon naman ay itong chapel sa harap namin ni Max. At alam kong kasama na rin sa luhang ito ang tuluyan kong pagputol ng koneksyon kay Dino. Lalo akong humagulhol nang maalala si Dino. Nanghihinayang ako pero mas mabuti na 'yung ganito. Alam kong kaya ko pa siyang patawarin pero tama na. Hindi ko na alam kung tama pa bang tanggapin ko ulit siya at magpa-ulit ulit lang sa ginagawa namin sa buhay. Alam ko namang sa huli, ako rin ang kawawa. Bakit kasi gano'n? Bakit kasi hindi niya ako magawang mahalin? Minsan lang ako magmahal pero olats palagi. Bakit naman gano'n? Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko. "Ang daming na-ipon, a," napamulat ako dahil sa sinabi ni Max. At do'n ko lang na-realize na nakayakap din pala siya sa akin. Kumawala ako sa yakap ko sa kanya at mabilis ding pinahid ang luha ko. Humihikbi-hikbi pa ako at may ilang pahabol na luha pero pinaglabanan ko ang mga ito. Itinaas ko ang kaliwang kilay ko para maging mataray ulit. "Max naman kasi, dapat sinasabi mo kung saan tayo pupunta para hindi ako nagugulat ng ganito." Inirapan ko pa siya. Tumawa si Max. "Ibang klase ka palang magulat, umiiyak." "Pisti ka! Tumahimik ka d'yan." Pumikit ako at humingang malalim. Dinama ko ang hampas ng hangin na mula sa dagat, gano'n din ang katahimikan. Nakaka-relax. Mas better na ang nararamdaman ko ngayon dahil naka-iyak na ako. Kahit papaano ay naibsan ang dala ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ng picture ang chapel. Nauna namang pumasok si Max sa loob. Hindi ko halos akalain na makikita ko itong Mt. Carmel Chapel. Para akong nananaginip. Sobrang ganda niya. Labas pa lang ito, ha. What more sa loob? Pumasok ako sa loob ng chapel. Nararamdaman ko na naman ang pagka-overwhelm ko. Ang ganda-ganda rin dito sa loob. Hindi ko alam kung anong exact words ba ang dapat kong gamitin para ilarawan ang lugar na ito. Ipinagpatuloy ko ang pagpasok sa loob para makarating ako ng altar. Dito na ako sa aisle dumaan since nandito na rin naman ako. Pinagmasdan ko ang imahe ng Diyos sa altar. Napakaganda. Dito ko na lang napansin kung gaano kalapad ang ngiti ni Max habang nakatayo sa may altar. Patuloy lang ako sa paglalakad sa aisle hanggang sa makarating ako sa may pwesto niya. "So feeling mo kinakasal ka na niyan?" nananatiling malapad ang ngiti ni Max sa akin. "Ha?" bigla kong na-realize na para pala akong bride kanina habang naglalakad. "Ewan ko sa'yo. Pisti. Tabi d'yan." Tinabig ko pa si Max sa kinatatayuan niya kahit may malawak namang madadaanan papunta mismo sa altar. Wala akong pinalampas na sulok. Lahat ay pinicturan ko. Hindi rin nakatakas si Max dahil inutusan ko siyang picturan ako. This is once in a lifetime experience. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito. Mas mabuti nang sulitin ang pagkakataon. "Nakakapagod ka naman," reklamo ni Max habang binibigay sa akin pabalik ang phone ko. "Huwag kang ano d'yan," pagbabanta ko sa kanya. Parehas kaming lumabas na ng chapel at umupo sa damuhan kaharap ng malawak na dagat. "Tama si father," naalala ko nang minsang sumimba ako tapos katabi ko si Max pero may kasama siyang babae noong High School kami. "Sa simbahan may katahimikan, kapayapaan, katulad nitong Mt. Carmel Chapel." "Nagdasal ka na ba?" may pagkaseryoso sa tono ng boses ni Max. Kumunot ang noo ko. "Pisti! Hindi pa!" tumayo ako mula sa damuhan at bumalik sa loob. "Ayan! Baka kasi mamaya ako pa sisihin mo kung bakit hindi ka pa nakapagdasal dito." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Max. Mabilis akong pumunta sa may gitna at lumuhod sa luhuran. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-sign of the cross. Wala pa man ako sa kalahatian ng gusto kong ipagdasal nang lumuhod sa tabi ko si Max. "Lord, salamat po sa pagdadala sa amin dito sa Mt. Carmel. Nagustuhan ko po," out loud na pagdadasal ni Max. That is if nagdadasal nga ba siya ngayon o nang-iinis lang. "May hiling lang po ako, Lord. Sana po ay mapasalamatan man lang po 'yung may idea nitong pagpunta po rito, Lord, kasi po, Lord, sure akong sawang-sawa na 'yun sa kasungitan no'ng kasama niya, Lord. At saka, Lord, sana po..." "Max," pinutol ko ang sinasabi niya. Nakatingin na ako sa kanya ngayon. Lumingon naman siya sa sakin. "Thank you," kasama nito ang pinakamatamis kong ngiti. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Bumalik na ako sa pagdadasal. Hindi ko naramdamang umalis siya sa tabi ko pero tahimik naman siya kaya nakapagdasal ako ng maayos. Nang matapos ay umalis na kami sa simbahan at bumalik na ng beach resort. "Ano nang gagawin natin?" tanong ko kay Max nang matapos kaming kumain ng hapunan. "Mag-eenjoy," tumaas pa ng dalawang beses ang dalawang kilay niya ng sabay habang nakangiti. "Ha?" "Okay na, naka-prepare na ang lahat. Tara na?" hinila ako ni Max mula sa upuan ko. Nagpahila naman ako. Pumunta kami ni Max sa tabing dagat. Sumakay kami ng balsa para makapunta sa floating cottage na medyo malayo sa dalampasigan. Pumasok kami sa loob ng cottage. Kahit madilim ang paligid ay may ilaw naman dito sa cottage. Tiningnan ko pa ang mga kahilerang cottage, may mga ilaw din sila at may ilang may mga tao. Mas pinansin ko ang cottage namin ni Max. "Mag-iinom tayo?" tanong ko. "Oo, bakit?" "Wala naman." Kung sa bagay, para saan pa at naparito ako sa Batanes, di'ba? Why not enjoy it to the max? Napatingin ako kay Max. Why not enjoy it with Max? 'yun pala ang tamang expression. "Busog ka na, wala namang pasok bukas, at hindi rin malayo ang uuwian mo, siguro naman wala ka nang excuse para hindi uminom ngayong gabi?" pahayag ni Max habang sinasalinan ng alak ang basito. "May narinig ka bang excuse sa akin?" masungit na tanong ko sa kanya. At para mas epek pa ang drama, kinuha ko ang basito na may lamang alak at ininom ito. Hindi naman napigilan ni Max na hindi mamangha. "Bakit mo naman naisip na 'yun 'yung magiging excuse ko?" "Kasi 'yun daw ang lagi mong sinasabi kina Santi at Byron kapag niyayaya ka nilang uminom," sagot ni Max habang sinasalinan ang basito. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Hindi na ako nag-abala pang itanong sa kanya kung paano niya nalaman. Kesyo narinig niya sa kwentuhan o tinanong niya, labas na ako ro'n. Hindi naman ako magkakapera kapag nalaman pa 'yun. "Uy, naaalala mo pa ba no'ng 1st Year High School tayo? 'yung nagsimba ako ng katabi ka tapos kasama mo 'yung mama mo," tanong ni Max. "Ito ba 'yung may kasama kang babae na sa National nag-aaral tapos harutan kayo nang harutan sa simbahan?" pagko-confirm ko. "Grabe naman 'to," patuloy lang kami sa pagpapalitan ng tagay. Wala naman kaming hinahabol pero hindi ko alam kung bakit parang nagmamadali kami. "Oo, 'yun." "Naaalala ko pa naman, bakit?" "Kung sa bagay, makakalimutan mo ba naman 'yun? E hinawakan ko no'n ang kamay mo, e," nakangisi si Max na parang aso na nakakuha ng isang malaking piraso ng manok. Inirapan ko naman siya. During the singing of Ama Namin kasi noon, nagulat ako nang hawakan ni Max ang kamay ko. Malinaw naman kasi sa akin that time na hindi niya hahawakan ang kamay ko, pero ginawa pa rin niya. "O? E ano naman ngayon?" pangbabara ko. "Gusto ko lang naman kasing malaman kung bakit bumitaw ka agad sa akin noon?" nakangiting tanong niya. Sa totoo lang ay hindi ako kumportable sa tanong niya. Hays! "Hindi ko ba nasabi 'yan sa 'yo no'ng 4th year tayo?" "Ewan. Hindi yata," sagot niya. "Hindi ko na kasi maalala kung bakit ako bumitaw agad," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, kaya ako bumitaw din agad sa kamay ni Max ay dahil sa iniisip ko noon na wala naman akong karapatan na mahawakan ang kamay niya dahil hindi ako ang babaeng dinala niya sa simbahan. Di'ba? Ang corny at baduy ko noon? Ang jeje. Kadiri. Hindi ko natuloy ang pag-inom sa tagay ko nang may biglang ma-realize. Dinala ako ni Max kanina sa simbahan. Ibig sabihin ba no'n may karapatan na akong hawakan ang kamay niya dahil dinala na niya ako sa simbahan? Hindi naiwasan ng bibig ko na ngumiti ng malapad. Pisti! Ang corny at baduy ko naman. Ang jeje na rin! "Ba't ka ngumingiti d'yan?" Sa haba ng sinasabi ni Max kanina ay 'yun lang ang naintindihan ko. "Walang basagan ng trip," sagot ko sa kanya. Ininom ko na ang tagay ko at binigay sa kanya ang basito. Kinuha ko ang isang liyanera ng letche flan at binawasan ito. "May ano," si Max, tinuro niya ang bibig niya. Senyas iyon ng may dumi sa mukha ko particularly sa bibig. "Saan?" hinawakan ko ang left wing ng labi ko. "Ayan o," turo pa ni Max sa mukha ko. "Saan nga?" pinandilatan ko siya ng mata kasi wala naman akong makapang dumi sa left wing ng labi ko. Gano'n din nang damahin ko ang right wing ng labi ko. "Ayan ang dumi," nakaturo pa rin siya sa mukha ko. Kumunot na ang noo ko. "Saan? Wala naman." "Ayt!" ibinaba ni Max ang kamay. "Akala ko dumi; mukha mo lang pala." At tumawa pa ang timawa. Bwisit. "Alam mo, pisti ka," ang sama ng tingin ko sa kanya. "Nakakatawa 'yung joke mo, pwede ka sa comedy bar." Inirapan ko pa siya. Sa kung bakit nga ba naman kasi tuwang-tuwa palagi ito kapag niloloko at nilalait ako, mula noon hanggang ngayon. "Pero seryoso na, Simone," dama ko ang pagkaseryoso sa boses ni Max. "Bakit ka umiyak ng sobra-sobra kanina?" Natigilan ako. Tinitigan ko ang iniinom naming brandy na 750ml. Malapit na siya sa kalahati. At hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Max ngayon. "Dahil ba ro'n sa kausap mo kahapon?" Tiningnan ko siya ng masama. At sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ngayon, alam kong hindi niya nagustuhan ang tingin ko sa kanya. "Ang chismoso mo," pauna kong pananalita. "Sorry na, hindi ko naman sinasadya na marinig kahapon, e." Tinutukoy niya ang pag-uusap namin ni Dino. Pero imbes na ituloy ko ang pagratrat sa kanya, nabago rin ang ekspresyon ng mukha ko. Dadalawa na nga lang kaming magka-inom at magkasama ngayon, aawayin ko pa ba siya? "E ikaw ba kagabi? Hindi ka ba nainis sa kausap mo sa phone?" Natigilan si Max sa pag-inom ng tagay niya. "Ang chismosa mo rin," saad niya. At ilang sandali pa ay natawa na lang kami dahil sa mga revelations namin. "Hoy, Max, correction, hindi ako chismosa kasi wala akong narinig sa usapan niyo. Alam ko lang na inis ka kagabi kasi kinakamot-kamot mo 'yang ulo mo," paliwanag ko. "Oo na, oo na. Pero bakit nga? Ano ba 'yung kahapon? Sino 'yung kausap mo?" seryoso na ulit siya ngayon. Hindi naman siguro masama kung ikukwento ko kay Max, di'ba? Hindi ko naman kasalanan kung bakit hindi ako gusto ni Dino. Hindi ako ang mali. Ang mali ay si Dino. Dahil isa nang Simone Ohales San Miguel itong nagmahal sa kanya, pinabayaan pa niya. Gago siya. Ikinuwento ko ang pag-uusap namin ni Dino kahapon kay Max. "Mahal mo pa?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Max. "Ewan ko. Siguro hindi na, napapagod na ako, e." "Gano'n ba 'yun?" halata ang pagtataka ni Max. "E kasi sabi nila, di'ba, kapag mahal mo, hindi ka mapapagod, mararamdaman mo 'yung pahinga. In my case, sa tuwing kausap ko siya, hindi ko na maramdaman 'yung pahinga, puro pagod na lang. 'yung pagod na gusto mo nang sumuko, gano'n." Ininom ko ang tagay ko. "Ganyan din kaya 'yung sa amin ni Wendy?" Hindi ko naiwasan na hindi usisain ang sinabi niya. "Bakit?" "Simone, pagod na rin ako sa kanya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pangunahan ako sa lahat ng bagay. Pa'no naman 'yung sarili kong desisyon? 'yung diskarte ko sa buhay? Akala naman kasi niya wala akong ginagawa. Di porke't may trabaho siya at ako itong wala." Pinabayaan kong sabihin ni Max ang gusto niyang sabihin. Hindi ako sumingit o kung ano pa man. Alam kong kailangan niyang ilabas iyon. "Tapos kung makapagduda pa, akala mo niloloko ko siya. Sobrang maghinala at magselos. Lahat na lang big deal. Bawat galaw, kailangan sinasabi. Kulang na lang itali ako sa baywang niya." Kitang-kita kay Max na hindi talaga siya natutuwa. "Nag-usap na ba kayo? Napag-usapan niyo na ba 'yan?" singit ko na. "Oo. Ang hirap din naman kasi sa kanya, gusto niya siya na lang lagi ang masusunod. Pag-uusapan namin 'yan, tapos hindi naman niya ako papakinggan. Ipagpipilitan lang naman niya 'yung kanya na ayaw ko. Ang ending lagi kaming hindi nagkaka-intindi." "Alam mo, Max, kung mahal ka talaga niya, makikinig siya sa'yo." "Napapagod na rin naman ako sa kanya. Nakakasawa nang sumunod nang sumunod na lang; may sarili rin naman akong buhay. Magjowa pa lang kami, hindi pa kami mag-asawa." Hindi na ako sumagot sa huling sinabi ni Max. Nagkatinginan na lang kami. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sabay kaming nagkatawanan. "Ang drama pala natin," kasabay no'n ang tawa ni Max. "Hindi ko halos akalain na mapapag-usapan natin ang ganitong bagay," ako naman. Binago namin ni Max ang topic ng pag-uusap namin. Pinili na lang naming balikan ang masasayang pangyayari noong high school kami kahit madalas kaming hindi magkasundo. Kasabay ng paglalim ng gabi ang pagkaubos ng bote ng brandy na iniinom namin. Hindi nagtagal, nakadalawang bote na kami. At hindi rin nagtagal ay nalasing na ako. "Sobra mo bang nagustuhan 'yung libre ko sa'yo kanina?" tanong ni Max. "Oo naman," diretso kong sagot. "Dinala mo lang naman ako sa isa sa pinakamagandang simbahan sa buong Pilipinas." Napansin kong tumayo si Max mula sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. "E ano 'yung pinagdasal mo kanina?" "Graded recitation ba 'to? Ang dami mong tanong," reklamo ko. "Sige na, sagutin mo na." "Pinagdasal ko? Sana maging okay na ako. Alam ko kasing hindi magiging madali na iwanan na ang gagong si Dino. Hiniling ko kay Lord na sana pagalingin na niya 'yung puso ko. At sana hindi na ako maging marupok kay Dino, because I know I deserve someone better. I pray to finally meet that someone better." Hindi pa rin maikakaila na one of the best architectures in our country ay ang mga Catholic Churches na siyang itinayo noon pa man. With its antiquity and majestic well-being, kahit sino talaga gugustuhing ikasal sa simbahan. Lumingon ako kay Max. Nagdadalawa na ang tingin ko sa kanya. Nandito lang siya sa tabi ko. Hindi siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin. Little would agree but one of the romantic places in the world would be the church. "Max?" Nakatingin lang siya at hindi kumikibo. This time, hindi na dalawa ang tingin ko sa kanya. Aside from being a romantic place, the church is also a dwelling of prayers and wishes. Napakaraming tao ang nagdadasal sa simbahan at humihiling. Unti-unting lumapit ang mukha ni Max sa mukha ko. Hindi ako sure pero parang naramdaman ko ang very tip ng labi niya. Dama ko rin ang paglabas ng hininga niya. While some are granted immediately by our God, may iba namang matagal bago dinggin dahil ibibigay Niya ito sa takdang panahon. In my case, hindi ko alam kung dininig na ba Niya ang hiling ko nor kung ito na ba ang takdang panahon. Pinigilan ko ang paglapit ni Max. Umiwas ako sa kanya. Tumayo ako at nagdire-diretsong lumabas ng floating cottage. At dahil nakalimutan kong nasa floating cottage nga pala kami, wala akong natapakang buhangin. The next thing I know is basang-basa na ako ng tubig-alat. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD