Chapter 6

4856 Words
Everyone likes music. Kung magiging artista ang music, paniguradong wala itong haters. Every person in this world has at least one song that best describes his or her life. But the best thing about music is that it throws us back to a certain point of our life in the past. Katulad ng perfumes, isa ring time machine capsule ang music. Kapag narinig natin ang isang kanta, napakalakas nitong maka-throwback. Gusto nating balikan ang mga panahon kung kailan uso at patok ang mga kantang ito. However, the only thing we can do is to just look back; we can never go back. Napapikit ako sa sobrang sarap. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi bilisan ang ginagawa ko. "Okay ka lang?" tanong ni Max. "Nasisiraan ka na yata ng bait d'yan." "Max, okay lang ako. Ang sarap-sarap nitong kinakain natin. Nasa Batanes ba tayo o nasa Pampanga? Grabe! Ang solid," tugon ko sa kanya habang pinagmamasdan ang karneng nakatusok sa tinidor ko ngayon. "Magdahan-dahan ka naman, baka mabulunan ka," bilin niya. "Makakadahan-dahan ka pa ba kung ganito kasarap ang kinakain mo?" Tumawa si Max. "Kung sa bagay, may point ka," isinubo niya ang kanin sa kutsara niya habang bakas na bakas sa mukha ang kaligayahan. Tiningnan ko siya ng diretso at itinaas ko ang kilay ko. "Ewan ko sa'yo. Ang bastos mo." "Bakit? Wala ako ritong ginagawang masama," natatawang turan niya. "Pero may iniisip kang masama," bwelta ko. Lalo siyang tumawa. "Kahit kailan, ang manyak mo," dagdag ko pa. "Nakakahiya naman sa conservative," hirit niya sa akin. "O bakit? Hindi ba?" itinaas ko ulit ang kilay ko sa kanya. Syempre, 'yun pa rin ang tingin niya sa akin — conservative. "Teka, Max, maiba ako, ito bang stay natin dito sa beach resort na 'to ay libre? Pati 'tong mga kinakain natin?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Opo, lahat 'to ay libre, kasama sa premyo ko — plane ticket, itong stay sa beach resort, pati na rin lahat ng kakainin natin dito. Libre po, Ms. Practical 1969." "Ms. Practical 1969? Anong akala mo sa 'kin, gano'n na katanda?" Practical pati. Palibhasa, alam niyang mahirap lang ako. "Mabuti naman, libre 'to. Teka, hindi mo pa ako nililibre. Nanalo ako sa race kanina." "Kalma, bukas na 'yung libre ko sa'yo," tugon niya. Itinaas pa niya ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Excuse lang, ha." Tumayo siya at umalis. Hindi ko na siya pinansin. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain kasi sobrang sarap talaga. Nakalimutan ko na ang tawag dito sa dish, naisama ko sa paglimot sa nakaraan. Ha! Ha! Ha! Napatulala ako sa madilim na dagat. Somehow, hindi naman ako nalulungkot ngayong pinutol ko na ang communication namin ni Dino. I think this is for the best. Tutal, nagiging toxic na rin naman talaga siya sa akin. Tama na. Sasaktan lang din naman niya ulit ako, e. At alam kong magpapa-ulit ulit lang kami. Magso-sorry siya tapos patatawarin ko siya, tapos uulitin na naman niya. Hay! Hindi nga yata talaga napipigilan ang kati sa katawan. Binalik ko ang sarili ko sa pagkain. Napansin kong hindi pa bumabalik si Max. Nasaan na 'yun? Hinanap ko siya ng tingin at nakita ko siya sa counter ng pantry. Kausap niya si Sabrina. Ang lapad-lapad ng ngiti ng kumag. Don't tell me, nagpapa-cute siya kay Sabrina? Umiwas ako ng tingin sa kanila nang mapansing papunta sila sa pwesto ko. "Simone," umupo si Max sa pwesto niya, kasama nga niya si Sabrina. Tiningnan ko si Max. "May sasabihin si Sabrina." "O?" lumipat ang tingin ko kay Sabrina. "Sir? Nalaman po kasi namin kay sir Max na magaling daw po kayong kumanta." Tiningnan ko si Max ng masama, bumubungisngis siya ngayon. "Ano pang chismis ang sinabi sa'yo niyang lalaking 'yan?" basag ko sa gustong sabihin ni Sabrina. "Wala naman po." "At ano naman ngayon kung magaling akong kumanta?" tiningnan ko si Sabrina katulad ng kung paano ako tumingin sa mga estudyante kong may kasalanan at kinakausap ko privately. "Uhmm, nag-back out po kasi 'yung kakanta para sa wedding bukas." "So kasalanan ko?" itinaas ko ang kaliwa kong kilay. "Hindi po, hindi po," tumingin si Sabrina kay Max na animo'y humuhingi ng tulong. "Kung pwede ka raw kuhain bukas na kumanta para sa kasal," sabat ni Max. "May TF naman daw." Awtomatikong bumaba ang kaliwang kilay ko. Ramdam kong umuusbong ang ngiti sa labi ko pero pinigilan ko ito. "Ang repertoire ng kanta? Anong oras? At ano rin ang isusuot ko? Saan ako pupwesto at saang part ako kakanta?" dire-diretso kong tanong. Umaliwalas ang mukha ni Sabrina. Agad niyang pinaliwanag sa akin ang mga kailangan kong gawin. Nang matapos ang briefing at ang pagkain na rin namin ni Max ng hapunan ay nagdesisyon na kaming bumalik sa treehouse. "Ang sungit mo naman kanina kay Sabrina," basag ni Max sa katahimikan namin habang naglalakad. "Defense mechanism ko lang 'yun," palusot ko. "Kaya ka ba nagsusungit din sa akin?" Natigilan ako. "Alam mo, pwede kang mag-teacher." "Bakit?" "Ang dami mong tanong, e." "Ang sungit," reklamo ni Max. "Aralin mo na agad 'yung kanta. Ayusin mo, baka mapahiya ako. Ako pa naman ang manager mo ngayon." Inayos pa ni Max ang pagkakatayo niya na akala mo ay kagalang-galang na nakasuot ng Americana. "Manager? Tigilan mo ko," binilisan ko ang lakad. "Ano bang mga kanta ang nand'yan?" binilisan din niya ang lakad niya to catch up with me. "Ayan," ini-abot ko kay Max ang papel kung saan nakalista ang mga kakantahin ko. Nakarating na kami sa loob ng treehouse namin. "Ano 'tong Mr. DJ?" tanong niya. Apparently, 'yun lang ang alam kong hindi niya alam sa mga kanta na nakalista. Humarap ako sa kanya at sinimulang kantahin ito. "Mr. DJ, can I make a request? Pwede ba 'yung love song ko? Mr. DJ, para sa 'kin ito. Sana ay okay sa'yo." Sinabayan ko ng pagpalakpak ng naaayon sa tono ng kanta 'yung pag-awit ko. "Hihintayin ko na patugtugin mo. Thank you uli sa'yo. Kahit luma na ang aming awit, nais ko ring marinig." Dinagdagan ko naman ng kaunting dance movements ng katawan ang pagkanta ko habang umiikot-ikot kay Max. "Kahit man lang sa 'king alaala ay makasama ko siya. Nasa'n man siya, mayro'n mang iba, ito'y para sa kanya." "Di'ba, kinanta mo na rin 'yan dati?" Napatigil ako dahil sa sinabi ni Max. Natatandaan pa niya 'yun? *FLASHBACK* "At sana'y nakikinig siya, naaalala kaya niya ang love song namin noon na niluma na ng panahon?" Sobra akong kinakabahan pero hindi na lang ako nagpahalata. Baka ito pa ang dahilan ng pagbagsak ko sa quiz naming ito. At saka isa pa, matatapos na rin naman ako sa pagkanta. "Mr. DJ, salamat sa'yo. Sumasabay din ako sa love song namin noon na niluma na ng panahon. Mr. DJ... Mr. DJ..." Nang matapos ang huling nota sa kanta ay nag-bow ako. Hindi papansinin ni ma'am ang score sa videoke dahil hindi naman daw 'yun relevant. Kaya ang ibibigay niyang grade sa amin ay nakadepende raw kung nasa tono kami o hindi. Hindi ko halos akalain na ganitong quiz ang gagawin namin sa music ngayon. "Mr. DJ, Mr. DJ, daming arte nito," salubong sa akin ni Vin nang makalapit ako sa pintuan kung nasaan silang magbabarkada. Sumulyap ako kay Max na nakataklob ng panyo niya. Para siguro hindi ko siya makita. Tiningnan ko naman si Vin at hindi siya pinansin. Lumabas na ako ng Music Room at dumiretso sa classroom namin. One week na rin akong hindi pinapansin ni Max matapos niyang mahulog sa dagat dahil kay Paloma. Ayh? Wala nga palang bago ro'n. Hindi nga pala talaga niya ako pinapansin. Pero nahahalata ko palagi siyang nagtataklob ng panyo niya o kaya no'ng bag niya kapag tinitingnan ko siya. Para ba hindi ko siya makita? Ewan. "Ano 'to?" kinuha ko ang plastic na nakalagay sa lamesa ng upuan ko. Binuksan ko ang plastic. Mabilis akong napangiti nang makita kung ano ang nasa loob — ang t-shirt na pinahiram ko kay Max no'ng nahulog siya sa dagat. "Simone," lumingon ako sa kaklase ko habang inaalis ang t-shirt sa loob ng plastic. "Pinapatawag ka ni sir Rodriguez sa faculty." "O sige, pupunta na ako," mabilis kong sinilid ulit ang damit sa plastic at pinatong sa lamesa ko. Pumunta ako sa faculty. Bakit naman kaya ako pinapatawag ni sir? Baka may i-uutos lang. "Simone," bungad sa 'kin ni sir. "Magaling ka raw kumanta." "Po? Hindi po," mabilis ko sagot. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni sir. Mukhang hindi siya kumbinsido. "Narinig kita kanina sa music room, huwag ka nang tumanggi. At saka sabi ng mama mo marunong ka raw tumugtog ng piano." Hala! Pa'no nalaman 'yun ni sir? Hay! Para gusto ko na lang himatayin ngayon na. "Ano po ba 'yun? Bakit niyo po inaalam?" "Ikaw ang isasali ko sa klase natin para sa SPA Got Talent." Napanganga ako sa sinabi ni sir. "Huwag po ako, sir. Mapapahiya lang po ang klase," tanggi ko. "Naka-usap ko na ang mama mo sa telepono. Pumayag na siya. At saka magpa-practice ka naman kaya hindi ka mapapahiya ro'n." "Sir..." Hindi ko alam pero lumalakas ang t***k ng puso ko. Parang bigla akong kinabahan. Hindi ko yata kaya ito. "Huwag ka nang tumanggi, Simone. Kayang-kaya mo 'yun." "E sir?" Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Feeling ko kasi may parte sa loob ko na ayaw tumanggi. Parang may nagsasabi na kaya ko naman 'yun, e. "Bahala ka, dagdag grades din 'yun." Ayh oo nga, extra co-curricular din 'to. Pero pa'no kapag natalo naman ako? O kaya hindi ko nagawa ng maayos? "Sayang din 'yung cash prize. May consolation prize naman, kahit hindi ka manalo." Alam kong biglang lumiwanag ang paligid ko. Sayang nga 'yun. Maigi ring pang-baon. "Sige po, sir. Payag na po ako, mukhang wala rin naman po akong choice, e," pahayag ko. Sayang din kasi. At saka para ma-experience ko rin. "O sige, mag-practice ka, ha. Galingan mo," pagpapalakas ni sir ng loob ko. "Sige na, bumalik ka na sa classroom niyo." "Sige po, salamat po." Biglang naghalo-halo ang nararamdaman ko. Natatakot ako na kinakabahan pero excited. Parang gusto ko nang mag-practice agad. Pero tama ba 'tong gagawin ko? Pa'no kung hindi ko mai-perform ng maayos? Hay! Pagkabalik ko ng classroom ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Mabilis kong isinilid sa bag ko ang damit na binalik sa akin ni Max. May napansin naman akong 1/2 crosswise sa may paahan ko. Tiningnan ko kung kaninong papel ito pero wala namang nakalagay na pangalan. Tanging ang salitang salamat lang ang nakasulat. Kanino kaya 'to? Feeling ko sa girls 'to, maganda ang lettering, e. Pero hindi naman na siguro 'to hahanapin ng may-ari. Sa ganda niyang mag-lettering, siguradong kayang-kaya niyang makagawa ulit ng ganito. Kinoyumos ko ang papel. Pag-angat ko ng ulo ko ay aksidenteng si Max agad ang nakita ko. Nakatingin din siya sa akin. Pansin kong galit siya. Agad naman siyang umiwas nang makita akong nakatingin sa kanya. Ano na naman kayang problema no'n? Hays! Pero ano kaya ang kakantahin ko para sa Got Talent? Kailangan tutugtog pa ako ng piano? Dapat ba 'yung kantang bumibirit ang piliin ko? Inilista ko lahat ng kantang feeling ko ay kaya kong kantahin at tugtugin sa piano. Marami-rami rin. Sinubukan ko naman silang kantahin sa isip. Inimagine ko rin ang sarili kong nasa stage habang kinakanta sila. Tiningnan ko ang paligid. Ang kalat ng classroom namin. Ang daming tao. Ang ingay. Kung ano-ano ang ginagawa ng mga kaklase ko. Kung ano-ano rin ang naririnig kong pinag-uusapan nila. Mayroong ang topic ay ang videoke namin kanina sa Music. 'Yung iba naman ay kung saan sila pupunta mamayang hapon pagka-uwian. Dota naman ang pinag-uusapan ng mga boys. Hay ewan! Hindi ako makapag-concentrate dito sa classroom. Lumabas ako at dumiretso sa playground ng school. Umupo ako sa isang bakanteng swing. Tiningnan ko ang paligid. Kabaliktaran ito ng classroom na pinanggalingan ko. Dito, mas makakapag-concentrate ako. Mahina kong inawit ang mga kanta sa listahan ko. Pero hindi ko sila feel. Pakiramdam ko ay may mali sa kanila. "Aray!" napakunot ako ng noo at awtomatikong lumingon sa kaliwa ko. May maliit na bato kasing tumama sa binti ko. Wala akong nakita nang lumingon ako. Baka nadala lang ng hangin. Malakas din kasi ang hangin dito ngayon. Dapat pala nasa harap ako ng piano ngayon para malaman kung alin sa mga kantang 'to ang madaling tugtugin habang kumakanta. "Aray!" Sa braso naman ako tinamaan. Hindi na natural cause ang pagtama sa 'kin ng bato na 'yun, a. Tumayo ako mula sa swing at tiningnan ang mga puno sa kaliwa ko. Nagulat ako nang biglang lumabas sa mga puno si Max. Siya ba 'yung nambabato sa 'kin? "Max? Aalis na lang ako," agad kong sambit kaysa naman paalisin pa niya ako. Naglakad na ako. "Bakit? Sino nagpapaalis sa'yo?" Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. Hindi ako nakagalaw. "Dito ka muna," narinig ko ang pagtunog ng swing. Umupo siguro siya. "Bubullyhin mo lang naman ako, e." Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. "Sigurado ka?" May kasiguraduhan sa salita ni Max. Lumingon ako at umupo rin sa isang swing. May dalawang swing sa pagitan namin. Hindi naman siguro niya ako sasaktan. "Ano ba 'yun?" tinutukoy ko kung bakit niya ako gustong dumito muna. "Ang ingay sa room, 'no?" tanging tugon na nakuha ko mula sa kanya. "Kaya nga." Ano namang sasabihin ko rito kay Max? Oo, gusto kong magkasama kami ngayon, nakakakilig, pero hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi naman kami madalas mag-usap nito. Bahala na nga. Ayaw ko namang masayang ang moment. "Kumusta ka na? Ayos na ba 'yung paa mo?" tanong ko. Tumingin pa ako sa kanya at agad kong nabasa ang pagdududa sa mukha niya. Kung sa bagay, hindi ko naman siya masisisi. Nakakalakad naman na siya ng maayos at nakapaglaro pa nga ng basketball kahapon, ibig sabihin, maayos na ang paa niya. "Dapat ikaw na lang ang nahulog sa dagat, e." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Mukha ka kasing siokoy." Tiningnan ko siya ng masama. "Ang bad mo sa 'kin." "Ayan, o," tinuro pa niya ang mukha ko habang nakatawa. "Mukha kang siokoy na duling." Tumawa siya ng malakas. Napangiti na lang ako kahit na ang gusto kong ipakita sa kanya ay pagkainis. Ano kayang magandang ilaban na panloko sa kanya? Tiningnan ko ang hitsura ni Max. Inisip ko kung sinong cartoon character ang kamukha niya. "Uy, siokoy na duling," tumawa siya. Nakataas ang kaliwa kong kilay habang nakatingin sa kanya. "'yun na ang itatawag ko sa'yo, ha. Ikaw na si siokoy na duling." "Nakakahiya naman sa'yo, mambabarang," banat ko sa kanya. Natatawa-tawa pa ako kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. 'Yun kasi ang naririnig kong pang-asar nina Vin dito kay Max — mambabarang, dahil sa apelyido niyang Ibarra na katunong ng barang — mambabarang. Ewan ko rin ba sa mga 'yun. "Okay lang, hindi naman totoo," depensa niya. "Hindi mo katulad, mukha talagang siokoy na duling." Tumawa ulit siya pero nakakaloko 'yung tawa niya. Para siyang adik. "Pero hindi, maganda kaya 'yan si Simone," bigla niyang bawi. Napalitan ng ngiti ang hindi maipintang expression ng mukha ko kanina. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, nakakaramdam ako ng init mula sa puso ko. Maganda raw ako sabi ni Max. "Maganda ka naman, kung hindi ka lang nagmukhang siokoy na duling." Tumawa ulit siya. Tumayo na ako mula sa swing. "Pumunta-punta ka lang pala rito para asarin ako." "O!? Mamaya ka naman umalis. Minsan na nga lang tayo mag-bonding, e." Nagulat ulit ako sa sinabi niya. Hindi ba niya ako pinapaalis? Totoo ba 'to? Umupo ulit ako sa swing. "E bakit mo kasi ako inaasar d'yan?" tanong ko. "Ito naman, biro-biro lang naman, syoks. Hindi ka naman mabiro d'yan, e." "Syoks?" "Oo, syoks, short for siokoy na duling." Tumawa ulit siya kasabay ng pagkadismaya ng mukha ko. "Maka-siokoy ka, akala mo naman ang perfect mo," buong-puso kong saad sa kanya. "O? Bakit? May kamukha ba akong nakakatakot? Wala naman, a. Ang pogi pogi ko kaya," ini-pogi sign pa niya ang kamay niya. Pogi nga naman siya. Tumawa na lang din ako. Pero hindi ako papayag, dapat may tawag din ako sa kanya na nakakatawa. Ang sama naman kasi no'ng mambabarang. Walang kadating-dating. "Ang pogi mo nga, Max," panimula ko. May naisip na akong panloko sa kanya. "Oo naman, kaya mo nga ako crush, ayh." Ha? Ano raw? Parehas kaming nagkatinginan ni Max dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yun. Siguro gano'n din siya. Natahimik kami at nagka-iwasan ng tingin sa isa't isa. Ngayon, paano ko na sasabihin sa kanya na pogi nga siya, kung hindi lang niya nakamukha si Kokey? Hays! "Alis na 'ko, syoks, d'yan ka na," tumayo siya mula sa swing at naglakad na. Tiningnan ko naman ang likod niya. Sa ganito ko lang siya nakikita ng malaya, kapag nakatalikod siya. Tumayo na ako para sana umalis na rin pero bigla akong napa-upo ulit dahil sa gulat nang lumingon siya sa 'kin. "May basketball kami mamaya. Manuod ka." Nabago ang hitsura ng mukha ko mula sa pagkagulat sa pagtataka. Seryoso siya? "Kapag nanalo kami, ililibre mo 'ko. Kapag natalo naman kami..." tumigil si Max at ilang segundo pa ay ngumiti, "ililibre mo pa rin ako." Itinaas niya ang dalawang kilay niya sa akin at pagkatapos ay tuluyan nang umalis. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko hangga't hindi pa siya nakakalayo. Ano ba naman 'yun? E 'di wala rin. Manalo or matalo siya, ililibre ko siya. E saan naman ako kukuha ng panglibre sa kanya? Sa akin pa nga lang hindi na sapat ang baon ko, para ipanglibre pa kaya sa kanya? Ano ba naman 'yun si Maximo!? Matagal lumipas ang oras. Gusto ko nang mag-uwian para sana mapanuod ko nang maglaro sina Max pero pinatatagal ako ng pagkakataon. Parang dumoble ang bagal ng lahat dahil sa paghihintay ko. Nakadagdag pa ang pag-iisip ko ng kanta para sa SPA Got Talent. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-isip. Ilang sandali pa ay natapos na ang klase namin sa afternoon period. Napansin kong nauna nang lumabas ng room ang barkada ni Max. Baka maghahanda na sila para sa laro nila. Binilisan ko ang pag-aayos nang gamit ko. Pero natigilan ako nang makita si Kath na nag-aayos ng mga upuan. Hala! Cleaners nga pala ako ngayon at ka-group ko si Kath! Kung kailan naman nagmamadali ako. Mabilis kong kinuha ang isa pang available na walis at nagwalis sa paligid. Mabuti na lang at mabilis nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Excited din kasi silang manuod ng laban nina Max sa mga 2nd Year students. 'Yun ang narinig kong kalaban nila, e. "Simone, hindi ka manunuod? Nagsisimula na 'yung laro," tanong sa akin ni Riz. Bumalik pa talaga siya rito sa room. "A!" Medyo nagulantang ako nang malamang nagsisimula na pala. "Tapusin lang namin 'to," tintukoy ko ang paglilinis. Binilisan ko ang pagwawalis. Hindi nagtagal ay natapos ako. Nakakarinig ako ng mga sigaw at palakpakan. Na-iintriga tuloy ako na pumunta na roon at manuod kaya lang naman nakakahiya rito sa mga ka-group ko na naglilinis muna. Ano kayang iniisip ni Max ngayon? Alam niya kayang wala pa ako roon? Hay! "Simone? Pinatatawag ka ni sir Rodriguez. Iwanan mo na raw 'yang paglilinis kina Kath." Napatingin ako kay Kath. "Baka importante?" tugon niya sa akin. Iniwan ko ang paglilinis ko. Kung ano man 'tong dahilan ni sir ng pagpapatawag sa akin, ito lang ang masasabi ko: napaka-wrong timing! Kung kailan naman ako nagmamadali. "Sir, good afternooon po." "Punta ka munang music room, nando'n 'yung keyboard, mag-practice ka muna. May napili ka na bang kanta?" Tinutukoy ni sir ang para sa Got Talent. Kumamot ako sa ulo ko. "Wala pa po." "Ayan. Tamang-tama. Punta ka muna sa music room, tumugtog ka ng kahit ano. Do'n mo malalaman kung anong tutugtugin mo." Nagpaalam ako kay sir at pumunta na ng music room. Hindi man lang ako nakasilip kahit sandali sa court. Ano na kayang nangyayari? Sino na kayang lamang? Hay! Tumugtog ako ng kahit ano sa keyboard. Tinugtog ko 'yung alam ko na pero as usual, hindi ko feel. Mas gusto ng tainga ko na pumunta sa court ngayon. Kahit kasi kaharap ko ngayon ang organ, mas dinig ko ang lakas ng sigawan mula sa court. Sana nando'n din ako. Magtampo kaya sa akin si Max kapag nalaman niyang hindi ako nanuod ng laro nila? Ano kayang sasabihin niya sa 'kin? Manalo kaya sila ngayon? At kung manalo o matalo sila, paano ko ililibre si Max? Hay! Pero sa lahat ng tanong ko, ang pinaka-importante ay bakit kaya bigla na lang naging mabait sa akin si Max ngayon? Baka naman kaya siya nagiging mabait ngayon e dahil way niya para pasalamatan ako no'ng tulungan ko siya after niyang mahulog sa dagat dahil kay Paloma? Kung sa bagay, hindi nga naman siya nagpasalamat sa akin. Pero ewan ko rin. Ini-shake shake ko ang katawan ko. Alam kong tuyot na ang utak ko dahil wala na akong maisip na kanta, pero mawawalan ng saysay ang pagpunta ko rito sa music room at ang hindi ko panunuod ng laro nila Max kung hindi ako makaka-isip ng kanta ngayon. Inisip ko ang mga kantang tinugtog ko kanina. Pinindot ang C key ng matagal. Teka, wala ni isa sa mga kantang 'yun ang paborito ko, a... Pinindot ko naman ang D key ng matagal. ...pinili ko lang ang mga kanta na 'yun dahil madali silang tugtugin, hindi dahil gusto ko silang tugtugin... Pinindot ko ng matagal ang E key. ...ngayon, dapat pumili ako ng kantang gusto kong tugtugin... Pinindot ko ang F key. ...'yung kantang kaya ko... Pinindot ko ang G. ...'yung kantang gusto ko. Pinindot ko ulit ang G. Agad ko itong sinundan ng dalawang G sharp at isang A, pati na rin ng magkasabay na G sharp at B. Napangiti ako. Mukhang alam ko na kung anong kanta ang tutugtugin at kakantahin ko sa SPA Got Talent. Tinuloy ko ang tinutugtog kong parte at sinabayan ito ng pagkanta. "Porque contigo yo ya escogi? Ahora mi corazon ta supri..." Hindi naman ako broken hearted pero gusto ko 'tong kanta na 'to ngayon. "Bien simple lang iyo ta pidi. Era cinti tu el cosa yo ya cinti..." Maganda kasi 'yung kanta talaga. Kaya sikat na sikat 'to ngayon, e. "Ta pidi milagro. Bira'l tiempo." Pa'no rin naman ako mabo-broken hearted kung ang bait sa akin ni Max ngayon? Di'ba? "El mali ase derecho." Sana lang nanunuod ako ng basketball game niya ngayon. "Na dimio reso..." Napalingon ako sa pintuan ng music room nang makita bumukas 'yun ng kaunti. "Ta pidi yo..." Nagulat ako sa sumilip. "Era olvida yo contigo." Si Max. *END OF FLASHBACK* "Huwag nang lumapit, o tumawag pa at baka masampal lang kita..." Tuloy ko sa kantang request ni Max. Nakahiga na kami ngayon sa aming mga kama. Patay na rin ang ilaw. Patulog na kami actually dahil maaga pa kami bukas. "'Di babalikan, magsisi ka man, ako ay lisanin." Napag-usapan namin ngayon 'yung noong 1st Year High School kami, no'ng hindi ako nakapanuod ng basketball game nila. Pumasok noon si Max sa music room at nakita akong kumakanta nitong Porque na ni-request niyang kantahin ko ngayon. "Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi." Kahit na 'yung nakaraan ang pinag-uusapan namin at ang nakaraan din ang dahilan ng pagkanta ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip si Dino. Bakit nga ba siya pa ang minahal-mahal ko? "Kay simple lang ng aking hiling, na madama mo rin ang pait at pighati." Damang-dama ko ang kanta kahit acapella ko lang ito kinakanta at kahit ang hirap kumanta ng nakahiga. At alam ko nangingilid ang luha ko. "Sana'y magmilagro, mabalik ko, mali ay maidiretso." Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung gusto ko pa bang bumalik sa dati naming pagsasama ni Dino. Kasi ngayon, malinaw naman sa 'kin na hindi siya seryoso sa kung anong mayroon kami. Alam kong kaya lang naman siya nand'yan ay dahil sa convenient lang ako sa buhay niya. At ang pag-iistay knowing na 'yun lang ako sa buhay niya ang maling gusto kong idiretso. "Pinagdarasal ko sa 'king puso na mabura ka sa isip ko." Pumatak ang luha kong nangingilid. Sana nga mabura ka na, Dino... Sana... Tumagilid ako patalikod sa kung nasaan ang kama ni Max. Kahit madilim ay ayokong makita niyang umiiyak ako. "Ang bigat naman no'ng kanta mo," natatawang bati ni Max. Pero may something sa boses niya. Parang hindi rin siya okay. "Ha? Hindi, a," pinilit kong ayusin ang boses ko. "Pero in fairness sa'yo no'ng sumilip ka sa music room noon, nagalit ka pa sa 'kin." Pagbabalik ko sa usapan namin kanina. "Pa'no hindi ako magagalit? Niyaya kitang manuod ng laro ko tapos hindi ka sisipot." Kung ako lang si Simone na 12 years old, paniguradong kikiligin ako ngayon at lalapad ang ngiti ko. Kaya lang ako si Simone na 20 years old at magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing hindi ako apektado ng nangyayari sa amin ngayon ni Dino. "Nagpa-practice po kasi ako noon para sa Got Talent," dahilan ko. Pinilit kong gawing maligaya ang tono ng boses ko. "Ako nga dapat ang magalit sa'yo noon, e. Binalik mo nga 'yung t-shirt ko na pinahiram ko sa'yo, pero hindi ka naman nagpasalamat. Kahit no'ng tinulungan kitang umahon sa dagat, ni salamat, wala." "Nagpasalamat ako," agad niyang bwelta. "Hindi po kaya." "Nagpasalamat ako, Simone, pero anong ginawa mo? Kinoyumos mo 'yung papel." "Ha? Anong papel?" "Nagsingit ako ng 1/2 do'n sa damit no'ng binalik ko. Nagpa-lettering pa nga ako kay Kath no'n. Tapos nakita ko tinapon mo 'yung papel." Napabangon ako dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka ba, Max?" "Oo," alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. "Ibig sabihin, all these years, nagpasalamat ka pala sa akin?" "Oo." Inisip kong mabuti kung paano ko hindi napansin 'yung papel na nakasingit sa damit. "Baka nahulog 'yung papel no'ng kinuha ko 'yung damit sa plastic. Naka-plastic 'yun, di'ba?" "Oo." "Sayang naman," dama ko ang panghihinayang pero wala naman na akong magagawa. Pero mas mabuti nang sa papel na 'yun ako manghinayang, kaysa naman sa pagkawala ni Dino sa buhay ko. Nalipat ang atensyon namin ni Max nang tumunog ng malakas at umilaw ang cellphone niya. Dinampot niya ito at sinagot ang tawag. Lumabas pa siya ng treehouse namin. Kita ang anino ni Max mula sa bintana at kurtina na nasa likod ng TV. Kitang-kita ko ang paglalakad niya ng pabalik-balik sa maliit na veranda ng treehouse. Panay din ang kamot niya sa ulo. Hindi ko pa naman nalilimutan ang ibig sabihin ng gesture na 'to ni Max. Alam kong naiinis siya. Nanlaki sandali ang mga mata ko nang marinig na lumalakas ang boses ni Max. Hindi malinaw ang dating ng sinasabi niya pero alam kong may galit dito. Sa tindigan at mga galaw din ng anino niya, alam kong hindi maganda ang takbo ng usapan nila ng kausap niya. Humiga na ako. Hindi ko naman intensyon na maki-chismis kay Max pero ano kayang dahilan ng pagka-inis niya? At sino ang kausap niya? Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kaagad akong pumikit. Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang pag-upo ni Max sa kama niya. "Simone?" Napamulat ako sa gitna ng dilim. Tutugon ba ako sa tawag ni Max o magpapanggap na lang akong tulog? Nabasag ng liwanag ang dilim kaya agad akong pumikit. Liwanag 'yun galing sa cellphone ni Max. Siguro mas mabuti kung magpapanggap na lang ako na tulog. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng intro ng isang kanta. Every person in this world has at least one song that best describes his or her life. But the best thing about music is that it throws us back to a certain point of our life in the past. Muli akong napamulat dahil dito. Madilim ang paligid. Akala ko ay bukas pa ang ilaw sa phone ni Max. At akala ko rin ay nakalimutan ko na si Dino ngayong gabing ito. Pero akala ko lang pala. Kapag narinig natin ang isang kanta, gusto nating balikan ang mga panahon kung kailan narinig natin ito sa unang pagkakataon or sa pagkakataong espesyal sa atin. Tumutunog ngayon ang Something in Your Eyes ni Karen Carpenter. Sa isang iglap, bigla kong naalala si Dino. However, kahit ilang beses sa ating ipaalala ng mga kanta ang nakaraan, the only thing we can do is to just look back; we can never go back. Ito ang kantang narinig ko, isang gabi, habang nasa bus ako galing sa bahay nina Dino. Napa-iyak ako ng kantang 'to noon after realizing that Dino might be the one for me. Turns out to be, ngayong naririnig ko ulit ang kanta, hindi pala. Everyone likes music. Kung magiging artista ang music, paniguradong wala itong haters. In my case, sometimes, I hate music. I hate him for being the time machine capsule that he is which brings pain with the memories he carries. Somehow at some points, may hater din siya. "Your eyes it seems are mirrors of my dreams, in ways I can't explain and my heart will never be the same." À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD