Chapter 13

4650 Words
Sino bang hindi natutuwa sa tuwing nakakatanggap ng regalo kapag birthday or Christmas? Malamang wala. Pero may papantay ba sa tuwa na nararamdaman natin kapag out of the blue, sa normal and regular day, sa panahong walang okasyon, ay may magbibigay sa atin ng regalo? Wala nang hihigit sa ganitong klase ng pagbibigay ng regalo. Because it only shows how dear we are to the person who gave us the gift. "Max, galing kang break-up; ako halos gano'n din. Please, let me be an alone human again, 'yung wala munang extension sa ibang tao. And I don't want to be unfair. Kung mag-e-entertain ako ng panibagong love, gusto ko naka-usad na ako completely from the past. Sana gano'n ka rin." Ngumiti si Max. "Joke lang!" Tumawa siya. Kumunot ang noo ko. Ang ibig sabihin ba no'n ay nagbibiro lang siya sa sinabi niyang gusto niya akong maging jowa? Pisti! Loko talaga 'tong lalaking 'to. Pero ayaw kong mainis sa kanya, baka isipin niya naniwala at umasa ako na gusto nga niya akong maging jowa. But seriously, naniwala nga ako. I thought he was sincere with what he said. Turns out, pina-prank lang pala niya ako. "Ang galing mong mag-joke. Pwede ka sa Showtime," may inis sa tono ng pananalita ko. "Ikaw naman kasi, hindi ka d'yan mabiro," hinarap niya ang dagat. "Ayusin mo kasi 'yang biro mo, kasi hindi 'yan maganda at lalong hindi nakakatuwa," reklamo ko. "O baka kaya mo lang sinabing joke kasi ni-reject kita?" lakas-loob kong pahayag. "H...ha? Bakit naman magiging 'yun ang dahilan?" Hindi siya tumitingin sa akin. "Aba, malay ko sa'yo," inirapan ko siya. "Joke lang? Pero pangalan ko 'yung nasa bangka." "Ha?" rinig ko ang gulat sa boses niya. "Ahh ano 'yan, e, ano, pangalan 'yan ni ano..." Lalong kumunot ang noo ko dahil sa inaakto niya ngayon. "Pangalan nino?" Hindi na ako makapaghintay sa isasagot niya. "Ano... Pangalan 'yan ni ano... ng ahh..." Honestly? Pangalan nino? Sino pa bang Simone ang kilala niya bukod sa akin na ganyan din ang spelling ng pangalan? "Pangalan 'yan ng lolo ko!" pasigaw at mabilis na sagot ni Max. "Oo, ng lolo ko, 'yung nagkukwento sa akin kung gaano kasarap ang pangingisda. Siya. Si lolo Simone." "Ahh, okay," hindi ko na pinagtuunan pa ng maraming pansin ang mga sinabi niya. "Hindi pa ba tayo aalis?" "Wala ka man lang bang sasabihin tungkol sa business ko?" sa expression ng mukha ni Max ay para siyang bata na naghihintay ng sagot sa tanong niyang bakit gumagabi at umaaraw. "Goodluck," kaswal kong sagot. "Galingan mo." "Grabe! Thank you! Nakaka-boost ng confidence, ha," sarkastiko niyang tugon. "Tara na kasi," alma ko. Naglakad na rin ako pabalik ng kotse. Naramdaman kong sumunod na siya. Hinatid na niya ako sa bahay. Hindi ko naman naiwasan na hindi isipin ang sinabi sa akin ni Max kanina sa dalampasigan. Gusto niya akong maging jowa? Seryoso ba siya ro'n? Kahit na sinabi niyang joke lang 'yun, hindi ko maalis sa sarili ko na tingnan 'yun bilang totoo nga. Baka kaya niya sinabing joke lang 'yun kasi ni-reject ko siya? Hindi naman sa pagiging assuming, pero nag-stutter din siya nang tanungin ko kung bakit Simone ang pangalan ng isang bangka. Meaning, nag-isip pa siya ng idadahilan niya; nag-isip pa siya ng alibi niya. Pero ang akin lang ngayon, bakit gusto niya akong maging jowa? At saka seryoso ba siya ro'n? May malakas na sinasabi ang kabilang parte ng utak ko pero hindi ko alam kung papakinggan ko ba ito o hindi. Pero ito ang sabi: it makes sense that Max is very unpredictable no'ng high school kami. May times na sweet siya sa akin and then afterwards, hindi na niya ako papansinin. What if Max is telling the truth that the reason why he was like that e kasi na-i-inlove na nga siya sa akin noon? At kung totoo nga 'yun, hindi malabong totoong gusto niya akong maging jowa ngayon. "Hay! Hindi ko na alam!" ginamit ko pa ang dalawa kong kamay para kamutin ang ulo ko. Gulong-g**o na kasi ako, e. "Ano ba 'yan, Simon?" si mama. "Simone 'yun, ma," bulong ko. "Wala po." Kung totoo o hindi ang mga pinagsasasabi ni Max ay wala na akong paki-alam. I am going to stick with what's right and with what I said to him earlier. Now's not the time for us. I want myself to heal completely from the past; from Dino. I want to be fully okay bago magmahal ulit, or kahit bago makipaglandian ulit. "Nga pala, Simon," lumapit si mama sa akin. "Napapadalas ang kain mo ng hapunan sa labas, a." "E 'di ba nga, may raket ako sa resto ni Zandro Trinidad. Doon na rin niya ako pinapakain ng hapunan," alam naman 'yun ni mama. Sinabi ko na rin sa kanya para hindi na siya mapuyat pa kapag nagsimula na officially ang trabaho ko sa resto. "Kasama ba roon ang pag-uwi mo sakay ng kotse?" Naggo-glow ang itim na awra ni mama. Kung high school ako, siguradong napagalitan na agad niya ako. Pero dahil teacher na ako, inuutay-utay niya ang galit sa akin. Napansin na rin yata ni mama na may naghahatid sa akin tuwing gabi. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? "Hinahatid ako; masyado na raw kasing gabi kung uuwi ako mag-isa." Okay. Hindi ako nagsinungaling kay mama, ha. Si Max ang nagsabi sa akin no'n noong unang gabi niya akong hinatid. "Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak d'yan sa ginagawa mo, ha," bilin ni mama. Hay! Ang OA talaga ng nanay ko. Kaya siguro hindi rin talaga ako nagkaka-jowa, e. Masyadong strict 'tong motherhood ko. Kinabukasan ay kamuntikan na akong ma-late sa pagpasok sa school. Kung bakit naman kasi may naghahatid nga sa akin pauwi sa gabi, pero wala naman sa pagpasok sa school sa umaga. Char lang! Baka sabihin ni Max, umaabuso na ako. Nagmamadali akong pumasok sa faculty room. Nang makita ang paper bag na nasa lamesa ko ay medyo bumagal ang lakad ko. Sino kaya ang pashnea na naglagay ng gamit niya sa lamesa ko? Hindi ba niya alam na ang nagmamay-ari niyan ay ang nawawalang reyna ng Encantadia? Char lang. Kinuha ko ang paper bag. Wala itong pangalan. Tsk! Paghuhulain pa ako kung kanino ito. Kung may pangalan ito siguradong binatikal ko na 'to sa mukha ng may-ari. Pero wala, e. I guess I have no choice but to open this. Paano ko malalaman kung sinong Poncio Pilato o Maria Magdalena ang may-ari nito kung hindi ko bubuksan? Ibinaba ko ang bag ko. Pagkatapos ay binuksan ko ang paper bag na naka-stapler pa. Pagbukas ay isang papel agad ang nakita ko. Parang card. Ang shunga naman ng naglagay ng card na 'to. Di'ba dapat sa labas ng bag nakalagay, hindi sa loob? Oh, whatever! Binasa ko ang card. Para sa'yo, sungit. Ibalot mo sa leeg mo kapag uuwi ka sa gabi para hindi malamigan 'yang lalamunan mo. Pwede mo rin namang ibalot sa mukha mo para hindi sa'yo matakot ang mga tao. -Max Pogi Nakangiti kong inilabas ang nasa paper bag. Isa itong malaking scarf. Lumapad ang ngiti ko lalo nang ma-realize ang ginawa ni Max at ang ginagawa ko rin. I have been singing for nights yet hindi ko iniingatan ang boses ko. Mabuti pa si Max at naisip niya ito. See how special you are to him, Simone. Teka, hindi maganda ang naisip kong 'yun, a. Umiling-iling ako at mabilis na binalik ang scarf sa paper bag. "No!" malakas na bulalas ko sa sarili ko dahil medyo hindi maganda ang tinatakbo ng utak ko. Napatingin naman agad ako sa mga teachers na nandito na rin sa faculty. Nakatingin sila sa akin. Malamang, iniisip nila kung sinong kausap ko. Oh, whatever. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Pisti! Napansin ko ang card. Binasa ko ulit ito. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng picture ang card. Ini-send ko ito sa Messenger account ni Max at ini-chat siya: A, talaga ba, Max? "Sir San Miguel," lumingon ako sa guard na siyang narito sa may lamesa ko. "Anong oras po kayo dumating?" "Mga 06:50 po," sagot ko. "Ahh sige, sir," tugon naman niya. "Siya nga po pala, maaga pong dumaan dito kanina 'yung Max, may inilagay lang daw po d'yan sa lamesa niyo." "Opo, kuya, nakuha ko na po, salamat po." Umalis na si kuya guard. Maagang dumaan? Grabe naman si Max. Dumaan siya ng maaga kanina para lang ibigay ito? Hinawakan ko ang paper bag. See how important you are to him, Simone? Ito na naman po ang kabilang ibayo ng utak ko. Maaga lang dinala, importante na agad? Pisti! Ginanyan na rin ako ni Max noon, ang ending pa rin naman hindi niya ako jinowa. Pwede ba! Tumunog ang Messenger ko. Nagustuhan mo ba? Nag-reply ako – Ano 'to? Bakit ka nagbigay ng ganito? Parang hindi maganda ang reply ko, a. Regalo ko sa'yo. Regalo? Nag-send ulit ako ng reply – Bakit? Birthday ko ba? Christmas Party ba ngayon? Malapit na rin naman ang Pasko kaya hayaan mo na. – Reply niya. "Ayh pisti!" Nagulat ako sa pagtunog ng bell ng school. Oras na para sa flag ceremony. Hindi na ako nakapag-reply kay Max. Naglakad na ako papuntang covered court. Nagregalo siya kasi malapit na ang Pasko? E may isang buwan pa nga. Loko ba 'yun si Max? Naalala ko tuloy no'ng malapit nang mag-Christmas Party noong 3rd Year kami. *FLASHBACK* "Matunaw 'yan," kiniliti pa ako ni Sasha. Ngumiti ako sa kanya. "Ang pogi niya ngayong gabi, Sha," bitaw ko ng papuri kay Max. Kanina ko pa siya tinitingnan sa pwesto niya. "Araw-araw namang pogi 'yang si Max sa paningin mo, e." "Hindi, Sasha, iba siya ngayon, para siyang prinsipe." Kahit kausap ko si Sasha ay kay Max lang ako nakatingin. Ngayon ko lang siya nakita ng maayos kasi kanina ay pa-ulit ulit akong niloloko ng mga kaklase namin. Sabi pa ng mga kabarkada ni Max, maglalaway daw ako kasi sobrang pogi ngayon ni Max. At tama nga sila. I mean, hindi naman ako naglalaway ngayon. Tama sila sa sinabi nilang sobrang pogi ni Max ngayon. Tama lang talaga na siya ang maging Mr. SPA. "Simon," inuga-uga ako ni Vin nang lapitan niya ako sa pwesto ko. "Simone 'yun," pagtatama ko sa maling bigkas niya ng pangalan ko. "Ang pogi ni Max ngayon, ano, sabi sa'yo, e," pangungulit ni Vin. "Kilig na kilig ka na naman." "Uy, huwag ka nga d'yan," saway ko sa kanya. Nandito rin kasi si mama. Sinamahan niya ako ngayong gabi sa coronation rites nitong Mr. and Ms. SPA. Mag-i-intermission number kasi ako, e para payagan ni mama ngayong gabi, kinailangan niyang sumama. Kaya medyo maliit ang galaw ko ngayon. At hindi niya pwedeng malaman na crush ko si Max. "Tingnan mo naman, Simon," hindi pa rin ako tinatantanan ni Vin. "Nanalo si Max dahil sa'yo, kaya hindi ka na namin aasarin." "Hinaan mo naman 'yung boses mo; baka ka marinig ni mama," bulong ko. Malayo naman ang pwesto ni mama rito sa pwesto ko. Wish ko lang na sana hindi siya nakatingin sa akin ngayon. Mukhang hindi ako narinig ni Vin. "Siguro binenta mo ang mga ari-arian niyo para manalo si Max, ano? Tapos binigay mo 'yung pera." Tiningnan ko si Vin ng masama. Nakatawa na agad ang mukha niya, ready to play na lang. Hindi na raw ako aasarin, pero heto nga't bumanat na naman. Money contest kasi itong Mr. and Ms. SPA. At si Max ang nanalong Mr. SPA. Ibig sabihin, siya itong may pinakamalaking perang ibinigay para sa fund raising na ito ng school. Syempre, tinulungan din naman namin siyang magkakaklase, nagbigay din kami. Pero hindi naman ako nagbenta ng ari-arian para lang manalo si Max, 'no. Una't huli sa lahat, wala akong ari-arian na maibebenta. Baluga talaga 'tong si Vin. "Do'n ka na nga, Vin," pagtataboy ko sa kanya. Tinutulak-tulak ko pa siya. "Nagugusot ang damit ko sa'yo, e." "Mamaya, sabihin mo lang, pipicturan kita kasama si Max," tumayo na si Vin. Paalis na siya. "Galingan mo ang pagkanta pati." "Sige." Hindi ko alam kung saan ko isinagot ang sige. Sa pagpapa-picture ba kay Max o sa galingan ko sa pagkanta? Pero makapag-picture nga kaya kami ni Max mamaya? Nandito si mama. At sigurado akong pagkatapos na pagkatapos kong mag-perform ay aayain na niya akong umuwi. Paano na kami magkaka-picture ni Max? "Our Mr. Southern Palomino Academy 2013, please welcome, Maximo S. Ibarra," nagpalakpakan ang mga tao. Pumalakpak din ako syempre. Umakyat na sa stage si Max. Lumakad siya sa gitna. Nag-pose. Umunahan siya. Nag-pose ulit. Pumunta naman siya sa kanan niya. Nag-pose siya. Tapos sa kaliwang bahagi naman ng stage siya pumunta. Nag-pose ulit siya. Napansin kong pare-parehas lang ang pose niyang nakatayo. Wala na ba siyang ma-isip na pose? Pero okay lang. Kahit anong pose niya ngayong gabi, sa suot niyang 'yan, siguradong pogi pa rin siya. Nakatinging-nakatingin lang ako sa kanya. Ang pogi-pogi niya talaga ngayon. Sa hitsura at postura niya, mukhang hindi siya gagawa ng masama. Alam mo 'yung mukhang hindi ako kayang laitin, pagtawanan, at pagtripan? Gano'n ang dating ni Max ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko matatanggi na sobrang lakas ng t***k ng puso ko. At alam kong hindi dahil sa kinakabahan ako para sa pagkanta't tugtog ko mamaya, kundi dahil sa tinitingnan ko ngayon. Malaya kong natitingnan si Max ngayon. Hindi katulad kapag nasa room lang kami. Kasi kapag doon, magtataklob siya no'ng bag niya, o di kaya'y magtatago siya sa tabi ng mga kaibigan niya, or aasarin niya ako para hindi ko na siya tingnan. Pero ngayon, malayang-malaya ko siyang nakikita. Siguro, kung makaka-usap ko lang siya mamaya, ang tungkol sa pagtingin ko sa kanya ngayon ang maging topic namin. Baka nga singilin pa ako nito sa libreng pagmamasid ko sa kanya ngayon, e. Mabuti na lang din pala at pumayag sila ni Gina na maging representative ng Mr. and Ms. SPA ng klase namin. Oo, sila ang magka-partner kasi sila pa noong mga time ng pilian ng magiging representative ng bawat klase. Mabuti na lang at kahit nag-break sila ay hindi sila nag-back out. Kaya lang, si Max lang ang nanalo. Si Gina ang last placer sa Ms. SPA. Olats, ika nga nina Riz. Natapos ang pagbibigay ng award kay Max, ng regalo, at ng kung ano-ano pa. Kasama si Tina sa nagbigay ng regalo kay Max. Okay lang sa akin 'yun. Hindi naman siya pinili ni Max, e. Mga teacher ang pumili kay Tina para bigyan ng regalo si Max. Usually kasi, ang mga mayayaman ang pinipili nilang magbigay ng regalo sa mga kaklaseng nagiging candidates dito sa Mr. and Ms. "Once again, our Mr. SPA 2013, from 3rd Year, Max Ibarra!" Umalis na ako sa pwesto ko at pumunta na ng backstage. Binibigyan na ng award at ng regalo at ng kung ano-ano pa ang nanalong Ms. SPA. Pagkatapos no'n ay ako na ang kasunod. Ako na ang kasunod na magiging Ms. SPA. Joke lang! Ako na ang kasunod; kakanta at tutugtog na ako. Pero kung naging babae lang ako, baka ako ang ka-partner ni Max sa contest na ito. Kung siya ang Mr. SPA, dapat ako ang Ms. SPA. 'yun ay kung naging babae ako. Pero siguro kahit naging babae ako, baka hindi rin ako ang manalo. Sure kasi akong mahirap pa rin ako, e. Ni hindi ko nga alam kung may chance akong makasali sa ganito kahit naging babae ako. Natatawa na lang ako sa iniisip ko. "To serenade our lovely and dazzling Mr. and Ms. SPA winners, let us welcome, Simone San Miguel." Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Lumabas na ako mula sa backstage. Nasulo ako sa spotlight na nakatutok. Umiwas ako. Sa pag-iwas ko ay kay Max ako napatingin. Nakatingin din siya sa akin habang nakangiti. "Kakanta ka pala rito," narinig kong sabi niya. Medyo bumagal ako sa paglalakad papunta sa keyboard na nasa unahan lang nitong stage. At mabilis ding lumapad ang ngiti ko na halos mapunit ang labi ko. "Hindi mo alam?" tanong ko. Umiling siya bilang sagot. Nakangiti pa rin siya at nakatingin lang sa akin. Ang pogi pogi niya ngayon. Damang-dama ko naman ang malakas na t***k ng puso ko. Bakit gano'n? Bakit naman ngayon pa ako papakiligin nito e alam naman niyang magpe-perform ako? Kung pwede lang sanang maging matagal ang sandali na 'yun, baka ginawa ko na. Sayang. Pero okay na rin. At least, naka-usap ko ang Max na mukhang hindi ako lalaitin, aasarin, at pagtitripan. Nakalapit na ako sa keyboard. Sinimulan ko nang tumugtog at kumanta. Medyo binago ko ang kanta kasi sobrang iksi lang nito. Pinahaba ko na pero 'yun pa rin naman. Inulit ko lang ang ibang bahagi. "Oh whoa ohh... Na na na na na... Na na na na na..." Sa sobrang liwanag ng spotlight, hindi ko makita ang audience. Hindi bale na, hindi naman ako sa kanila titingin. Hindi rin kay Max, kundi rito sa keyboard. "Common pictures of the falling years. Distant memories that are filled with tears." Maganda naman 'tong kantang 'to; hindi ko lang talaga alam kung bakit wala siyang full version. Sayang. Tapos maganda rin 'yung palabas kung saan ginamit 'tong kanta. "Just remember when a dream appears, the one that loses is filled with tears." Pero no'ng una kong narinig 'tong kanta habang pinapanuod ang movie na The Snow Queen, ang unang pumasok sa isip ko ay si Max. "It doesn't matter if there sun or rain, we'll be searching for a silver plane." Kasi si Max 'yung kapag nawala, feeling ko hindi ako kumpleto. Or kapag ako 'yung wala, hindi kumpleto si Max. "After all that is said and done, the two of us will always be one." Ewan ko kung tama ba 'yung feeling ko na 'yun, pero 'yun kasi 'yung naramdaman ko no'ng marinig ko 'tong kanta at maisip siya agad. "The two of us will always be one..." Hindi pwedeng siya lang; hindi pwedeng ako. Dapat kami. Kinabukasan... "Simone, nasaan na si Max?" pang-twenty na tao na yata itong si sir Molina na nagtanong sa akin ngayong umaga kung nasaan na si Max. Bakit ba sa akin nila siya hinahanap, e hindi naman kami magkasama no'n sa iisang bahay? Kung sa bagay, kay Max din ako hinahanap ng mga tao kapag wala pa ako. Sabi na nga ba, e. The two of us are one and we will always be one. Naalala ko ang kanta ko kagabi. Hindi raw maganda ang kanta. Hindi lang nila na-appreciate kasi hindi sila pamilyar do'n sa kanta. Bakit kaya gano'n ang mga tao? Ayaw ba nilang na-i-introduce sa bagong kanta or sa mga kantang hindi pa nila naririnig? Mabuti na lang daw at maganda 'yung pagkakakanta ko kaya okay na rin. At tama ako ng hinala kagabi, pagkatapos kong mag-perform, niyaya na ako ni mama na umuwi. Hindi tuloy kami nagkaroon ng picture ni Max. Pero okay lang, sigurado naman akong nag-picture 'yung photographer kagabi habang kumakanta ako. Malay natin, nahagip sa camera si Max. Naku, sana nga. Kasi kung oo, e 'di may picture na kaming dalawa. "Ayan na siya!" turo ni Leigh sa may gate ng school. Tumingin naman agad ako sa paparating na si Max. Nand'yan na nga siya. "Ang lapad agad ng ngiti nito, o," pang-aalaska sa akin ni Kath. Hindi na ako nag-deny pa kasi totoo naman. Bakit? Masama bang ma-excite na makita si Max? "Ang tagal mong dumating." "Ikaw na lang ang hinihintay." "Sumakay ka na sa arko mo." Kung ano-anong mga naririnig kong sinasabi sa kanya ng mga tao sa paligid. Hindi ko na pinansin pa 'yun, sa kanya lang ako nakatingin, sa Max ko lang. Dahil may parade naman ngayon kaya ayos na ayos na naman 'tong si Max. Kasing pogi niya ang ayos niya kagabi. Pero ngayon, mas mukha siyang prinsipe kasi bukod sa nakakorona siya, nakasakay din siya sa bubong ng kotse ngayon na punong-puno ng dekorasyon. Ang daming bulaklak. Ang arko nilang nasa kotse ang pinakabongga. Syempre, sila ang title holder, e. Kasama ni Max ang nanalong Ms. SPA. Sa lagay namin ngayon, para siyang royalty talaga na namamasyal sa buong kaharian habang ako itong alipin sa gigilid na naglalakad lang sa likuran niya at hinihintay niyang mapansin. Nagulat ako nang tumingin siya sa pwesto namin. Para siyang may hinahanap. Ako ba? Nabigo ako sa pag-asa ko nang humarap na siya sa unahan. Magsisimula na kasi ang parada. Sa ngayon, balik muna ako sa pagiging alipin sa gigilid niya. Natapos ang parade. Hindi ko na nakita si Max kasi nagkayayaan na kaming kumain ng mga kaibigan ko. Medyo ang haba rin kasi ng nilakad namin, e. "Hoy, huwag na nga kayong takbuhan d'yan nang takbuhan," saway ko kina Vin at Tupe. Kanina pa kasi ako ayos nang ayos nitong mga upuan, kanina pa rin naman nila ginugulo kasi takbuhan sila nang takbuhan. Nandito na kami sa loob ng classroom namin. Inaayos namin ang room para sa Christmas Party bukas. "Ang sungit naman nito, porket hindi ka lang d'yan nakapagpa-picture kay Max kagabi, e," banat sa akin ni Vin. "Hindi 'yun. Nadamay na naman si Max," saad ko. "Bakit? Ano 'yun?" Mabilis akong lumingon sa may pintuan nang ma-realize ang boses na 'yun. "Bakit naririnig ko ang pangalan ko?" Iba na ang suot ni Max ngayon. Hindi na katulad ng kanina. Hindi na siya mukhang royalty. Mukha na rin siyang alipin sa gigilid. Ang ibig kong sabihin ay pantay na ulit kami. Pero bakit gano'n? Para pa rin siya prince kahit simpleng puting t-shirt lang ang suot ngayon? Hay! Siya talaga ang prince charming ko. "Ito kasing jowa mong hilaw, hindi nakapagpa-picture sa'yo kagabi pati na rin kanina," si Vin ang sumagot. E 'di nasira ang image ko kay Max. "Hindi 'yun totoo," agad kong pagtatanggol sa sarili ko. Tiningnan ako ni Max. Mabilis siyang lumapit sa akin. At totoo ba 'tong nakikita ko? Lumalapit siya sa akin habang may dalang mga puting rosas? Bukod sa sigawan ng mga kaklase naming nandito sa room ay ang t***k na rin yata ng puso ko ang narinig ko. Hindi lang ito malakas, mabilis din. "Max..." bulong ko nang makalapit na siya sa akin. Hawak-hawak niya sa isa niyang kamay ang mga bulaklak. Tumigil na siya sa harapan ko. Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. Ini-abot na niya sa akin ang isang bungkos ng mga bulaklak. Tatanggapin ko ba? Pero bakit ako binibigyan ni Max ng bulaklak? Para saan 'to? December ngayon at malamig ang panahon. Hindi ko alam kung bakit pinapawisan ako. "O," inilahad pa lalo ni Max ang hawak niyang bulaklak sa akin. Sa hitsura niya ngayon, sa ngiti at tingin niya, parang sinasabi niya talagang tanggapin ko ito. Kumurap ako at ini-angat ko ang kanan kong kamay. Tinanggap ko ang bulaklak. Medyo nagtama pa ang kamay namin sa pagkuha ko nito. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Nararamdaman ko rin ang init ng mukha ko. Parang gusto kong sumigaw. "Ilagay mo raw sa altar, sabi ni ma'am Paciano," at pinakawalan ni Max ang tawa niyang pang-adik. Nawala ang ngiti ko at alam kong humaba rin ang nguso ko dahil sa pagkadismaya. Nang makatalikod si Max ay inirapan ko siya. Nawala ang sigawan ng mga kaklase ko, napalitan ng tawanan. Nawala rin ang mabilis na t***k ng puso ko. Napalitan yata ng inis. Napakagaling kasing mantrip nitong Max na 'to. Badtrip! Inilagay ko na ang mga puting rosas sa altar. Ginandahan ko pa ang pagkakaayos. "Simon, may naghahanap sa 'yo!" Lumingon ako sa may pintuan. Nakatayo roon si Zandro. Hinahanap ako ni Zandro? Bakit? "Simone 'yun, ha," pagtatama ko sa kaklase kong tumawag sa akin. Sinadya kong dumaan sa harap ni Max. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa may pintuan. Ano kayang expression ng mukha niya ngayon? Pero naku, lolokohin lang naman ako nito kay Zandro at sasabihing kinikilig dahil hinahanap ako nito. Again, hindi ko naman crush ang mokong na 'to. "Bakit?" tanong ko kay Zandro nang makalapit na sa may pintuan. Lumabas na ako ng room kung saan naroroon siya kasama si Lucas. "Hindi ako," tugon niya sa akin. "Si Lucas ang naghahanap sa'yo." Wow naman! Bakit kaya? Lumipat ang tingin ko kay Lucas. Ngumiti na rin ako sa kanya. Nilayuan kami ni Zandro. "Gusto ko lang ibigay 'to sa 'yo," may ini-abot si Lucas na paper bag sa akin. "Hindi kasi ako a-attend ng Christmas Party bukas kaya namimigay na ako ng regalo ngayon." Ngumiti ng kaunti si Lucas. Mas pogi siya ngayong 4th Year sila. At saka mas nagsasalita na siya ngayon kumpara noon. Masaya ako para kay Lucas. Tinanggap ko ang regalo. Siguro naman ay hindi ito pinalalagay sa altar, hindi katulad ng binigay na bulalak ni Max kanina. At isa pa, sinabi rin ni Lucas na gusto niya sa aking ibigay ito. Teka, baka regalo niya 'to para sa iba, hindi para sa akin? Nakita ko agad ang Christmas card. May pangalan ko. Tama rin ang spelling. Para sa akin nga ito. "Salamat, Lucas." Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay umalis na. Sumunod sa kanya si Zandro pero bago ito lumakad ay tiningnan muna niya ako ng masama. Paskong-Pasko ay na-iinis sa akin ang Zandro na 'to? Hindi bale na. The feeling is mutual naman. Ano kaya 'tong regalo ni Lucas? Humakbang na ako pabalik sa room pero sa may pintuan, nakatayo si Max. Kunot din ang noo niya. Ano bang mayro'n sa mga noo ng mga lalaki at laging nakakunot? "Ano 'yan?" tanong niya. "Wala ka na ro'n," tinarayan ko siya. Kaso wrong move ako. Pagkalampas ko sa kanya ay naamoy ko ang humahalimuyak niyang pabango. Amoy magiging asawa ko siya! Ang bango-bango ni Max! Bagay na bagay sa guwapo niyang mukha. Sa ugali niya lang hindi. "Taray nito," banat niya. "Hindi ka maganda!" "Bakit ikaw? Pogi ka?" rebat ko. Wrong move ulit. Pogi nga pala siya. "Oo, kaya mo nga ako crush, di'ba?" Tumalikod ako sa huling sinabi niya. Sabi na nga ba, e, wrong move talaga ako. "Nag-LQ na naman 'yung dalawa," pahayag ni Tupe. *END OF FLASHBACK* Ibinalot ko ang scarf sa lalamunan ko bago tuluyang lumabas ng pintuan ng resto ni Zandro. Alas nueve na ng gabi at tapos na ang rehearsals namin. "Pambawi ko na rin no'ng 3rd Year tayo. Kasi sabi ko sa'yo no'n hindi na kita bibigyan ng regalo kasi binigyan ka na ni Lucas," sabi ni Max sa kabilang linya. Kausap ko siya sa phone. Ngumiti ako. Masaya rin naman palang balikan ang nakaraan. "Sus. Pwede ba! Hindi ka naman talaga nagbibigay ng regalo sa akin no'ng high school tayo." Lumabas na ko ng resto. Tumawa si Max. "Hindi ka rin naman nagreregalo sa akin no'n, a." "Hoy, FYI, niregaluhan kita no'ng 4th Year tayo," naglakad lang ako diretso papunta sa bus stop. "O! 4th Year lang, pero 'yung 1st Year hanggang 3rd Year?" "At least nagregalo. Ikaw nga, never, e." Sino bang hindi natutuwa sa tuwing nakakatanggap ng regalo kapag birthday or Christmas? Malamang wala. Tumawa si Max. "Sorry, ha, wala ako d'yan; hindi kita mahahatid pauwi." "Okay lang." At least ngayon kung abangan man ako ni mama, makikita niyang sa bus ako sumakay. Pero may papantay ba sa tuwa na nararamdaman natin kapag out of the blue, sa normal and regular day, sa panahong walang okasyon, ay may magbibigay sa atin ng regalo? "Salamat nga pala," singit ko. "Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa'yo sa pagbibigay nitong scraf, pati na rin sa pag-iisip sa kapakanan ng lalamunan ko." "Syempre naman, ikaw pa ba? Malakas ka sa akin, e." Wala nang hihigit sa ganitong klase ng pagbibigay ng regalo. Because it only shows how dear we are to the person who gave us the gift. In my case, hindi yata ako dear sa giver ng gift; malakas daw ako sa kanya, e. But hey, isn't it almost the same thing? À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD