Stories or movies that end in reality are called French Endings. Most French stories and movies have this kind of endings, kaya nga French Ending, e. Pinapakita nila ang reality sa pagtatapos ng kwento o ng pelikula. Kung romance ang tema, pwedeng hindi magkatuluyan ang hero at heroine. The story may end in sadness kung saan the hero married other girl, and the heroine was left crying. That is French Ending. French doesn't depart far from what happens in reality. People may not appreciate French Ending kasi hindi ito happy ending, something they don't understand.
Isinabit ko ang scarf na bigay ni Max. Tiningnan ko ito. Kumusta na kaya 'yun?
Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita. Magmula no'ng Thursday kasi, no'ng pinakita niya sa akin ang mga bangka niya, pagkatapos no'n, hindi na kami nagkita. Nakaka-usap ko naman siya sa Messenger kapag nagcha-chat siya. Pero kapag ganitong hindi, hay, ewan.
Ayoko namang maunang i-chat siya. Baka mag-feeling pogi na naman 'yun. Hello? At isa pa, ako si Simone Ohales San Miguel, hindi ako ang nagfi-first move. I mean, hindi na ako ang nagfi-first move ngayon. Natuto na ako. Hindi na pwedeng katulad no'ng kay Dino.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang conversation namin. Hindi pa rin ulit siya nagcha-chat.
Well, kung ayaw niyang mag-chat, e 'di huwag! Pisti!
Ano kayang ginagawa no'n ni Max? Nangingisda? Kung sa bagay, 'yun ang sinabi niyang gusto niyang gawin. At least ngayon, may pinagkakaabalahan na siya.
Paano kaya kung maging okay ang business na 'yun ni Max? Balikan kaya siya ni Wendy? Magkabalikan kaya sila?
Teka nga! Ano ba 'tong iniisiip ko? E 'di magkabalikan sila. Ano ba namang masama roon? Kung doon sila masaya, e, 'di go lang nang go.
Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at humiga na ako. Kailangan ko nang matulog. Lunes na naman bukas.
Bigla kong naalala kung ano bang ginawa ko no'ng isang linggo.
Last week lang ay nasa Batanes kami ni Max. Sunday night no'ng nag-inuman kami sa floating cottage at no'ng muntik na niya akong mahalikan. Isang linggo pa lang ang nakakaraan. Bakit feeling ko last month pa 'yun nangyari? Hay! Ang dami rin naman kasing naganap nitong mga nakaraang araw.
Muntik na akong mahalikan. Nahalikan ba ako? Lasing din kasi ako no'n, e.
Simone, nahalikan ka niya kung hindi ka umiwas. Pero umiwas ka, remember?
Oo nga pala.
Natigilan ako. Dahan-dahan kong ini-angat ang kanan kong kamay para hawakan ang labi ko.
Ano kayang feeling ng isang halik? Ano kayang feeling ng halik ni Max? Gaano kaya kalambot ang labi niya?
Hindi ko alam pero unti-unting lumalapad ang ngiti ko.
At kahit madilim, alam kong para akong inasinan na bulate nang medyo kiligin ako.
Wait? Bakit kinikilig? Sinong kinikilig?
Tinapik ko ang pisngi ko. Pisti ka, Simone! Hindi pwede 'yan!
* * *
Nagpalakpakan ang mga tao nang maputol na ni Zandro ang malaking pulang ribbon na nakaharang sa main door ng restaurant niya.
Tiningnan kong mabuti ang façade. Dalawang palapag ang restaurant niya. Sa taas ay nakasulat ang pangalan, Trinidad At Mendiola, ang apelyido nila ni Lucas. Nagliliwanag ito kaya naman kapansin-pansin talaga rito sa may Gapo Bay. Kitang-kita ito ng mga dumadaan sa Adamson Bridge.
Sumabay na ako sa pagpasok ng mga tao sa loob. Nagsimula kong maramdaman ang kaba ko nang makita ang mini stage kung saan ako kakanta mamaya. Parang nagsisi ako na hiniling ko kaninang umaga habang nagkaklase ako na gumabi na para dumating na ang pagkakataong ito.
Nagpa-uli uli ang mga tao sa buong resto ni Zandro. Kami naman ng banda ay pumuwesto na sa mini stage. Nang maging maayos na ay sinimulan ng banda na tumugtog ng instrumental. To set the mood siguro.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas mula sa pintuan ng kusina ang isang lalaki na mukhang butler. Hiniram niya ang mic sa amin at sinabing...
"Dinner will be served."
Pagkasabi na pagkasabi no'n ay magkakasunod na lumabas ang mga waiter mula sa kusina dala-dala ang mga pagkaing inihanda para sa mga guest. Inilapag nila ito sa mga designated table ng mga invited guests.
Grabe! Napaka-formal at organized naman ng grand opening na ito ni Zandro. Very impressive.
Sigurado akong matutuwa si Lucas dahil sa ganda nitong opening, isang bagay na hinihiling ni Zandro na maging maayos.
"Sir," tinawag ako ng gitarista ng banda. Doon ako bumalik sa senses ko. Kailangan ko na palang kumanta.
Umakyat ako sa stage. Narinig ko na ang intro ng kantang aawitin ko.
"Des yeux qui font baisser les miens
Un rire qui se perd sur sa bouche
Voilà le portrait sans retouches
De l'homme auquel j'appartiens."
Mabuti na lang at kahit French song itong una kong kanta ay hindi ako nahihirapan. Tinugtog at kinanta ko na rin kasi itong no'ng high school kami. At isa pa, kahit hindi ko pa ito nakakanta, siguradong aaralin ko ito dahil ang ganda ganda nitong kanta. Kaya nga hindi rin ako nagtataka kung bakit paborito ito ni Lucas, sabi ni Zandro.
"Quand il me prend dans ses bras
Il me parle tout bas
Je vois la vie en rose."
Tumingin ako sa crowd. Nakita kong tinitingnan nila ako at mukha silang masayang pinapanuod ako. Nagpalakpakan sila.
"Il me dit des mots d'amour
Des mots de tous les jours
Et ça me fait quelque chose."
Ang sarap naman sa tainga ng palakpak. Matagal-tagal ko rin kasing hindi narinig ito nang maka-graduate ako ng college.
Tiningnan ko si Zandro. Nakangiti siya. Sa pagngiti niya ngayon, halata namang masaya siya. Pero alam kong kulang ang saya na 'yun. Sana kasi nandito rin si Lucas.
"Il est entré dans mon cœur
Une part de bonheur
Dont je connais la cause."
Inilapad ko pa ang ngiti ko. Alam kong masaya ako ngayon dahil ito, nakakakanta na ulit ako. Pero katulad ni Zandro, hindi ko alam kung bakit parang kulang din ang saya ko.
"C'est lui pour moi, moi pour lui dans la vie
Il me l'a dit, l'a juré pour la vie."
Siguro dahil sa kulang din ang crowd ngayon? Dahil kulang din ang audience ngayon? E sino namang kulang?
"Et dès que je l'aperçois
Alors je sens en moi
Mon cœur qui bat."
Naagaw ng lalaking pumasok sa pintuan ang atensyon ko. Naka-jacket siya at naka-sumbrero pa. Nang makapasok ay humanap siya ng bakanteng lamesa. Nang makakita ay umupo siya sa upuan nito. Inalis niya ang sumbrero niya at masayang ngumiti sa akin.
"Des nuits d'amour à plus finir
Un grand bonheur qui prend sa place
Des ennuis, des chagrins s'effacent
Heureux, heureux à en mourir."
Ngumiti rin ako sa kanya. Malapad. Hindi ko akalain na darating siya ngayon dito sa opening. Pero bakit parang umitim yata si Max ngayon?
"Quand il me prend dans ses bras
Il me parle tout bas
Je vois la vie en rose."
Kumaway siya ng kaunti sa akin.
May biglang pumasok sa isip ko.
Sana kumaway din siya sa akin no'ng kinanta ko 'to noong high school kami no'ng tiningnan niya ako.
*FLASHBACK*
"Il me dit des mots d'amour
Des mots de tous les jours
Et ça me fait quelque chose."
Nakatingin lang sa akin si Max. Hindi siya kumaway o ngumiti man lang. Seryoso ang hitsura niya at mukhang hindi siya masaya. Bakit kaya?
Binaling ko na lang ang tingin ko sa keyboard. Baka magkamali pa ako ng tugtog.
"Il est entré dans mon cœur
Une part de bonheur
Dont je connais la cause."
Ang daming magaganda ngayong gabi sa JS Prom naming ito. Sana kabilang din ako sa maganda. Pero hindi, e. Naka-tuxedo ako ngayon, hindi cocktail, hindi katulad ng mga kaklase kong babae. Sana naka-high heels din ako ngayon. Pero hindi rin. Suot ko ang black shoes ko na gamit kong sapatos sa pagpasok. Mabuti na nga lang at may nahiraman kami ni mama na ma-isusuot ko ngayon. Kung wala, paniguradong wala ako rito ngayon.
"C'est toi pour moi, moi pour toi dans la vie
Il me l'a dit, l'a juré pour la vie."
Pinatugtog at pinakanta ako nina ma'am sa pagsisimula nitong prom namin habang lumalakad nang lumalakad ang mga Juniors at Seniors sa court. Hindi nga lang ako kasama nilang lumalakad kasi heto ako, kumakanta. Syempre, kanina lang nasa akin ang tingin ng mga tao no'ng magsimula ako. Pero nang pumasok na ang mga kaklase ko at ang mga 4th Year, sa kanila na nakatuon ang pansin ng lahat.
"Please welcome, the Juniors and Seniors!" saad ng emcee. Katulad ng nasa practice, tumigil ako sa pagkanta. Napalitan ng recorded tune ng La Vie En Rose ang kanina'y tinutugtog ko. Tatawagin kasi isa-isa ngayon ang mga estudyante habang pumapasok sila sa entrance sa bandang dulo ng covered court at ang instrumental lang ng kanta ang background music. Sa pagtawag sa bawat estudyante ay kakabitan ng pin ng babae ang lalaki, at ilalagay naman ng lalaki ang corsage sa babae. Sa entrance na 'to, lalaking Juniors at babaeng Seniors ang magka-partner.
Pumunta na ako sa dulo ng court. Syempre, hindi pwedeng hindi ako matawag dito sa entrance, 'no.
Masaya naman ako dahil naka-attend ako ngayong JS Prom namin. Nang mag-3rd Year ako, isa ito sa mga pinakahihintay ko talaga. Kahit alam ko namang malabong may magyaya sa akin sa dancefloor para sumayaw ng sweet katulad ng mga napapanuod ko sa TV.
Pero malay naman natin, di'ba, may magyaya sa aking sumayaw ng sweet. Tatanggapin ko kaya? Sasayaw kaya kami kahit nand'yan si mama? Sino naman kayang lalaki ang gagawa no'n?
"Maximo S. Ibarra and Whitney K. Hernandez."
Tiningnan ko si Max sa pagpasok niya. Hindi matatawaran ang kaguwapuhan na naman niya ngayong gabi. Sana makapagpa-picture man lang ako sa kanya ngayon. Pero sa totoo lang, kahit ang pogi ni Max ngayon, parang hindi siya masaya. Para siyang may problema. Ano kaya 'yun?
Hindi nagtagal ay tinawag na rin ako.
"Simone O. San Miguel and Lisa C. Santillan."
Inilagay ko kay Lisa ang corsage. Ikinabit naman niya sa kaliwang dibdib ko ang pin. Pagkatapos ay iniikot ko siya sa akin. Humarap kami sa unahan at sabay na nag-bow. Lumakad na kami paunahan. Binawi ko na lang sa ganda ng lakad ang hitsura ko ngayon. Kung hindi ako naka-cocktail, naka-heels, at naka-make up katulad ng mga babae, at least, ginandahan ko naman ang lakad ko.
Bumalik ako sa stage dahil kailangan ko pang tapusin ang pagkanta mamaya kapag natawag na ang lahat ng Juniors at Seniors. Nang matapos ito ay bumalik ako sa pagkanta.
Nagpatuloy lang ang JS Prom namin sa iba't ibang seremonyas katulad ng nasa practice. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang sayaw namin ng cotillion. Si Riz ang partner ko. Si Gina naman ang partner ni Max.
Hindi ako magsisinungaling. Hindi talaga ako natuwa sa pagiging mag-partner ni Gina at Max dito sa cotillion no'ng una pa lang nagsisimula ang practice. Syempre, hello? Mag-ex kaya sila. Paano kapag nagkabalikan ang dalawang 'to? Pero mabuti na lang at hindi pa rin sila nagkamabutihan kahit madalas silang magkasama sa practice. 'yun ang sabi ng source ko. Hindi raw natutuwa si Max kay Gina. Ang arte-arte raw sa sayaw.
Pero hindi ko rin maiwasang hindi hilingin na sana kami na lang ni Max ang magka-partner. Sana kamay na lang namin ang magkahawak sa cotillion na 'to. Napaka-romantic siguro no'n.
Nang matapos ang cotillion ay sumunod namang binasa ang class history ng 4th Year. Wala naman kaming paki-alam do'n dahil hindi naman sa aming klase 'yun. Pero nakakatuwa rin ang mga reaksyon nila. Siguro magiging masaya rin ang pagbabasa ng class history namin kapag kami na ang 4th Year.
Matapos iyon ay sumunod na ang Rigodon de Honor. Hindi ako kasali rito kasi marami na akong exposure. Joke lang. Hindi, pero parang gano'n na nga. May song number pa kasi ulit ako mamaya, e.
Natapos ang Rigodon. Sumunod naman ang pagbabasa ng Class Will ng 4th Year. Ito, may paki-alam ako rito kasi para sa amin ang Class Will na ito.
Nang matapos ay nagkaroon muna kami ng break. Tumunog ang mga kantang pang-disco. May ilang mga 4th Year na sumayaw at nag-party party. Kung sa bagay, huling taon na nila ito sa high school.
"E 'di kayo na ang magaganda ngayong gabi," bati ko kina Riz at Sasha na masayang nagpi-picture.
"Sama ka naman sa picture," hinigit nila ako. Nag-picture kaming tatlo. Wala naman si mama rito sa may amin kaya okay lang na medyo magtaray ako.
"Siya nga pala, happy Valentine's Day," bati ni Riz na siyang parang kinikilig pa. Syempre magiging ganito ang reaction ni Riz, may Byron na nagbigay ng flowers, chocolate, at teddy bear sa kanya kanina, e.
"Happy Valentine's Day, friend," si Sasha naman na masaya para sa kanya.
"Huwag niyo kong bina-Valentine's Day d'yan," masungit kong pagbibiro sa kanila. Tumawa naman sila.
"Ang bitter bitter mo talaga," si Riz. "Palibhasa, hindi ka pa d'yan binibigyan ng kahit ano ni Max."
"Mayro'n," agad na banggit ni Sasha. "May binigay na d'yan si Max."
"Ano?" pagtataka ko.
"Sama ng loob," tumawa si Sasha.
"He, he, he," binigyan ko siya ng pekeng tawa.
Pero feeling ko, ako pa nga yata ang may kakayahan na magbigay ng sama ng loob kay Max, e. Tiningnan ko kung nasaan siya. Naka-upo lang siya sa tabi ng mga kaibigan niya. Tahimik at hindi nakikipagtawanan sa kanila.
Eksakto namang nagbago ang tugtog mula sa Papi ni Jennifer Lopez ay naging My Valentine ito. Naku, mukhang ito na 'yung mga sweet dances. Isayaw kaya ako ni Max?
Natatawa akong umayos ng upo.
Malamang sa malamang, hindi. Bakit naman niya gagawin 'yun? At isa pa, hindi magandang makita ang dalawang taong nakasuot ng tuxedo na nagsasayaw ng sweet sa gitna.
Ilang sandali pa ay lumpait si Byron sa pwesto naming tatlo.
"Sayaw tayo," inilahad niya ang kamay niya kay Riz.
Tumili naman kami ni Sasha sa kilig. Pero mahina lang 'yung akin, baka kasi mapansin ni mama. Malalagot ako no'n mamaya.
Tinanggap ni Riz ang kamay ni Byron. Tumayo siya at pumunta sila sa gitna. Sumayaw silang dalawa.
"Aww, ang sweet naman," si Sasha na nakatingin pa sa dalawa at mahinang pumapalakpak.
"Ang arte neto," saad ko sa kanya.
Lumingon naman ako sa lalaking lumapit sa amin ni Sasha, si Kiel. Nakita ko kung paano nagulat si Sasha sa ginawa ni Kiel. Lumuhod pa ito sa harap niya at saka siya tinanong...
"May I have this dance?"
Pagkabitaw na pagkabitaw ni Kiel ng linyang iyon ay nagkantyawan naman ang mga kaibigan niya na sumusuporta sa kanyang likuran.
Tiningnan ako ni Sasha. Namumula siya at parang hindi niya alam ang gagawin. Kaya naman sinenyasan ko siya gamit ang mukha ko ng go na. At heto, naiwan na akong mag-isa sa upuan. Wala na akong katabi. Si Riz at si Sasha ay nasa dancefloor na, kasayaw ang mga lalaki sa buhay nila.
May magsayaw kaya sa akin ngayong gabi?
Lumingon ako sa pwesto nina Max sa bandang kanan ko. Nakatingin siya sa akin. Plain lang ang expression ng mukha niya, pero agad siyang umiwas nang makita na niya akong nakatingin sa kanya.
Isasayaw niya kaya ako?
Hay naku! Mukhang walang pag-asa rito. Ibinaling ko ang tingin ko sa kaliwa ko. Gano'n na lang ako kinabahan nang makita si Lucas na papalapit sa akin. Umiwas ako ng tingin. Kunyari ay hindi ko siya nakita.
Papalapit ba siya sa akin? Ako ba ang pupuntahan niya?
Naramdaman ko ang paglapit niya.
Teka, totoo ba 'to?
"Simone?"
Lumingon na ako sa kanya. "B...Bakit?" Shocks! Nanginginig ang boses ko, a.
Nakatayo lang siya sa tabi ko habang ako ay naka-upo at nakatingalang nakatingin sa kanya.
"May itatanong sana ako sa'yo." Nananatiling seryoso ang mukha niya.
"Ano 'yun?" tugon ko.
Nararamdaman ko ang kaba ko. Parang nanlalamig din ang mga kamay ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may sinasabi ang utak ko na isasayaw ako ni Lucas?
"Ready ka na ba sa performance natin?"
Kamuntikan na akong mahulog sa upuan dahil sa tanong niya. Ang lahat ng kaba sa katawan ko ay nawala. Nakakadismaya rin. Akala ko pa naman 'yun na.
"Ah! Oo," sagot ko. Kahit ang totoo naman ay nawala na 'yun sa isip ko.
"Sige, stand by ka lang d'yan. Punta ka na lang sa backstage bago matapos 'yung dalawang kanta na papatugtugin." Pagkatapos ng nakakatuwang balita ni Lucas ay umalis na siya.
Napahalumbaba na lang ako. Masyado akong humopya ro'n, a. Hay! Wala na nga yata akong aasahan ngayong gabi.
Sige, igi-give up ko na ang thought na may magsasayaw sa akin ngayong gabi. Pero hindi ang possibility na may lumapit sa akin ditong lalaki para kausapin ako at hindi basta lang tanungin tungkol sa gagawin ko ngaoyng gabi katulad ng ginawa ni Lucas.
Natapos ang dalawang natitirang kanta. Tumugtog kami nina Lucas. Siya sa gitara, ako sa keyboard, si Melvin sa drums, at si Rachelle ang vocalist. Mga 4th Year itong mga ito. Pinilit lang akong isali ni Lucas kasi nga ay marunong akong mag-keyboard.
Dumako na sa Selection ng Prom King and Prom Queen. Syempre napili 'yung mga magaganda ang suot, magaganda talaga, mayayaman, at mga kilala ng mga teachers. Ako? Kahit kilala nila ako, hindi ako napili sa prom queen. Para naman kasing pwede?
Si Max. Isa siya sa napili. Pero hindi talaga siya masaya. Bakit kaya?
Siguro may idine-date ito kanina tapos hindi pumayag. Or baka hindi siya sinipot ng date niya? Baka naman may boyfriend na 'yung babaeng gusto niya? Bakit kasi hindi na lang ako ang i-date niya? Or mas maganda – bakit hindi na lang ako ang ligawan niya? Sasagutin ko naman siya, e.
"And our Prom Queen is..." hindi nagtagal ay announcement na ng winners. Matatapos na ang JS Prom namin. "Candidate no. 3, Mia Geronimo." Sasayaw na lang kami ng discotillion, pagkatapos no'n siguradong magsisipag-uwian na.
"Our Prom King..." pihidong wala na akong chance para ma-isayaw, or kahit 'yung malapitan man lang at kausapin kasi interesado sa akin. "Candidate no. 8, George Mercado." Wala na. Hindi na rin ako makakapagpa-picture ng kasama si Max.
"Congratulations! Juniors and Seniors, it's time to party!" tumunog ulit ang party party songs. At dahil hindi naman ako party goer, umupo lang ako at pinanuod ang mga nagsasayaw.
Matapos ang ilang minuto ay naging sweet songs na naman ang tumutunog. Nabuhayan na naman ako ng dugo. May chance pa ako. Pwede pa. Hindi pa huli ang lahat. Pwede pa akong ma-isayaw ni Max.
Ha? Bakit ni Max?
Ang ibig kong sabihin pala ay pwede pa akong isayaw ng kahit na sinong gustong isayaw ako.
Teka, akala ko ba give up na sa thought na 'yun?
E... who knows, may magsayaw nga sa akin, di'ba?
"Simone," humigpit ang kapit sa akin ni Sasha habang nakatingin siya sa likod ko. Para siyang nagpipigil ng sigaw, mukha rin siyang excited na constipated. Hindi ko alam sa babaeng 'to. Na-iintriga tuloy akong lumingon sa likod ko.
Lumingon ako. At nakita ko si Max papalapit sa pwesto namin.
*END OF FLASHBACK*
"Nakakatuwa naman at okay kayo ni Zandro ngayon," saad ni Rachelle sa akin. Magkasama kami ngayon sa table at kumakain. "No'ng high school kasi tayo, di'ba, galit na galit 'yan sa'yo."
"Kaya nga, e," tugon ko naman.
"Sayang at wala si Lucas, pwedeng-pwede tayong tumugtog ng magkakasama ulit," si Melvin naman.
"Totoo 'yan," pagsang-ayon ko. Lihim akong tumingin sa lamesa kung nasaan si Max. Nando'n pa rin siya at naghihintay. Hindi na agad ako nakalapit sa kanya pagkatapos ng pagkanta ko kanina kasi nandito pala ang ibang kaklase ni Zandro no'ng high school. Inimbitahan nila ako rito sa lamesa nila.
"Hindi ka naman ba nagtatampo sa kaibigan mo, Zandro? Nasa pangalan niyo ang resto na 'to pero wala naman si Lucas ngayon. Ikaw lang 'tong busy," si Rachelle ulit.
Nagkatinginan kami ni Zandro. Mukhang walang alam ang mga batchmates niya sa nangyari sa kanilang magkaibigan.
"Okay lang, Rachelle. Tumutulong naman siya kahit nasa malayo siya," nakangiting tugon ni Zandro. Tiningnan ulit niya ako. Alam niyang alam kong nagsinungaling siya.
"Kumusta naman ang school, Sir Simone?" tanong naman ni Frank, isa rin sa mga batchmates nila.
"Okay naman, gano'n pa rin. May kaunti lang na nabago," sagot ko. Hindi sa assuming ako pero hindi ko gusto ang tingin ng Frank na 'to.
"Wow naman. Biruin mo, dati, estudyante ka lang do'n; ngayon, teacher ka na," kumindat pa ang Frank.
Wow din sa'yo. Dati, epitome of m******s ka lang; ngayon, siguradong ikaw din ang founder ng Pakboys Association of the Philippines, kung mayro'n man.
Ngumiti na lang ako ng matipid kay Frank at umiwas na rin ng tingin.
"By the way, si Max Ibarra? Di'ba, last time nasa Batanes kayo? Nasaan na siya?" masayang nakangiti si Chelsea sa akin.
Ate girl, huwag ako. Kahit saang panahon at pagkakataon, hindi ko sa'yo ibabahagi ang kahit one inch na information tungkol kay Max.
"Hindi ko alam, e. Hindi ko natanong," pagsisinungaling ko sa kanya. Sana lang ay hindi makita ni Chelsea si Max mamaya.
"Gano'n ba? Sayang naman. Excited pa naman akong makita siya," maarte niyang turan.
Ayh hindi siya excited na makita ka. Pisti!
Pero syempre, lahat ng kasamaang iniika ko ay nananatiling sa loob-loob ko lang. Ako si Simone Ohales San Miguel, of course, mabait ang tingin nilang lahat sa akin.
Patay na patay kasi itong si Chelsea kay Max. Sabihin nating si Chelsea ang Gina ng batch nina Zandro. Ang pinagka-iba lang nila, naging jowa ni Gina si Max; si Chelsea, hindi.
Teka, parang gano'n din ako noon, a.
"Uy, mag-beach naman tayo," pag-aaya ni Elaine.
"Oo nga," ang eksaheradang si Carly naman. Hindi ko siya masyadong tinitingnan at pinapansin. Magsama sila no'ng kaibigan niyang si Tina.
"Sama ka na rin, Simone," pag-aaya ulit ni Elaine.
"Naku, nakakahiya naman," pakipot ko. Hello? Ayoko ngang sumama sa kanila. Out of place ang kalalabasan ko no'n for sure.
"Ano ka ba?" si Carly naman. "Join us," nakatingin lang siya sa akin na parang kontrabida at may evil plan laban sa akin. "Sagot ko na ang venue; sa beach ko sa Cam Sur. Ano? G?"
Pasikat.
"G!"
"Okay na, ha."
"Tara!"
Beach? Kung kailan ganitong malamig ang panahon? Hello? Okay lang kayo? Magpa-Pasko kaya. Hay! Bahala 'tong mga 'to. Pwede namang magsinungaling na marami akong ginagawa. Well, marami nga naman akong ginagawa.
"Mukhang masayang-masaya kang kausap ang mga kaklase ni Zandro dati, a," puna sa akin ni Max. Tapos na ang grand opening at bago kami umuwi at nag-aya munang kumain sa isang grill house si Max. Ewan ko ba rito, sa resto kami galing pero gusto pa ring kumain.
Pero kung sa bagay, hindi rin naman ako nakakain ng marami kanina. Medyo gutom din ako.
"Hindi kaya," sagot ko. "Mukha pa ring m******s si Frank. Mean girl pa rin si Carly. Gusto ka pa rin ni Chelsea. Naku, hindi ako natutuwa."
"Halata nga," natatawa niyang tugon. "Kulang na lang magdikit 'yang kilay mo." Pinaghiwalay pa niya ito gamit ang dalawang daliri niya.
"E kasi naman! Tapos niyaya pa nila akong sumama sa outing nila," kuwento ko pa. In all fairness, napupunan ngayon ang mga absent ni Max from the last three days. Nakaka-miss din naman kasi talaga siya. Nang dumating siya – or should I say, nang bumalik siya? Nang bumalik siya sa buhay ko after Halloween Party, nagkaroon na ako ng makaka-usap, unlike no'ng wala pa siya, ang boring ng buhay ko. Trabaho at bahay lang talaga.
"Sasama ka naman?"
"Syempre, hindi, 'no," agad kong sagot. "Wala akong ka-close sa kanila. At isa pa, malamig na ang panahon, tapos gusto pa nilang mag-beach?"
"Ayaw mo no'n? Hindi ka iitim?"
Kanina ko pa napapansin si Max na nakatingin lang sa akin habang magka-usap kami. Hindi ko katulad na kung saan saan lumilingon.
"Teka, ano nga palang nangyari sa'yo? Bakit ka umitim?" intriga ko. Ang laki kasi ng initim ng kulay ni Max. "Sa oven ka ba natutulog?"
Tumawa si Max. "Nangisda kasi ako."
"Wow naman. Isang Maximo Serrano Ibarra, nangisda," pinalakpakan ko pa siya.
"Nakakapagod pala 'yun. Maghapon ka sa ilalim ng araw, tapos hindi ka sure kung may mahuhuli ka ba o wala," kuwento niya.
"Naranasan mo naman ba 'yung saya na sinasabi sa'yo ng lolo Simone mo?" tanong ko.
"Lolo Simone? Francisco ang pangalan ng lolo kong 'yun. Wala akong lolo na Simone." natatawang sagot niya. "Gusto mo na bang maging lolo kaya naka-lolo Simone ka d'yan? Kung sa bagay, mukha ka nang matanda."
Hindi ako sumabay sa tawa niya. Natigilan ako. Ibig sabihin ba no'n, he really had my name on one of his boats? At totoo bang gusto nga niya akong maging jowa?
"Masaya kapag nakahuli na. Mas masaya kapag mas maraming huli." Patuloy lang siya sa pagsasalita.
Napahawak ako sa scarf na nasa leeg ko ngayon. Nang madama ito ay inilipat ko ang kamay ko sa puso ko. Ang lakas-lakas ng t***k nito.
Totoo ba lahat ng sinabi niya no'n?
"Hoy, siokoy na duling, okay ka lang ba?" kumaway-kaway pa si Max sa mukha ko.
Tiningnan ko siya. "Oo, okay lang ako. Parang napagod lang ako," pagsisinungaling ko.
"Napapagod ka rin pala," puna niya.
Tiningnan ko siya ng masama. "Ano bang akala mo sa 'kin? Robot?"
"Ang dami mo kasing ginagawa. Maghapon ka sa school, tapos ayan, may raket ka pa sa resto ni Zandro."
"Ahhh..." tugon ko na lang.
Tiningnan ko siya habang patuloy na nagsasalita. Ang dami niyang sinasabi pero ni isa sa mga iyon ay wala akong naririnig. Mas nararamdaman ko ang puso ko ngayon. Para itong nagdidiwang.
Dumating na ang pagkain namin kasabay ng biglang pagtunog ng kanta sa grill house na ito.
"Alam mo 'yang kantang 'yan?" tanong ni Max sa akin.
"How Did You Know," sagot ko bago kumagat sa isaw ko.
"Oo nga pero may naaalala ka d'yan?" nakangiting tanong ni Max.
"Wala," sagot ko.
Binigyan ako ng ekspresyon ng mukha ni Max na hindi naniniwala. "JS Prom. 3rd Year. 'yung akala mo papalapit ako sa'yo."
Nasamid ako sa sinabi niya.
"Alam ko na! Naalala ko na!" bulalas ko. "Ano naman ngayon?"
"'yan 'yung kanta no'n," sagot niya.
"Wow! Tandang-tanda, ha."
"Syempre, theme song 'yan ni mama at papa," kumagat siya sa barbecue niya.
Naalala ko bigla ang huling sandali na 'yun ng JS Prom namin no'ng 3rd Year. Akala namin ni Sasha ay sa akin papalapit si Max, pero hindi pala. Lumampas siya sa amin. Ni isang tingin ay hindi niya ibinigay sa akin. Doon pala siya papunta sa pwesto kung saan naka-upo si Tina. Isinayaw niya ito.
Stories or movies that end in reality are called French Endings.
Labis akong nasaktan no'n. Akala ko kasi noon ay tapos na ang phase niya kay Tina pero bakit isinayaw pa rin niya?
Most French stories and movies have this kind of endings, kaya nga French Ending, e. Pinapakita nila ang reality sa pagtatapos ng kwento o ng pelikula.
Pagkatapos ng sayawan no'n, sumayaw na kami ng discotillion. At kahit masaya ang sayaw namin na 'yun, hindi ako natuwa dahil sa nasaksihan ko earlier that night.
Kung romance ang tema, pwedeng hindi magkatuluyan ang hero at heroine. The story may end in sadness kung saan the hero married other girl, and the heroine was left crying.
Natapos ang JS Prom namin noon ng masakit ang puso ko. Actually, hindi lang ang JS Prom, pati ang 3rd Year High School ko. Natapos 'yun ng umiiyak. Max got another girlfriend, but it wasn't Tina. Different girl from different school.
That is French Ending. French doesn't depart far from what happens in reality.
I guess my 3rd Year in high school ended in French ending. 'yun naman kasi ang reyalidad namin ni Max noon pa man – siya, may ka-love team every year; ako, broken hearted every year.
People may not appreciate French Ending kasi hindi ito happy ending, something they don't understand.
In my case, I do understand. I understand because I experienced it. But, perhaps, not now, not this time. Maybe this second time, our story won't finish in French ending.
"I guess what I'm really trying to say, no words can express how much I love you."
À SUIVRE