Kapag sinabi nating aksidente, hindi rito kasama kailan man ang salitang planado. Accident happens at whatever time to anyone. Hindi ito sinadya. Hindi rin ito inaasahan. Sometimes accident can lead to change. Serious injuries from serious accidents may lead to change in one's physical aspect, kahit mental aspect nga pwedeng maapektuhan, and of course, our emotional. What other things can accidents do to us? It can teach us a lesson. It can give us trauma. It can give us phobia. It can scare us. It can make us worried sick. And above all, accidents may lead to death.
"Goodbye, class!"
"Goodbye, sir San Miguel, God bless you!"
Lumabas na ako sa room ng Grade 10. Mabuti na lang at smooth ang naging lesson namin today. Hindi masyadong nakaka-stress, hindi katulad sa Grade 7 kanina na maraming pasaway.
Tumunog ang cellphone ko nang makabalik na ko sa faculty room. May tumatawag sa phone number ko. Sino naman kaya ito?
Kinuha ko ang phone ko at nakitang number lang ang tumatawag. Sasagutin ko ba 'to? Baka scam 'to. Baka nanloloko lang.
Hay, ewan!
Sinagot ko ito.
"Hello po?"
"Hello? Magandang umaga po," sabi ng boses babae sa kabilang linya.
"Sino po sila?"
"Ako po si Mrs. Bridgit Rosales from College of Alanis Vermont."
"Ma'am Rosales, kayo po pala," isa siya sa mga naging teacher ko sa college Alma Mater ko.
"Opo, ako nga po," nanatili siyang monotone. Bakit kaya? Hindi ba siya excited na maka-usap ako? Ang taas pa naman ng energy ko no'ng ma-recognize siya. "Itatanong ko lang po kung bakit hindi pumapasok si Mr. Dino V. Jaranilla? Four schooldays na po kasi siyang absent."
"Po?" Bakit sa akin hinahanap ni ma'am si Dino?
"Kayo po ang guardian ni Mr. Jaranilla, di'ba, po?" tanong pa niya pa.
Nawala ang pagtataka sa mukha ko nang maalalang number ko ang ibinigay ni Dino na contact in case of emergency sa school no'ng mag-enroll siya, no'ng mga panahong okay na okay pa ako sa kanya, or should I say no'ng mga panahong pinipilit ko pang maging okay sa kanya.
"Ah opo," pagsisinungaling ko. "Pasensya na po, ilang araw na po akong hindi pa umuuwi sa amin, ipapatanong ko na lang po. Salamat po." Mabuti na lang mabilis akong naka-isip ng palusot.
Bakit kasi number ko ang inilagay niya? Wala ba siyang magulang? Pisti!
"Sige po, let us know po, salamat po."
Pinatay na ni ma'am Rosales ang tawag. Tiningnan ko ang cellphone ko. Bakit naman a-absent si Dino? At four days na, ha. Oh well, bakit ko ba pino-problema 'yun? Kung ayaw niyang maka-graduate, e 'di don't.
Isinilid ko sa bulsa ko ang phone ko at kinuha ang libro ng Grade 9. Medyo late na ako. Naglakad na ako papunta sa room nila.
But come to think of it, Simone, si ma'am Rosales ang kahalili ng guidance counselor. Siya ang tumatawag sa mga estudyanteng kailangang maka-usap ng guidance. Sa lagay ng pagtawag niya, gusto niyang malaman kung bakit absent si Dino. Bakit? Hindi ba sinabi ng mga kaklase ni Dino? As far as I know, kapag sa CAV ka nag-aaral, sasabihin mo sa kahit sinong kaklase mo kung bakit ka absent para hindi na dumating sa point na tatawag ang guidance sa parents or guardian mo. But sa case ni Dino?
Ibig sabihin ba no'n, wala ni isa sa mga kaklase ni Dino ang nakakaalam kung bakit absent siya? Kasi kung mayroon, malalaman 'yun ng mga teachers and they don't have to ask ma'am Rosales to contact the parents or the guardian of the student. Bakit gano'n?
Bago tuluyang pumasok sa room ng Grade 9 ay kinuha ko ang phone ko at ini-search ang pangalan ni Dino sa Messenger.
Ayt! Hindi na pala nakikita whether active or not kapag naka-block.
Ang f*******: account niya ang tiningnan ko. Seven days ago pa ang latest niyang shared post. Knowing him, mahilig ding mag-share ng kung ano-ano si Dino sa f*******: niya. Ang ibig sabihin ba nito ay pitong araw na rin siyang hindi nakakapag-f*******:? Or worst, pitong araw na siyang hindi active? Bakit?
Itinabi ko ang phone ko sa bulsa ko at tuluyan nang pumasok sa room ng Grade 9.
"Good morning, class!" bati ko habang naglalakad papunta sa unahan. Nakakunot ang noo ko dahil na-ii-stress ako kay Dino.
"Good morning, sir San Miguel. God bless you."
Tumingin ako sa mga Grade 9.
Hindi ko macha-chat si Dino kasi possible na seven days siyang hindi active. Hindi ko naman siya mate-text kasi deleted na ang number niya sa phone ko.
Hindi ko rin naman maiwasang hindi mag-alala. Kahit naman gago 'yun, hindi pa rin okay sa akin na hindi siya makaka-graduate dahil lang sa pagbabalewala ko. Paano kung importante nga?
Don't get me wrong, self. Kahit kaninong college graduating student, magiging ganito ang concern ko. Huwag kang ano d'yan.
Nakatayo pa rin ang Grade 9 students dahil hindi ko pa sinasabi ang hudyat ko na umupo na sila.
"Goodbye, Grade 9," pamamaalam ko sa klase. Tumawa naman sila.
"Something came up. Sobrang importante lang."
Okay. Dino is not important. He was important – was. Past tense para malinaw.
Bago umalis ng school ay nagbigay ako ng gawain sa Grade 9 at Grade 8. Nagpaalam ako sa principal na aalis lang sandali dahil may emergency. Sa bus na ako sumakay kahit may kamahalan ang pamasahe para mabilis makapunta sa malayo-layong bahay nina Dino.
Bahala na siya sa iisipin niya mamaya. Basta ako, I'm doing my part. Hindi ko kayang kinukuyog ako ng konsensya ko. Paano kung i-drop siya ng mga teachers niya without knowing the reason of his absence? Kahit naman inis ako do'n, hindi ko pwedeng pabayaan na lang.
Sumagi sa isip ko si MJ. Sana ini-chat ko na lang pala siya. Sigurado akong may alam 'yun kay Dino. Hay! Bakit ba hindi ko agad na-isip 'yun?
Wala na. Heto na ako. Malapit na akong bumaba.
"Para po!" bumaba na ako ng bus. Naglakad ako ng medyo malayo-layo para makarating sa bahay nina Dino.
Nang malapit na sa bahay nila ay medyo binagalan ko ang lakad ko. Kinakabahan kasi ako, e. Hindi ko alam kung bakit. Nanlalamig ang mga kamay ko, o. Hay! Pisti naman kasi!
"Sir!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na 'yun. Boses 'yun ng kaibigan ni Dino na taga-rito sa barangay nila.
Lumingon ako sa kanya. "Hi, Neri!"
"Dinadalaw mo si Dino?" agad niyang tanong. Naglakad naman na siya ng diretso.
Sumunod ako sa kanya. "Oo." Ako si Simone Ohales San Miguel at sumusunod lang ako sa isang Neri na hindi ko alam kung anong apelyido? Pisti!
"Ayun, medyo okay naman na siya," bahagi pa ni Neri.
"Medyo okay?" kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?"
"Ha? Hindi mo alam?" pagtataka ni Neri. "Sabi niya sinasabi niya ang lahat sa'yo."
Nawala ang kunot ng noo ko. I guess hindi pa alam nitong Neri na 'to na hindi na kami ni Dino. I mean, na hindi na kami katulad ng dati ni Dino.
"Siya na lang siguro ang magsabi sa'yo," ngumiti siya bago tuluyang pumasok sa bahay nina Dino. Dito rin pala ang punta niya.
Pinagmasdan ko muna ang bahay nina Dino. Kailan nga ba ako huling pumunta rito? Matagal na rin.
"Dino, nandito si sir!" narinig kong sigaw ni Neri. Nandito lang ako sa labas ng bahay nila. Wala naman akong balak pumasok. Sasabihin ko lang 'yung pinapasabi ni ma'am Rosales. Pero base sa sinabi ni Neri kanina, mukhang may nangyaring hindi maganda kay Dino. Nagkasakit kaya siya?
Nagulat ako nang ilabas ni Neri si Dino na sakay ng wheelchair. Medyo napaatras din ako.
Anong nangyari sa kanya?
Nakangiti na agad sa akin si Dino. Kasunod na lumabas mula sa pintuan nila ang nanay niya.
"Sir, pasok ka," masayang pagwe-welcome ng nanay ni Dino.
Shocks! Papasok ba ako?
For some reason, agad kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng bahay nila. Pina-upo naman ako sa tapat ni Dino. Nakasemento ang kaliwang braso niya, may benda naman ang kanang paa niya.
"Paano mo nalaman ang nangyari sa akin?" narinig kong tanong ni Dino. Hindi ako nakatingin sa kanya. Sa paa lang niya ako nakatingin. Paano ko ba siya kakausapin?
Tumingin ako sa nanay niya. "Tumawag po sa akin ang school niya," si Dino ang tinutukoy ko. "Four schooldays na raw po siyang hindi pumapasok. Hindi po niya yata sinabi sa mga teachers ang dahilan kung bakit siya absent."
"Nasira ang cellphone ko dahil sa banggaan," sagot ni Dino.
Banggan? Nabangga siya?
Nakatingin lang ako sa nanay niya. "Ayan na nga ang sinasabi ko d'yan, e. Huwag masyadong uminom nang uminom at takaw sa aksidente rin 'yun."
"Ano po bang nangyari?" tanong ko. Sa nanay pa rin niya ako nakatingin.
"Nabangga ng van 'yung sinasakyan niyang motor."
Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. At alam kong hindi ito ang t***k na narinig ko nang una akong nginitian ni Dino o ang t***k tuwing babanatan niya ako ng sweet words niya. Ang t***k na nararamdaman ko ngayon ay t***k ng takot. Ngayon lang ako nakakita sa personal ng taong naka-wheelchair na sementado ang braso at may benda ang binti. Siguro gano'n kalala ang natamo niyang aksidente.
"Lasing sila no'ng driver ng motor. Tapos 'yan, namali daw sila ng lane ng kasama niya kasi nga parehas silang lasing, ayun, nabangga ng van," kitang-kita ko sa hitsura ng nanay niya ang stress. Siguro ay sobra siyang nag-alala.
"Kailan po nangyari?" tanong ko.
"No'ng isang linggo; Miyerkules ng gabi."
Wednesday night last week? What am I doing that time? Nasaan ako?
Bumuntong hininga ang nanay ni Dino. "Mabuti na lang at nadala agad sa ospital. Mabuti na lang din at tinulungan kami no'ng driver ng motor at ng may-ari ng van. Kalalabas nga lang namin sa ospital kagabi."
Wednesday night last week? Naaalala ko na. Nasa resto ako ni Zandro. Hinatid ako ni Max gamit ang kotse niya. It was the time when Max told me the reason kung bakit may times na hindi niya ako pinapansin no'ng high school kami.
"Ayh sandali lang, ha, may niluluto kasi ako," may ini-abot siyang upuan sa akin. "Maupo ka muna, sir, dito ka na rin mananghalian."
Kinuha ko ang upuan at umupo rito. Hindi ako tumugon sa alok ng nanay niya na dito na kumain. Hay! Hindi ko alam. Pisti!
"Neri, halika, tulungan mo muna ako." Umalis si Neri. Naiwan kaming dalawa ni Dino.
"Karma ko na siguro 'to dahil sa mga ginawa ko sa'yo," narinig kong saad niya. Nakatingin lang ako sa sapatos ko. "Kung siguro pinahalagahan kita, baka hindi ito nangyari. Kasi hindi mo ko iiwan, tapos paniguradong pipigilan mo kong uminom."
"Pero hindi ka naman makikinig, so iinom ka pa rin," dugtong ko. Seryoso ang hitsura ko ngayon. Hindi ako pwedeng magpadala sa nangyari sa kanya at sa pagpapaawa o sa pagsisisi niya sa nagawa niya sa akin. Hindi dahil sa lumalambot ako sa kanya. Basta, nararamdaman ko lang na ito ang dapat kong gawin.
"Sorry," agad niyang tugon.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Sasabihin ko na lang kay ma'am Rosales ang nangyari," kinuha ko ang phone ko at kinunan din siya ng litrato. "Papakita ko rin ang picture para mas maniwala," kaswal kong pahayag.
"Salamat."
Pagkapindot ko ng screen lock ng cellphone ko ay tumunog naman ang Messenger ko. May tumatawag. Account ni Vin.
Bakit naman tatawag ang mokong na 'to sa akin?
Sinagot ko ang tawag niya. Naka-VC pa siya.
"Hello?"
"Hello? Simon?"
"Simone 'yun," pagtatama ko sa pangalan ko.
"Nasaan ka?" tanong niya.
Napatingin ako kay Dino. Nakatingin din siya sa akin. Malamang ay narinig niya ang tanong ni Vin.
"Bakit?" umiwas ako ng tingin kay Dino.
"Si Max daw, naaksidente."
"HA!?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Anong nangyari?"
"Hindi ko alam. Sinabi lang sa akin no'ng kapatid. Sabi raw kasi ni Max ay sabihin agad sa'yo. E hindi naman alam ng ate ni Max kung saan ka mako-contact kaya ako ang tinawagan. Nasa LGH na raw," pahayag ni Vin. "Kayo ni Max, ha, mag-jowa na siguro kayo."
"Tigilan mo ko," awat ko sa kanya.
"Pumunta ka na ro'n. Kanina ka pa raw hinahanap."
"Sus, baka ako'y pinaglololoko niyo lang, ha."
"A? Bakit ka naman lolokohin? Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Kapag si Max, 50:50 na..."
"Alam mo, bwisit ka," inirapan ko pa si Vin. Totoo kaya ang sinasabi nito?
Pero kung sa bagay, hindi naman ako tatawagan nito ng wala lang. VC pa, ha.
Pinatay ko ang tawag. Napatingin ako saglit kay Dino. Nakatingin din siya sa akin.
Lumipat ang tingin ko sa phone ko nang tumunog ito ng dalawang beses. Si Leigh naman ang nag-chat sa akin. Sinabi rin niyang naaksidente si Max. May ini-send pa siyang picture. Nang mag-loading ito ay agad akong napatayo.
Nasa ospital nga si Max! Sa LGH! So totoong naaksidente siya? Ano namang nangyari sa lalaking 'to?
"Bakit?" tanong ni Dino.
"Neri! Tita!" tawag ko sa dalawang nandito kanina. "Aalis na po ako, may emergency lang po."
Naramdaman ko na naman ang t***k ng puso ko, ang t***k ng takot. Ano ba naman 'yan si Max? Bakit kasi hindi nag-iingat? Nakaka-inis naman 'yun, o.
"Bakit, sir?"
"Aalis na po ako, may emergency lang po. Ako na pong magsasabi sa mga teacher ni Dino sa nangyari sa kanya. Sige po, salamat po."
Hindi ko na nahintay ang sasabihin pa ng nanay ni Dino at ni Neri. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papunta sa tabing kalsada. Ang huling narinig ko mula sa bahay nila ay ang sinabi ni Dino na hayaan na raw ako, may naaksidente raw kaya kailangan kong puntahan.
Ano ba naman kasi 'yang si Max? Inii-stress naman ako, o. Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit naman dumating sa point na na-ospital siya? At sa hitsura niya sa picture para siyang hinang-hina.
Pumara agad ako ng bus nang may dumating. Hindi ko makalma ang sarili ko dahil sa sobrang kaba. Natatakot ako para kay Max. Parang na-visualize ko na nasa wheelchair si Max at may semento rin ang isang braso at may benda ang binti.
"Saan po kayo?"
"Sa langit," sagot ko sa kundoktor. "Ayh! Ano? Char! D'yan ako sa bayan."
Nawawala na yata ako sa sarili ko. Pisti!
Kumalma ka, Simone Ohales San Miguel. Kalma lang.
Bigla ko tuloy naalala no'ng naaksidente rin ako no'ng 4th Year High School ako.
*FLASHBACK*
"Oh my gosh!"
"Uy, si Simon!"
"Hala!"
"Simon!"
Simon? Simone 'yun. Pamali-mali naman ng pronounce ng pangalan ko ang mga 'to.
Tumayo ako pero natumba lang ulit ako. Nakaramdam ako ng may humalili sa akin. Ang sakit ng ulo ko. Inimulat ko ang mga mata ko pero wala akong makita. Ang dilim-dilim ng paligid. Ang ingay ingay din.
"Simon, okay ka lang ba?"
"Naku, nagdudugo ang ilong niya!"
Gusto kong sanang sabihin na wala akong makita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Isa pa, parang sobra akong nanghihina. Parang gusto kong humiga. Wala pa rin akong makita kahit minulat ko na ang mga mata ko nang buong-buo. Umaga pa naman di'ba?
"Tumabi kayo d'yan."
"Tumawag agad kayo ng tricycle. Dalahin na natin si Simone sa ospital."
"Ma'am, saan po?"
"Sa LGH."
Ang dami nilang nagsasalita pero hindi ko ma-recognize kung kaninong boses ang mga 'yun. Wala talaga akong makita.
"Simone, huwag kang tutulog, ha. Gumising ka lang."
"Simone!"
Paano kaya ako makakatulog kung ang iingay nila?
Pero alam mo, parang magandang gawin 'yun. Parang magandang matulog nga.
"Simone!"
"P..." bulong ko. "P... present." Alam kong sobrang hina ng salitang lumabas sa bibig ko. Kahit sarili ko ay hindi ito narinig.
"Simone, huy, 'wag kang tutulog, ha."
Naramdaman kong may umakay sa akin paupo sa isang upuan.
"O, ready, 1, 2, 3, buhat."
Naramdaman ko ang pag-angat ng upuan ko. Magic ba 'to? Lumilipad na yata ako. Bakit kasi wala akong makita? Bakit kasi ang dilim-dilim ng paligid?
"Ang bigat pala ni Simone."
"Oo nga."
Teka, bakit may nagrereklamo na ang bigat-bigat ko? Binubuhat ba ako? Hindi ba ako lumilipad?
"Simone, kaya mo bang tumayo? Ililipat ka sa tricycle."
Naramdaman ko nang ibinaba na ang upuan kung sa'n ako naka-upo.
Aray!
Para namang gustong putulin nitong humihila sa akin 'yung braso ko, e. Siguro may galit 'to sa 'kin. Malaman ko lang kung sino siya, naku, sasakalin ko siya talaga.
Pinilit ko na ring tumayo. Nakatayo naman ako pero hindi ako nakalakad. Ilang sandali lang ay natumba ako.
Parang ang sarap nang matulog.
Pagkagising ko ay si mama agad ang nakita ko, katabi niya si ma'am Abcede na adviser ko ngayong 4th Year.
"Simone, kumusta?" nakangiting bati sa akin ni ma'am.
Wait, nasaan ba ako?
Inilibot ko ang tingin ko.
Nasa ospital yata ako. May nakakabit ding dextrose sa akin.
"Hay! Salamat sa Diyos at gising ka na!" si mama naman. Napansin ko ang hawak niyang rosary.
Teka nga, ano bang nangyari? Paano ako napunta rito sa ospital? Bakit ako may dextrose?
"Patawag muna sa nurse, Max, sabihin mo gising na si Simone, dali," malambing na utos ni ma'am kay...
Kay Max!?
Nandito rin sa ospital si Max? Anong ginagawa niya rito?
Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang likod niya na papalabas sa pinto. Nandito nga rin si Max.
Ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang tao.
"Dok, hindi pa po siya nagsasalita, baka nagka-amnesia na po ang anak ko," si mama. Medyo kumunot ang noo ko. Ang OA naman niya. Amnesia agad?
Sandali, ano ba talaga ang nangyari?
Ibinangon ako no'ng kasama ng doktor na nurse. Medyo tinulungan ko na rin ang sarili ko kasi kaya ko naman. Pagkatapos ay tinutukan ng maliit na flashlight ng doktor ang mata ko. Pumikit naman ako dahil nakakasulo. Pinaglalaruan yata ako nitong doktor na 'to, a.
Kinuhaan naman ako ng isang nurse ng blood pressure.
"Normal naman po ang blood pressure niya, dok."
"Okay naman siya," sabi ng doktor.
"E bakit hindi po siya nagsasalita?" tanong ni mama.
Bakit nga ba hindi ako nagsasalita?
E kasi kagigising ko lang.
Tumingin sa akin ang doktor. "May nararamdaman ka bang kakaiba, Simon?"
Mali ang pronounce ni dok ng pangalan ko. May E 'yun sa huli kaya 'yun ay...
"Simone po, dok."
"Ha?" nagtaka siya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Simone po ang tamang pronunciation ng pangalan ko," buo kong pahayag.
Medyo tumawa ang doktor. "I guess okay na po ang anak niyo, misis."
Tumawa naman sina ma'am ng bahagya.
Doon lang nag-sink in sa utak ko na itinama ko pala ang bigkas ng pangalan ko sa harap ng isang doktor. My gosh! Ano ba namang na-isipan ko at ginawa ko 'yun?
"Okay na siya, walang problema sa resulta ng CT scan niya. Linisan niyo lang 'yung sugat niya. Bawal munang maligo hangga't hindi gumagaling. Mamaya, i-discharge niyo na siya. Ubusin lang natin 'yung laman ng dextrose para manumbalik lahat ng lakas niya."
CT scan? Ini-CT scan ako?
Lumabas na ang doktor at ang nurse. Kapalit nila ay isang babaeng pamilyar ang mukha. Ito ang nanay ni Max!
"Mabuti na lang at okay na siya," si ma'am.
"Naku, pasensya na talaga," saad ng nanay ni Max sa mama ko.
Tiningnan ko si Max na nakatayo sa may gilid. May dugo ang t-shirt na suot niya. Hala? Bakit? Anong nangyari kay Max?
"Okay lang, aksidente naman ang nangyari," tugon ni mama sa mama ni Max.
Ayh! Walang nangyari kay Max! Hindi siya! Ako! Ako pala! Sa akin pala may nangyari!
Oo, naaalala ko na.
Naglalakad ako sa gilid ng covered court habang naglalaro sina Max ng basketball. Tapos may nakabangga sa akin kaya natumba ako at tumama ang ulo ko sa kanto ng bench na nasa gilid ng court.
Sinong nakabangga sa akin? Si Max? Kaya ba siya nandito?
"Max, ikaw muna ang magbantay kay Simon, ha. I-settle lang namin 'yung bill," utos ng nanay ni Max sa kanya.
"Tita, Simone 'yun, not Simon," si ma'am Abcede. Tumawa siya pati rin si mama.
"Okay, Simone," natatawang ulit ng nanay ni Max. Nakatingin siya sa akin. "Pasensya ka na, hijo. Mabuti na lang at hindi na lumala pa ang kundisyon mo."
Ngumiti lang ako sa kanya. Lumabas na silang tatlo nina ma'am. Naiwan kami ni Max dito sa loob ng kwarto.
"Ang tanga mo kasi," narinig kong sabi ni Max.
"Bakit ako?" mahina kong tanong.
"Kung hindi ka sana palakad-lakad sa gilid ng court, hindi sana 'yan nangyari sa'yo." Hindi ko mawari kung seryoso ba si Max na na-iinis o ginu-goodtime lang ako. Mas tunog nagbibiro kasi siya, e.
"Ikaw ba nakabunggo sa akin?" tanong ko.
"Oo. Mabuti na lang hindi ka namatay, kundi lagot ako ni mama at ni papa, pati na rin ng mama mo," umupo siya sa gilid ng kama. "Bakit kasi doon pa daan nang daan? Alam naman na may naglalaro."
"Bakit kasi kayo naglalaro? E alam niyo namang bawal," rebat ko.
Talaga? Magsasagutan kami ngayon kung kailan ako naka-dextrose at kagigising lang mula sa muntik nang kamatayan?
"A, basta, mabuti na lang, hindi ka namatay."
Napangiti ako sa sinabi niya. Concern siya sa akin? Pinapahalagahan niya ang buhay ko?
"Pero kung namatay ka 'no, siguradong nasa morge ka na ngayon. May burol bukas."
Nawala ang ngiti ko.
"Akala ko pa naman masaya ka na ligtas ako," inirapan ko siya.
Tumawa naman siya. "Joke lang. Syempre, masaya ako na ligtas ka. Kapag nawala ka, wala na akong aasarin. Ganda mo pa namang kaasaran. Feeling mo kasi maganda ka. Tumataas-taas pa 'yang kilay mo."
Pa-unti unti akong ngumingiti habang sinasabi iyon ni Max. Ngayon, alam ko na, naa-appreciate naman pala niya ako kahit may mga times na basta na lang niya ako hindi pinapansin.
*END OF FLASHBACK*
"Ginawa na po namin ang lahat ng makakaya namin, pero hanggang do'n na lang po talaga. I'm so sorry."
Medyo may pagka-chismosa rin talaga ako minsan. Talagang pinakinggan ko pa ang sinabi ng doktor doon sa kamag-anak ng pasyenteng kalapit nitong kwarto ni Max bago tuluyang pumasok sa loob.
Pero naku, condolence sa kanila.
Pinihit ko na ang door knob at doon bumalagta sa akin ang h***d na katawan ni Max.
Nahimasmasan naman ako kanina sa byahe nang sabihin ni Leigh ang nangyari kay Max. Nasalabay daw ito. Okay naman na raw, nagamot na. Kaya naman hindi ko na sinabi ro'n sa driver ng bus na sinakyan ko kanina na kasama sa bayad ko ang pagmamaneho niya ng mabilis.
"Ikaw ba si Simone?" sumalubong din sa akin ang ate ni Simone. Nakalimutan na yata ako nitong babaeng 'to.
"Opo," sagot ko.
"Kanina ka pa niya hinahanap. Mabuti na lang na-contact ko si Vin at itong si Leigh," itinuro ni ate si Leigh. Nandito rin siya sa kwarto ni Max.
Dinala ako ng ate ni Max papalapit sa kanya. Natutulog si Max ngayon. Naka-dextrose siya at nakatagilid lang.
"Ibang klaseng salabay daw ang naka-sting kay Max. Hindi 'yung basta lang na nakikita or present every summer. Mabuti na lang at handa sila rito sa LGH pagdating sa mga jellyfish sting kasi marami rin daw ang nasasalabay. Alam mo naman sa dagat dito sa probinsya natin," mahabang paliwanag ng ate ni Max.
Bakat na bakat ang laway ng salabay sa katawan ni Max. Mahaba rin ang markang iniwan nito. Maalis kaya 'yun sa katawan ni Max? Ang ganda pa naman ng katawan ng lalaking ito. Nakaka...
Ooppss!
Talagang sumagi pa 'yun sa utak ko, ha. Pero mabuti na lang ligtas na 'tong ungas na 'to.
Bakit naman kaya ako hinahanap nito kanina pa? Ako ba ang doktor? Ako ba ang gagamot sa kanya?
"Leigh, samahan mo muna ako. Bibilihin ko lang 'tong mga kailangang gamot ni Max," hawak ni ate ang reseta. "Simone, iwan ko muna sa 'yo ang bunso namin, ha. Pakibatukan pagkagising pero huwag mong masyadong lakasan."
Napatawa naman ako. "Sige po."
"Nasa good hands 'yan si Max." Ngiti pa lang nitong si Leigh, alam ko nang nanloloko na.
Pisti!
Umalis na silang dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Max dito sa room niya. Tiningnan ko ang paligid. Umupo ako sa upuang malapit sa headboard ng kama. Inayos ko ang buhok ni Max. Hinagod-hagod ko rin ang ulo niya.
Loko-loko 'to. Pinag-alala ako kanina ng sobra. Akala ko nabangga na rin siya.
Napangiti ako. Paano kaya kung sinabi ko ang totoo no'ng inuman namin sa bahay nila Max? Paano kaya kung hindi ko sinabing may gusto pa rin ako sa kanya? Aabot kaya kami sa ganito ngayon?
Inilayo ko ang kamay ko nang mapansin ang paggalaw ng mga mata ni Max. Unti-unti niya itong inimulat.
"Bakit mo inalis?" narinig kong bulong niya. "Himasin mo lang ang ulo ko... sa baba." Bahagyang tumawa si Max. Inayos niya ang tingin niya sa akin.
"Nasalabay ka na nga, ang bastos mo pa." Naalala ko ang bilin ng kapatid niya. Hinampas ko ang batok niya pero hindi naman ito malakas.
"Aray."
"Sabi ng ate mo, batukan daw kita. Bakit ka ba kasi nasalabay?"
"Kasi nagtatanim ako," pangbabara niya.
"Bakit nga?" masungit kong tanong sa kanya.
"Syempre, kasi nangingisda ako," seryoso na niyang sagot.
Kumunot ang noo ko. "Paano ka masasalabay sa bangka? Lumilipad ba 'yung salabay?"
Ngumiti siya. "Ang ganda kasi no'ng tubig kaya nag-swimming na rin ako. Hindi ko naman alam na may salabay pala."
"Ayan! Ang tanga mo kasi." Nananatili akong masungit.
"Tanga agad?"
"Pumunta ka ro'n para mangisda. Hindi para mag-swimming. Kung hindi ka naglangoy, hindi ka maaaksidente." Feeling ko tunog-nanay ako na nagagalit sa anak niya. 'yung tipong nadapa na nga 'yung bata, papagalitan pa.
"Sorry na," paghingi niya ng tawad. "Uy, nag-alala rin sa akin."
Lalo kong ikinunot ang noo ko. "Tumigil-tigil ka d'yan at baka sikmuraan kita." Tiningnan ko ang tyan niya. Guhit na guhit dito ang marka ng laway ng salabay.
"Ang tagal mong dumating. Nakatulog na lang ako paghihintay sa'yo. Wala ka naman daw sa school, e."
"So hinanap niyo rin ako ro'n?" tanong ko.
"Oo."
"Bakit ba gusto mo kong makita?" Alam kong mali ang tanong ko kasi baka masaktan lang ako sa sagot niya. Dapat pala hindi 'yun ang itinanong ko.
"Kasi ikaw lang makakapagpagaling sa akin," binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko gusto ang kulo ng dugo ko ngayon. Parang lahat sila umaakyat sa pisngi ko. "Bakit ako?"
"Kasi, di'ba, siokoy na duling ka."
Kasabay ng tawa niya ang pagkurot ko sa braso niya. "Pisti ka!"
"Aray ko naman. Akala ko pa naman, masaya ka na ligtas ako."
"Masaya kaya ako," hindi na ako tumitingin sa kanya. Para kasi siyang sira.
"Weah? Parang hindi. Ang sungit mo kasi sa akin," reklamo niya.
"Huwag kang maarte. Ganyan ka rin sa akin no'ng naaksidente ako dahil sa'yo no'ng 4th Year tayo."
"Ayh oo," natatawang tugon niya. Siguro ay naalala niya 'yun.
Kapag sinabi nating aksidente, hindi rito kasama kailan man ang salitang planado. Accident happens at whatever time to anyone. Hindi ito sinadya. Hindi rin ito inaasahan.
"Pero, hindi nga, masaya ka nga na ligtas na ako?" kinukublit-kublit pa niya ako.
Sometimes accident can lead to change. Serious injuries from serious accidents may lead to change in one's physical aspect, kahit mental aspect nga pwedeng maapektuhan, and of course, our emotional.
"Oo nga," sagot ko. Tiningnan ko siya. "Syempre, kapag nawala ka, baka wala nang maghatid sa akin pa-uwi sa bahay kapag gabi na." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.
"Akala ko pa naman dahil sa gusto mo na ulit ako," may tampo sa boses ni Max.
What other things can accidents do to us? It can teach us a lesson. It can give us trauma. It can give us phobia. It can scare us. It can make us worried sick. And above all, accidents may lead to death.
In my case, accidents are also one way to show our concern to a person. Hindi man natin ito napapakita sa taong involved, but we know deep in our hearts what we feel. We are thankful enough that they remained alive and still with us.
Umiwas ako ng tingin kay Max. Pinakawalan ko ang pinakamalapad kong ngiti, ang madalas kong ngiti kapag kinikilig ako.
À SUIVRE