Chapter 16

4794 Words
Are we special enough when we get special treatment? Ang dahilan ba ng special treatment na nakukuha natin sa isang tao ay dahil special tayo rito? Is it the reason why that treatment is called special? Pero bakit nga kaya minsan, may inconsistency when it comes to that treatment? Bakit parang seasonal 'yung special treatment? "Bilisan mo naman, Simon," pinagmamadali ako ni Vin. "Ang bagal mo, e." "Simone 'yun," pagtatama ko sa maling bigkas niya ng pangalan ko. 'yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Wala ako sa mood makipagtalo sa mga ito ngayon. Antok na antok pa kaya ako. Sumakay na ako ng kotse ni Byron. "Okay ka lang ba? Mukha kang ni-r**e ng tatlong lalaki," bati sa akin ni Byron habang nakatingin pa sa akin dito sa likuran. "Gawin mo nang sampu," saad ko habang inaayos ang upo ko sa may bintana. Napansin ko namang tumabi sa akin si Max. "Hoy, walang re-r**e sa'yo na sampung lalaki; kahit isa ay wala," narinig ko si Vin. Siya ang nasa kabilang bintana, napapaggitnaan namin si Max. "Mare, pagod na pagod, a. Parang lupaypay, ilang rounds ba 'yan?" Na-imulat ko ang papapikit ko nang mata nang marinig ang boses ni Santi. Bumangon ako at inuga-uga siya na naka-upo sa passenger seat. Pumalirit ako. "Bakla! Miss na miss na kita! Ang tagal nating hindi nagkita!" "Oo na, oo na," pansin kong naalibadbaran si Santi dahil sa pag-uuga ko sa kanya. "Bakit naman kasi ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko. Umandar na ang kotse. Don't get me wrong, hindi bakla si Santi. 'yun lang talaga ang tawag ko sa kanya kahit mare na ang tawagan namin. Ewan ko rin kasi rito sa kaibigan naming ito. Amoy paminta naman pero hindi pa lumantad. But I respect him in his decision. At saka sabi di'ba, coming out is unnecessary naman. "Mabuti pa si Santi na-miss. Ako? Hindi?" narinig kong reklamo ni Max sa tabi ko. Tiningnan ko siya ng masama. "Huwag kang ano d'yan, tatlong araw lang tayong hindi nagkita. Hindi katulad ni Santi na ilang buwang hindi," pinandilatan ko pa si Max ng mata. Mula kasi nang masalabay siya ay hindi na kami nagkita. Pinagpahinga ko muna siya sa bahay nila. Hindi ko rin naman siya pinuntahan sa kanila kahit namimilit siya. Hello? Ako si Simone Ohales San Miguel, hindi ako gano'ng klaseng babae. At hindi rin nga pala ako babae. Dahil three days din kaming hindi nagkita ni Max, three days ding walang naghatid sa akin pa-uwi sa bahay. Lalo na kagabi. Pasado alas dose na ako nakaalis ng resto ni Zandro kasi first regular Friday gig ko. Nag-insist si Zandro na ihatid na ako sa bahay pero tumanggi ako. Syempre, kahit mahirap lang ako, may dangal pa naman ako, 'no. Ha? A? Ang ibig kong sabihin, kahit na gano'n lang 'yung trabaho ko sa resto ni Zandro at kahit offer pa niya, marunong pa rin naman akong mahiya. "Balita ko nagkakamabutihan na raw kayo," lumingon si Santi sa amin ni Max. "Mag-jowa na ba kayo?" "Oo," nakangising sagot ni Max. Tunog-proud 'yung tono ng pananalita niya. Pisti 'to, a. "Anong oo?" buong puso kong siniko si Max. "Santi, hindi pa." Natigilan ako sa naging sagot ko. "Ahhh, hindi pa," in-emphasize ni Santi ang salitang pa. "Alam niyo, tutulog na lang ako; kulang pa ako sa tulog, so good night!" Sumandal ako at tumalikod kay Max. 05:00AM pa lang. Pumunta sila sa bahay ng 04:30AM. Ginising ako ni Max pati na rin si mama para lang isama sa Maynila ngayong Sabado. Okay, ginising niya si mama for the sake ng pagpapaalam na isasama ako. Ang nanay ko naman, dahil kilala pa si Max, ayun, pumayag. At saka feeling ko kaya pumayag din siya kasi para hindi ako mapahiya. May trabaho na ako, pero pagbabawalan pa niya? Ang strict ng parent ko. My gosh! "Simone, gising na." Inimulat ko ang mga mata ko. Medyo nakasikat na ang araw. Ini-angat ko ang ulo kong nakahilig sa... Sa balikat ni Max? Oo nga! Sa balikat niya! "Nasaan sila?" tanong ko sa kanya nang makitang wala sina Byron dito sa sasakyan. "Nasa labas. Breakfast na muna tayo, hindi ka pa kumakain," pangagalok niya. Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili. Lumabas kami ng kotse. Doon ko nakita na naka-park pala kami sa isang gasoline station na may convenience store. Nakita ko sina Byron na naka-upo sa mga upuan na nasa labas ng convenience store. "Ako na bahala sa breakfast mo, samahan mo na sila ro'n," pagpiprisinta ni Max. "Okay," hinayaan kong pumasok si Max sa loob ng convenience store. Sinamahan ko naman sina Byron sa lamesa nila dito sa labas ng tindahan. "Ba 'yan? May laway ka pa," tinuro ni Vin ang bibig ko. Hinawakan ko agad ito. Tiningnan ko siya ng masama. "Wala naman." Wala akong nadama. Umupo ako sa tabi ni Santi, sa tapat ni Byron. Kumakain na sila. "Teka, ano bang gagawin natin sa Manila?" tanong ko sa kanila. Hindi ko kasi masyadong narinig si Max habang nagpapaalam kay mama kanina. "Papa-check up 'yung katawan ni Max. Para maalis 'yung marka ng salabay," sagot ni Byron. "Malamang na-check up mo na 'yun," saad ni Vin habang nakangiti. 'yung ngiti niya parang ngiting gagawa ng masama. Tiningnan ko na lang siya ng masama. "Breakfast is ready," dumating si Max dala-dala ang isang mainit na cup noodles, mga tinapay, at tubig. Inilapag niya ito sa tapat ko. "Wow! Sana all," bulalas ni Byron. "Napakaganda naman talaga nitong kumare ko na 'to, e," papuri ni Santi sa akin. "Ano 'yan? Libre?" tanong ni Vin. "Bakit si Simon nilibre mo?" "Simone 'yun," si Max na ang nagtama ng bigkas ng pangalan ko. "Ililibre ko talaga 'to, special 'to, e." Mabilis na kinuha ni Max ang isang upuan sa kabilang lamesa na bakante. "Kilig na naman ang tumbong mo," banat ni Vin na kunwari ay nasa fliptop battle. "Special? Special child?" natatawang tanong ni Byron. "Oo," kasunod nito ang malutong na tawa ni Max. "Wow! Good morning sa inyo, ha," sarkastiko kong tugon. Tumawa naman sila. Sinimulan ko ang pagkain. "De special treatment ka pa, maganda ka ba?" Parang punong-puno ng sama ng loob itong si Vin sa akin. Kanina pa ako pinag-iinitan. "Vin, hindi ako takure, so please, huwag mo kong pag-initan," mataray kong bilin sa kanya. Bumulwak naman ang tawa ng kumag. Hay, isa pa rin 'tong baluga talaga. "Naku, Simone, naaalala mo ba ang special treatment?" tanong ni Santi. "Ingat ka lang, baka masaktan ka na naman." Tumawa siya. Tumawa rin ako. Tiningnan ko si Max. Nagtataka siya kung ano ang tinutukoy ni Santi. Hay! Kung aware lang siya sa ginagawa niya noon, baka hindi siya magtataka ngayon. *FLASHBACK* "Ang mahal-mahal naman kasi ng tinda," reklamo ko. "Ano bang akala nila sa lahat ng estudyante rito sa school? Mayaman? Paano naman akong pinanganak na walang gintong kutsara sa bibig?" Pumasok na kami nina Riz at Sasha sa loob ng classroom namin. "Ikaw naman, pa-graduate na lang tayo ng high school, hindi ka pa nasanay sa presyo ng mga bilihin d'yan sa canteen," si Riz. "Tapos minsan, magsusukli pa ng candy," dagdag ko pa. "O," ibinigay sa akin ni Sasha ang candy na isinukli sa kanya kanina nang bumili siya. "Huwag ka nang magpaka-stress d'yan at baka bumuka 'yang sugat mo." Napahawak tuloy ako sa sugat ko sa ulo. Magaling at hilom naman na 'to dahil ilang buwan na rin naman ang nakalipas mula nang maaksidente ako. Pero syempre, medyo OA pa rin ang lahat na baka bigla itong bumuka at dumugo at mamatay ako. Charot! Sumalubong ang kilay ko dahil sa nakita kong supot sa lamesa ng armchair ko. "Kanino 'to?" "Ayan o, sa'yo," tinuro ni Sasha ang pangalan na nakasulat. Pangalan ko nga, nasa lamesa ko rin kaya sa akin nga ito. "Kanino naman galing?" tanong ko. Pero nasagot agad ang tanong ko nang makilala ang sulat na nasa brown paper. Sulat ito ni Max, hindi ako pwedeng magkamali. Ibig sabihin sa kanya galing 'to? Tiningnan ko ang upuan niya. Ang akala kong wala roon ay nandoon pala. Nakatingin siya sa akin at itinaas pa niya ang dalawa niyang kilay. Ngumiti ako sa kanya. Umupo ako sa upuan ko at binuksan ito. "Ano 'yan?" usisa ni Riz. "Ayh? Tinapay," naa-amaze kong sagot. Tinapay nga siya mula sa kilalang bakeshop all over the Philippines. Tumingin ulit ako kay Max. Hindi na siya nakatingin sa akin. Naglalaro na sila ng mga kaibigan niya ng COC. Bakit naman kaya niya ako binigyan ng tinapay? Ewan. Binuksan ko ito at kinain. "Wow naman, may secret admirer," puna ni Riz sa akin. "Gano'n talaga kapag maganda," pagbibiro ko. Hindi nagtagal ay natapos ang breaktime. Nagsimula ang klase namin sa Math. At dahil Math ito, wala akong naintindihan. Matapos ito ay lunch break na. Nang makakain ay dumiretso na ako sa library. May pinapagawa kasi si ma'am Abcede sa ilang piling 4th Year students mamayang hapon. Kumuha ako ng isang librong mababasa muna sandali. 01:00PM pa naman ang call time pero mas mabuting nandito na ako ng mas maaga. Bilin din kasi ni ma'am kanina na dito na dumiretso pagkapasok ngayong hapon. "Ikaw pa lang?" tumingala ako sa nagtanong. Si Max. Umuupo siya sa tapat ko. Kahit may kalayuan ay amoy na amoy ko ang pabango niya. "Oo," sagot ko. "Kasama ka rin ba?" Para kasing hindi siya kasama sa pinili ni ma'am Abcede kanina. "Nagsabi ako kay ma'am kung pwedeng sumama," paliwanag niya. Natuon naman ang pansin niya sa kanyang cellphone. "Ahhh..." tugon ko. Binalik ko ang sarili ko sa pagbabasa. Bakit naman kaya gusto niyang sumama sa gagawin naming ito? Siguro para makita ako? Makasama ako? Imposible naman siguro 'yun. Inulit kong basahin ang paragraph kung saan ako tumigil nang dumating si Max. Hindi ko na kasi maintindihan, e. Nakakita naman ako ng picture ng tinapay dito sa libro. Naalala ko ang binigay na tinapay ni Max kanina. Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya. "Max?" tiningnan niya agad ako. "Salamat nga pala sa tinapay kanina." Binigyan ko siya ng ngiting tipid. "Pinabibigay ni mama, galing siyang Manila kahapon," pagkasagot niya ay tumingin na ulit siya sa cellphone niya. "Pasabi sa kanya, salamat." Bumalik ako sa binabasa ko. Alam kong end of conversation na namin 'yun. "Pinapakumusta ka niya. Kung magaling na raw ba talaga 'yang sugat mo?" Napatingin ako sa kanya. Ibinaba niya ang cellphone niya sa lamesa. "Okay naman na 'yung sugat. Matagal nang magaling. Naghilom na nga, e," sagot ko. "Patingin daw ako," medyo umunahan si Max. Lumapit siya ng malapit na malapit sa akin para makita ang sugat ko sa ulo. Nanigas naman ako. Napaka-spontaneous ng ginawa niya. Hinawakan pa niya ang parte ng may sugat. Hindi ako makagalaw. Amoy na amoy ko rin siya. Lalaking-lalaki ang amoy niya. 'yung tipong gusto mong maging boyfriend, gano'n. "Magaling na nga," lumayo siya. "O? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Kunot na ang noo niya. Umiling-iling ako at hinawakan din ang parte ng ulo kong nagkasugat. "Ahhh, hindi, a. Walang multo." Tumingin-tingin din ako sa kanya. Paano naman kasi hindi ako parang nakakita ng multo, Max? E ginugulat mo ko sa mga moves mo d'yan? "Binabasa mo pala 'yan?" tinuro ni Max ang hawak kong libro. May excitement sa mukha niya. "Oo, maganda kasi," sagot ko. Hinala niya ang libro sa akin. "Nabasa ko na 'to, e," reveal niya. "Hindi nga?" pagtataka ko. Si Max? Magbasa ng libro? E hindi nga 'to nagtataas ng kamay para bumasa kapag may pinapabasa ang mga teachers sa klase, e. "Oo nga," ngiting-ngiti pa siya. "Tapusin mo 'to," tinutukoy niya ang kuwento kung saan nakabuklat ang libro, 'yun ang binabasa ko kanina. "Maganda 'yan, mahuhulog d'yan 'yung apple pero hindi niya makukuha." "Wala na, sinabi mo na," natatawa kong saad. Tumawa rin siya ng kaunti. "Basta, basahin mo pa rin," binuklat pa niya ang libro. "Basahin mo rin 'tong The Magic Tree..." marami pa siyang ni-recommend na basahin. Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon ay nakatingin lang ako sa kanya. Para siyang bata na excited na excited sa paborito niyang libro. "Paano mo nabasa lahat 'yan?" tanong ko. Imposible kasing hiramin ni Max ang libro na ito rito sa library para lang basahin. Nakangiti lang siya sa akin. "Di'ba, kapag pinalalabas kami kasi ang ingay namin, dito kami pinapapunta ni ma'am Lavarez. Bawal namang mag-ingay dito kaya nagbabasa na lang ako. Tapos itong libro na 'to ang nakuha ko noon. Kaya kapag napapalabas kami at pinapapunta rito sa library, binabasa ko na lang 'to. Hangga't sa natapos ko na." "Wow naman," manghang-mangha ako. Hindi ko alam na sasagi sa isip ni Max ang magbasa. Nakakatuwa naman siya. "Nandito na pala kayo, Max, Simone," bati sa amin ni Harriet, kasama niya ang iba pang sinabihan ni ma'am Abcede na pumunta rito. Lahat sila ay nakangiti sa amin. At 'yung mga ngiti nila? Ito 'yung ngiti na may kasamang kilig. Hay! Ano ba 'tong mga 'to? Masyadong botong-boto sa amin ni Max. Pero mabuti 'yun, ipagpatuloy lang nila. Biglang binato sa akin ni Max ang libro. "Ano ba naman 'yang binabasa mo, siokoy? Pambata. Walang kakwenta kwenta!" Mabuti na lang at nasalo ko ang libro. Tiningnan ko si Max at ngayon ay salubong na ang kilay. Ha? Anong nangyari ro'n? Akala ko ba maganda 'to? Bakit biglang nagbago na lang ang pananaw niya? At tinawag niya akong siokoy, ha. Anong problema no'n? Nagsi-upuan sina Harriet sa upuang naririto. "Kayo ni Max, ha, ginagawa niyong dating place 'tong library," bulong sa akin ni Riz na sa tabi ko umupo ngayon. "Ha? Hindi, a," tanggi ko. Hindi naman talaga. "O, heto," may ini-abot sa amin si Harriet. "Gupitin daw natin 'to, ididikit sa bulletin board mamaya." Ibinigay pa niya sa amin ang iba pang instruction na kailangan naming gawin ngayong hapon. Matapos ay nagsimula na kaming maggupit at gumawa ng iba pang design na ilalagay namin sa bulletin board mamaya. Dahil katapat ko lang naman si Max ng upuan, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. Sa bawat nakaw na tingin na ginagawa ko ay naka-focus lang siya sa ginagawa niya. Hindi man lang maligaw ang mga mata niya sa akin. Siguro hindi ako ang dahilan kung bakit nagsabi siya kay ma'am Abcede na sumama sa amin ngayon dito. Pero kung hindi sa akin, kanino? Tiningnan ko ang mga nandito. Wala naman akong napupusuang dahilan ni Max. Baka naman kaya lang siya sumama ay para ma-excuse din sa klase? Siguro nga. Malaki pa ang possibility na 'yun ang dahilan kaysa dahil sa akin. Natatanga na naman ang isip ko. "Simon, paabot naman no'ng glue," si Nikki. "Simone," itinama ko ang maling bigkas niya. "Okay, Simone, akin na dali." Mabilis kong hinanap ang glue sa makalat na lamesa pero hindi ko makita. Alam kong ngalay na si Nikki sa hawak niya at kailangan na niya itong pagdikitin pero hindi ko naman makita ang glue. Nasaan na ba kasi 'yun? "Nikki, wala rito," saad ko. "'yan! Natanggal na ng tuluyan," panghihinayang ni Nikki nang mabitawan na niya ang hawak niyang mga papel. "Ayan pala 'yung glue, o," turo ni Evelyn kay Max, "na kay Max." "Nasa 'yo pala, e," saad ko habang nakatingin kay Max. "Bakit kasi hindi ka nagtatanong?" Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Max. Galit siya? "Bakit parang kasalanan ko?" tanong ko pa. "Parang sinasabi mo kasing kasalanan ko," gano'n pa rin ang tono niya. This time, nakasimangot na siya. "Hindi 'yun ang sinabi ko," depensa ko naman. "Ang sabi ko lang, nasa 'yo pala." "O? 'yun na nga, parang sinabi mo rin na kasalanan ko kung bakit hindi mo nakita." Kumamot ako sa ulo ko. Naku! Ano bang nasinghot nitong lalaking 'to at ganito na lang kung mag-react? Ang OA! "Glue lang 'yan, pag-aawayan niyo pa ba?" sumingit na sa amin si Evelyn. Ini-abot din niya kay Nikki ang glue. Hindi na lang ako nagsalita. Tiningnan ko si Max. Plain lang ang facial expression ko pero siya, ang sama ng tingin niya sa akin. 'yung totoo? Kanina lang, bago kami magsimula rito, ang ganda-ganda ng pakikitungo niya sa akin. Tapos ngayon? Wow! Parang ninakawan ko siya kung maka-react. Grabe! Natapos na kami sa ginagawa naming designs and decorations. Sinimulan na naming idikit ang mga ito sa bulletin board. Hindi naman kailangan ng maraming kamay sa pagdidikit. Matangkad si Santi kaya siya ang nagdidikit habang si Harriet naman ang taga-tingin kung pantay ba o hindi. Sumama na rin ako sa kanila, taga-abot ng aspile at ng mga ididikit kay Santi. "Intense 'yung sagutan niyo ni Max kanina, a," nag-change topic si Santi sa pinag-uusapan namin. "Ah! Oo nga," tugon ko naman. "Grabe kayo ni Max, glue lang 'yun, ha," opinyon niya. "Ang OA niya kasi," ini-abot ko kay Santi ang kasunod niyang ididikit. "Akala ko pa naman ay okay na kayo," kinuha niya sa akin ang ididikit na kasunod. "Nakita kong naglagay siya kaninang umaga ng supot sa lamesa mo." "Akala ko rin, Santi. Bago kaya kayo dumating ang bait bait niya sa akin. Tapos pagdating na pagdating niyo, bigla na lang naging gano'n." Alam kong humahaba ngayon ang nguso ko dahil sa pagrereklamo. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. "Ano ba 'yan? Kailan ba kayo magkakaayos no'n?" tanong ni Santi. Umiling ako. "Hindi ko alam." "Santi, hindi pantay," narinig namin si Harriet. "Alam mo, sa room, kayo na lang 'yung parang aso't pusa. Malapit na ang graduation, magkaayos naman kayo." "Alam mo, Santi, feeling ko, himala ang kailangan para lang mangyari 'yun," ini-abot ko sa kanya ang isang aspile. "Gaga! Ikaw na gumawa ng paraan," tinanggap niya ang aspile. "Remember, sabi ni Nora Aunor, walang himala." Natigilan ako sa sinabi niya. May point siya. Pero ano namang paraan ang gagawin ko? Lumipas ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni Max. Hindi ko rin naman siya pinapansin dahil wala rin naman ako sa kanyang importanteng sasabihin. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya pero sa paraang hindi niya mahahalata. Kung ayaw niya akong kausapin, e 'di huwag. Hindi na ako gagawa ng paraan para magkaayos kami. Kilala ko na 'to. Darating din ang isang araw na kakausapin niya ulit ako para asarin. Pero hindi na naman ma-iwasan ng dibdib ko ang kirot. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagiging ganyang cold sa akin si Max ay nasasaktan ako. Siguro nga hindi talaga ako mahalaga sa kanya kaya nagagawa niya sa akin ito. "Aray!" napatingin ako sa paa ko. Hindi naman ako totally nasaktan, naging expression ko lang 'yung aray kasi ay may natapakan ako. ID? Pinulot ko ito at tiningnan kung kanino. Maximo S. Ibarra Ayh wow! Panalo! Pagkakataon nga naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita ko naman agad si Tupe. Hinabol ko siya. "Tupe!" Narinig niya ako. Tumigil siya sa paglalakad. "Ha?" "Ibigay mo naman 'to do'n sa kaibigan mo. Nakita ro'n sa may basketball ring." Inabot ko sa kanya ang ID ni Max. Tinanggap naman niya ito. Tiningnan niya kung kanino ang ID. Ngumiti siya nang makita kung sinong nagmamay-ari. "Ikaw na lang ang magbigay." "Ayoko. Alam mo namang badtrip na naman sa akin 'yun." "O? Ayaw mo no'n? Malay mo hindi na siya ma-badtrip sa 'yo kapag binigay mo 'tong ID niya." "E! Ayaw ko pa rin," umiling-iling pa ako. "Bahala ka, ikaw na magbigay niyan," hinagis niya sa akin ang ID pagkatapos ay kumaripas na ng takbo. Naiwan akong nakatayo at nagkakamot ng ulo. Tiningnan ko ang ID ni Max. Bakit naman kasi sa lahat ng makakakita rito, ako pa? At bakit naman kasi hindi niya iniingatan itong ID niya? Alam naman niyang importante. Mabilis na akong lumakad pabalik ng room habang pinag-iisipan kung paano maibibigay kay Max ang ID niya. Tsk! Paano nga kaya? Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng room namin ay tumambad sa akin si Max, kasama niya si Vin at Leigh. Natigilan ako sa paglalakad, gano'n din sila, kasi ay parehas kaming nakaharang sa dadaanan ng bawat isa. Bakit naman gano'n? Iniisip ko pa lang ay nagpakita na agad? Ini-angat ko ang kamay kong hawak ang ID niya. "ID mo, nakita ko sa court," nakahaba ang braso ko sa harap niya ngayon habang hawak ng kamay ko ang ID niya. Hindi ako tumitingin sa kanya. Sa ID niya ako nakatingin, hinihintay kong i-angat niya ang kamay niya para makuha ito. Nakita kong tinanggap niya ito. Agad ko itong binitawan at nag-U turn. Hindi ko alam kung nakita nila akong mabilis na lumakad palayo ng classroom namin o hindi. Hindi na importante 'yun. Ang mahalaga ay makalayo ako sa harap ni Max dahil alam kong hindi naman niya ako gustong maka-usap o makita. Pinakawalan ko ang malalim na hininga nang makarating ako sa tambakan ng gamit na panglinis ng janitor. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti na lang at nakalayo ako. Bahala na mamaya kung anong gagawin ko. Iiwasan ko na lang siya siguro. "Salamat." Nanlaki ang lahat ng pwedeng lumaki sa akin lalo na ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses 'yun ni Max. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko nga siya! Suot na niya ang ID niya. Nginitian din ako ni Max bago siya tumalikod at umalis. Hindi na ako nakagalaw pa. Siguro naman ay okay na kami? Bumalik ako ng classroom ng wala nang iniinda o dala-dalang kaba. Masaya kong natapos ang maghapon. May ilang mga sandali na nakikita ko si Max na nakatingin sa akin. Oo, tinitingnan ko rin siya pero 'yung tinging hindi halata. Kaya lang, kapag tumitingin kasi ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin kaya nahuhuli rin niya ako. Ilang beses ding nangyari 'yun kanina. Pero okay lang, kasi nginingitian naman niya ako, at siya ang nauunang ngumiti sa akin. Siguro pahayag nga 'yun na okay na kami. *END OF FLASHBACK* "Anong special treatment do'n?" nagtatakang tanong ni Max sa amin ni Santi. Ikinuwento kasi namin sa kanya ang special treatment na ginagawa niya sa akin no'ng 4th Year high school kami. "Inaway ka na nga, special pa rin?" Nasa byahe na ulit kami. "'yun na nga, Max," tugon ko. "'yun ang special treatment mo sa akin no'n. Biruin mo, lahat ng kaklase natin, kahit si Gina, kasundo mo; ako lang 'yung hindi." Tumawa si Santi. Siya kasi ang nagbigay ng term na 'yun no'ng 4th Year kami kapag nagkukwento ako sa kanya, sa kanila nina Riz at Sasha. "Ang g**o-g**o mo kasi no'n, Max," reklamo ko pa. "May times na papansinin mo ko, may times na hindi. May times na kakausapin mo ko ng maayos, may times na bigla ka na lang nagagalit. Mas okay pa 'yung lagi mo kong inaasar no'n, e." "Di'ba? Sobrang special ni Simone sa'yo dati," natatawang singit ni Santi. "Hayaan mo na, Simon," si Vin naman. Syempre ipagtatanggol nito ang kaibigan niya. "Okay lang na magulo si Max noon, magulo rin naman 'yang mukha mo." Tumawa silang magkaibigan. "A, talaga, Vin? Pisti." Inirapan ko siya. "Tapos ito pa, ito ang pinagtataka ko sa 'yo, Max," nanggigigil ako. "Ano 'yun?" natatawa siya. "Kapag walang tao, 'yung tayong dalawa lang, dati, no'ng 4th Year," may gestures pa ako habang nagkukwento. "Kapag tayo lang, okay ka sa akin, ang bait mo sa akin, nakaka-usap kita ng maayos, hindi mo ko inaaway." "O?" si Max. "Pero kapag may tao na," patuloy ko. "Kapag may tao na, Max, bigla ka na lang nagiging masungit sa akin. Nagagalit ka na lang bigla. Gano'ng level ka. Nagbabago agad 'yung mood mo kapag may taong dumating. Gano'n ka sa 'kin." Tumawa siya. Ngayon lang siguro niya nare-realize 'yung ibang bagay na pinaggagagawa niya no'ng high school kami. Oo, nakuha ko na 'yung part na hindi niya ako pinapansin kasi nahuhulog siya sa akin. Pero 'yung maayos niya akong kausap and then the next second, galit na siya? 'yun! 'yun ang hindi ko alam sa lalaking 'to. "Kaya nga swak na swak sa inyo 'yung kanta ng Silent Sanctuary noon, e," singit ni Byron na kanina pa rin tumatawa-tawa habang nagmamaneho. "Oo nga, oo nga, naaalala ko 'yun," excited na excited si Santi. Nagtaklob naman ako ng mukha kasi ayoko nang maalala 'yun. "Ano nga 'yun?" si Santi ulit. Ito namang katabi ko, parang okay lang sa kanya ang mga nagaganap. Gustong-gustong halukayin ang nakaraan. "Na na na na na," hinahabol ni Byron ang tono. "Ibang anyo sa karamihan..." "Iba rin 'pag tayo, iba rin 'pag tayo lang..." sumabay si Santi. Naalala ko tuloy no'ng malapit na malapit na ang graduation no'n. 'yang kantang 'yan na Sa'yo ng Silent Sanctuary. Gusto kasi ng buong klase noon na grumaduate kami ng walang magkakaaway o samaan ng loob. Syempre, magkakahiwa-hiwalay na kami kaya dapat gano'n, iiwanan namin ang isa't isa ng maayos. E hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi talaga kami magkasundo ni Max dati. Kahit naman gusto ko siya no'n or sabihin na nating mahal ko, hindi ko mato-tolerate ang pang-aaway niya sa akin. Kaya naman ini-set up kami ng mga kaklase namin noon. Pagpasok ko ng classroom, pinagharap kaming dalawa, pinagbati kami. Inilabas ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko sa kanya, lahat ng hinanakit ko, lahat ng sakit na nararamdaman ko kapag hindi niya ako pinapansin, kapag may iba siyang babaeng ginugusto, lahat 'yun sinabi ko. At the end, nagkabati naman kami. Kaya lang, itong mga kaklase namin, kinantahan pa kami niyang Sa'yo ng Silent Sanctuary, which is okay lang naman kasi parang the song says much about Max and I. At ang sinabi sa akin ni Max noon? Hindi niya sinabi kung bakit hindi niya ako pinapansin. Hindi niya sinabi kung bakit palagi niya akong inaaway. Nag-sorry lang siya noon. Pero sinabi niya na kaya niya ako inaasar palagi ay dahil natutuwa siya sa reaksyon ko. Di'ba, ginawa pa akong clown. Pero ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin noon, kung bakit bigla na lang siyang umiiwas noon. And whether it is true or not, I know this time my heart wants to believe. Alam kong masyadong maaga at alam kong dapat completely moved on na ako from the past, but it is what I feel. At hindi naman siguro masamang maging honest sa sarili? Makalipas ang mahabang byahe, ang check-up ni Max na inabot ng hapon, ay pumunta kaming apat sa bahay nina Max dito sa Maynila. Wala ritong tao maliban sa caretakers na mag-asawang si Mang Isko at Aling Nena. "So you mean to say dito tayo magpapalipas ng gabi?" tanong ko sa kanila. Bakit parang ako lang yata ang walang alam sa trip na ito? Pisti! "Oo," sagot ni Max. Sumunod ako sa kanya paakyat sa second floor ng bahay. Nauna na sa taas ang tatlo. "Max, pa'no si mama?" "O? Pinagpaalam naman kita, a. Pumayag siya." Nakarating na kami sa ikalawang palapag. "Max naman..." Pumasok siya sa isang kwarto. Kwarto niya yata ito. Sumunod lang ako dahil umaapela pa ako. Humarap sa akin si Max. "Simone, have a life. Hindi pwede habang buhay kang nakatali sa nanay mo." "Max, nanay ko 'yun. Matali man ako sa kanya, okay lang," pagdidiin ko. "May LQ na naman kayo," tumingin kami kay Vin na siyang dumaan lang sa harap ng pinutan ng kwarto ni Max. "Sige nga, Simone, bago tayo mag-Batanes, kailan 'yung huling gala mo? Kailan 'yung huling time na nag-enjoy ka? 'yung umalis ka sa bahay niyo hindi para sa trabaho, kundi para mag-unwind?" Natigilan ako sa sinabi ni Max. Mas gusto kong kabangayan 'yung Max ng high school. 'yun kasi kahit OA mag-react, hindi binabaliktad ang isip ko. Hindi katulad ng Max na kaharap ko ngayon. May sense ang pinaglalabang point niya sa akin. Are we special enough when we get special treatment? "Sana all talaga may special treatment," natatawang puna ni Byron habang pinagmamasdan si Max na naglalagay ng tubig na hindi malamig sa lamesa, ito ang tubig na iinumin ko. Ang dahilan ba ng special treatment na nakukuha natin sa isang tao ay dahil special tayo rito? Is it the reason why that treatment is called special? "Ang tagal ko nang kaibigan 'yang si Max, ha, pero never ako niyang sinundo sa bahay, o pinagsabi man lang sa nanay. Lalo namang never ako niyang binigyan ng advice tungkol sa buhay," naghihinanakit naman si Vin. Pinag-isipan ko ang sinabing special treatment ni Byron. Inisip ko rin ang sinabi ni Vin. Bakit ba ginagawa sa akin 'to ni Max? Pero bakit nga kaya minsan, may inconsistency when it comes to that treatment? Bakit parang seasonal 'yung special treatment? In my case, noon lang 'yun. Ngayon kasi mukhang may consistency. Ngayon kasi mukhang special treatment talaga dahil special ako sa kanya. Ginagawa ito ni Max kasi nga, di'ba, remember, he wants you to be his jowa. Sabi ng kabilang ibayo ng isip ko. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD