Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad siyang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak noon. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam niyang may kaya talaga ang mga Del Castillo. "Welcome to my room, Carmella," turing nito at niyakap siya mula sa likod. Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman niya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam siya ng kakaibang init. Aaminin niyang na-miss niya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang. "I love you, Aiden," bulong niya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na niya si Aiden, mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo siya

