Aiden's POV "I can't believe you, Aiden, bakit sa isang Perez pa!" hiyaw ng Mama niya pagdating na pagdating niya sa bahay nila. Ilang beses siyang tinawagan ng mga magulang at kapatid pero hindi niya sinasagot dahil ayaw na muna niyang makausap ang mga ito. Alam niyang pagsasabihan lang siya ng mga ito na itigil ang relasyon niya kay Carmella at hindi niya magagawa ang bagay na iyon, lalo na ngayong engaged na sila ni Carmella. "Carmella is different," mabilis na sagot niya sa ina. "What different are you talking about, huh? Anak siya ng babaing paiba-iba ng asawa at ang mga kapatid niya ay mga kabit! Mga lahi sila ng kabit!" hiyaw ng Ina. "Ma," nasa tinig niya ang pagtutol sa sinasabi ng Ina. Nais niyang ipagtanggol si Carmella at ipagdiinan na iba si Carmella at hindi ito magiging

