Carmella's POV Nagising siya sa mga yugyog sa balikat. Pagmulat ng mga mata ang Nanay niya ang bumungad sa kanya. "Gumising ka na diyan, Carmella," malungkot na sabi nito at tumayo, lumapit sa cabinet at binuksan iyon. "Ayusin mo na mga gamit mo, aalis ka ng San Miguel," sabi ng Ina. Nagulat siya at napabalikwas ng bangon. "Ano po?!" "Carmella, malaking gulo kung mananatili ka rito sa San Miguel," sagot ng Ina habang inilalabas ang mga gamit niya sa cabinet at basta na lang sinusuksok sa bag. Kumunot ang noo niya sa nakikitang ginagawa ng Ina sa mga gamit niya. "Pero Nay? Bakit po?" tanong niya, kahit may kutob na siya kung bakit siya pinapaalis ng San Miguel. "Anak, makinig ka. Mahal kita, mahal ka namin ng mga kapatid mo, pero hindi na namin kakayanin kung aalis na naman kami dito

