Aiden's POV "Oh my god, Aiden! Huwag mong sabihin na totoo ang mga naririnig ko, na ikaw at ang bunso ng mga Perez ay nakikitang lumalabas?" galit na galit na bungad ng Mama niya pagpasok nito sa silid niya. "Ma, ang aga-aga." "Don't tell me hijo, naiiba ka rin sa mga Perez na yon, you know who they are in this town, they are, they are—" hindi matuloy-tuloy nito ang sinasabi. "Ma, Carmella is different." "Hijo, she is living with those wh*re!" mabilis na sabi nito. Nagulat siya sa masamang salitang lumabas sa bibig ng ina. Kilala niya ang ina na takot na takot magbanggit ng masamang salita, pero nagawa nito ngayon. "Ma! She is not like that, Carmella is different!" pagtatanggol niya at tumayo mula sa kama. "What makes her different, huh? She is living with her sisters, her one sis

