Carmella's POV "Ihahatid na kita, gabi na madilim na sa kalsada, isama pa na ang layo kung magba-bike ka lang," sabi ni Shawn matapos silang mag-usap. "Para namang hindi ko laging ginagawa yan," natatawang sagot niya sa kaibigan. Kaibigan na ang turing niya kay Shawn, ito na kasi ang naging takbuhan niya pag malungkot siya at may problema kay Aiden. Kaya nga napasugod na naman siya kay Shawn dahil maghapong hindi nagparamdam sa kanya si Aiden. Dati-rati hinahatid siya nito sa SMU o di kaya naman sabay silang papasok sa Del Castillo Resorts. Pero iba ang araw na ito, mula pagmulat niya wala siyang natanggap na message mula kay Aiden, wala din tawag mula rito, at natapos ang maghapon na hindi ito nagpakita sa kanya. "Huwag mo kasing masyadong binibigyan ng big deal ang lahat, just chill

