"Matulog ka na muna Carmella, bukas na tayo mag-usap," utos ni Aiden nang wala na siyang magawa pa. "Bukas na bukas uuwi ako ng San Miguel, at hindi mo ko mapipigilan!" matigas na sabi niya. "You can't leave this house without my permission, Carmella!" "And who are you to say that?" "I'm your boyfriend!" "Boyfriend? eh," tuya niya rito. "Saan ako matutulog?" inis na tanong niya, pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. "Let's go," yaya nito. Nauna na itong maglakad paakyat sa limang baitang na hagdan. Walang kibo siyang sumunod rito. Sa unang pinto ito huminto at binuksan yon. "Magpahinga ka na, bukas na tayo mag-usap," sabi nito. Wala siyang kibong pumasok sa malaking silid. "Aalis ako bukas at—" "Get rest, Carmella," putol nito sa sasabihin niya. Nagkibit-balikat lang siy

