"Carmella," tawag nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi, pareho pa nilang habol ang kanilang paghinga. Tumingin siya kay Aiden, at naghihintay ng susunod na gagawin nito sa kanya. "Please stay with me Carmella, stay with me," seryosong sabi nito at kinabig siya, niyakap ng mahigpit halos maipit pa nga ang dibdib niya sa matipunong dibdib nito sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. "What do you mean?" nakuha niyang itanong habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Nasisiyahan siya dahil naririnig niya ang mabilis na t***k ng puso ni Aiden. "Natatakot akong sa pagbalik natin ng San Miguel mawala ka sa akin Carmella," bulong nito at hinalikan siya sa buhok. Hindi niya ito maintindihan kung bakit naiisip nitong mawawala siya pag bumalik sila ng San Miguel, saan naman siya pupu

