Kinabukasan nauna siyang nagising kay Aiden. Nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi niyang ang asawa niya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan niya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kagwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo. Dati hindi siya naa-attract sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw niya. Kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon niya, si Aiden lang. Mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalaki sa puso niya at asawa na niya ngayon ang lalaking dating pangarap lang niya. "I love you, Aiden," bulong niya sa asawa at maingat na hinalikan sa pi

