Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel. "Are you okay?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho. "Yeah," tipid na sagot niya, at ngumiti. "Just relax, Carmella," sabi nito, sabay hawak sa kamay niya. "I love you. Always remember that." "I know, and I love you too, Aiden," nakangiting sagot niya, at kahit papaano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman. Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak niya kay Aiden. Natatakot siyang galit ng mga magulang ni Aiden ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala siya kay Aiden at alam niyang hindi siya bibiguin nito lalo na'

