Carmella's POV "Sino iyon Mella?" nakangusong tanong ng Ate Lanie niya nang salubungin siya nito sa pinto. "Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas. "Kaibigan lang," matamlay na sagot niya at nagtuloy na sa pagpasok sa loob. "Wala ka namang kaibigan ah," nakasunod na sabi nito. Nagkibit balikat lang siya at naramdaman ang jacket na nakasabit sa mga balikat. "Kanino jacket yan? Mukhang mahal ah," tanong nito at mabilis na hinila ang jacket sa balikat niya. "Ang bango pa ah," habang inaamoy-amoy ang jacket. "Mayaman ba iyong naghatid sa iyo? Lalaki iyon no? Ano jowa mo?" sunod-sunod na usisa nito habang hawak-hawak pa rin nito ang jacket ni Aiden at inaamoy-amoy. "Akin na nga yan!" inis na sabi niya sabay hila sa jacket at nagl

