Chapter 23

1202 Words

"Pwede ko ba hayaang nakabukas ang bintana?" paalam niya kay Aiden habang tinatahak na nila ang daan pabalik sa Del Castillo Resorts. Nais kasi niyang masamyo ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa mga naglalakihang punong nakatayo sa gilid ng kalsada. Isa pa, nais niyang mapagmasdang mabuti ang kapaligiran. "You love the place?" tanong nito at sinulyapan siya. "Yes, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako at wala sa San Miguel, kung saan maraming nagmamaliit sa akin," amin niya. Pagdating kay Aiden, hindi niya maitago ang tunay na saloobin. "Don't mind them, basta alam mo sa sarili mong hindi ka tulad ng iniisip nila," sagot nito. Ngumiti siya nang bahagya dahil tila hindi si Aiden ang nagsalita. Dahil sa pagkakaalam niya, galit din ito sa kanya, lalo na sa pamilya niya. "I hope so

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD