Muntik pa niyang malaglag ang hawak na cellphone nang makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan ng kubo. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Napalunok siya habang titig na titig sa lalaking ang buhok ay aabot na sa batok na may pagka-wavy at magulo. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at maong na halos punit na sa magkabilang tuhod. Wala itong sapin sa mga paa. May hawak itong malaking baril na ginagamit sa panghuhuli ng mga ibon. Matapos niyang masuri ang kabuuan nito, bumalik ang mga mata niya sa mukha nito. Napalunok siyang muli nang mapagmasdan nang mabuti ang gwapong mukha nito. Iniisip niya kung sino ito at bakit tila ngayon lang niya ito nakita sa San Miguel. Well, nasa dulo na nga pala siya ng San Miguel, malayo mula sa kanila. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong

