Carmella's POV "Wow Ate, ang ganda," bulalas niya nang makita ang gown na isusuot ng kapatid sa kasal nito. "Maganda ba?" tanong nito at pinatong ang gown sa katawan at inikot-ikot. "Maganda, Ate, sobra," sagot niya at mabilis na niyakap ang kapatid. Masaya siya para sa Ate niya dahil natagpuan na nito ang lalaking magmamahal dito at tanggap kung ano man ang nakaraan ng kapatid. Nagpapasalamat siya na nakatagpo ang kapatid ng tunay na magmamahal dito. At sana ganoon rin ang Ate Lanie niya at kung papalarin, pati na sana siya ay makatagpo ng tamang lalaki para sa kanya. Sa naiisip niya, biglang pumasok sa isip niya si Aiden. Mabilis siyang napailing. "Pag ikaw kinasal, mas maganda pa dito ang gown mo," sabi ng Ate Grace niya habang pinapakita sa mga kapatid ang gown. "Paano ikakasal y

