"Nababaliw ka na ba, Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing iyan!" sigaw ni Mrs. Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam siya ng takot nang marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang hakbang, sinulyapan siya ni Aiden at pinisil ang kamay niyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag siyang matakot dahil andoon ito at hindi siya pababayaan. "Ma, please, Carmella is my girlfriend now." "Girlfriend?! Naiibang ka na talaga, Aiden! Ano bang nakita mo sa babaing iyan! Isa iyang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. Nakita niyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden haba

