Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos niyang sabihin na buntis siya. Tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy niya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam niya sasabog na ang dibdib niya sa kaba, sa kabang paano kung hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? Anong gagawin niya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila? "Carmella," simula nito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. Namimigat na rin ang mga mata niya sa luhang nais nang pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang-kibo ni Aiden. "Oh God, Carmella," anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat niya nang

