"Are you okay?" may pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden nang makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng resorts pero hindi pa niya makuhang kumilos pababa, tila siya natatakot pa rin. "Carmella, I'm here," sabi nito at hinawakan siya sa kamay. "Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan." Napangiti siya sa sinabi ni Aiden. Alam naman niyang hindi siya pababayaan ni Aiden, hindi sila nito pababayaan, sila ng magiging anak nila. "Salamat," bulong niya at hinaplos ang gwapong mukha. "Let's go para makapagpahinga ka na," tumango siya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala nang tao sa labas ng re

