Carmella's POV Sunod-sunod na ring ng doorbell ang narinig niya mula sa pintuan na tila nagmamadali ang taong nasa labas. Sinulyapan niya ang orasan sa side table, mag-a-alas onse na ng gabi. "Ano naman gagawin ni Shawn ng ganitong oras dito?" tanong niya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at naglakad palapit sa pinto. At natigilan siya nang nasa harapan na siya ng pinto. Ewan niya pero bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya hindi si Shawn ang nasa labas, dahil hindi pumupunta si Shawn ng ganoong oras, isa pa tatawag o magte-text ito kung pupuntahan siya nito sa unit na pinahiram sa kanya. "I know you are there, Carmella, open this f*****g door and talk to me!" galit na boses ng nasa labas ang narinig niya kasabay ang sunod-sunod na pag pindot sa doorbell ng pinto. Natakpan niya ang

