Aiden's POV "Aiden, tama na yan," saway ni Harvey sa kanya, nakakarami na kasi siya ng inom. Wala siyang ibang kaibigan na handang makinig sa kanya, si Harvey lang, kaya naman ito lagi ang kasama niya sa inuman at sa tuwing nais niyang maglabas ng sama ng loob. Halos mag-iisang buwan na siyang walang balita kay Carmella, hindi niya ito matawagan, at hindi rin alam kung nasaan ito. Nakakailang balik na siya sa bahay ng mga ito, pero wala ito roon at laging sinasabi ng Nanay at mga kapatid nito na hindi na babalik si Carmella sa San Miguel. Alam niyang dahil sa mga magulang niya kung bakit umalis si Carmella sa bayan nila. Hindi kasi matanggap ng mga ito ang relasyon niya kay Carmella. Pero mahal niya si Carmella at gagawin niya lahat maibalik lang ito sa San Miguel. Hindi siya basta-basta

