"I have nowhere to go," malungkot na sabi niya kay Shawn habang palabas ng ospital. "What?" tanong nito. Hindi pa niya nasasabi kay Shawn kung anong ginagawa niya sa San Sebastian at kung bakit bitbit niya ang mga gamit. "Hindi na ako pwedeng bumalik ng San Miguel," sagot niya. "Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Shawn, habang inilalagay ang mga gamit sa likod ng kotse. "Long story, Shawn," malungkot na sagot niya at pinasakay na siya ni Shawn sa passenger seat. Paano ba niya sasabihin kay Shawn ang lahat? Ang pag-alis niya ng San Miguel, ang katotohanang wala siyang matitirhan, isama pa ang tungkol sa Mama nito at sa Papa ni Aiden. Ang daming gumugulo sa isip niya, lalo na ngayong nalaman niyang buntis siya, anong gagawin niya ngayon? "I'm willing to listen," sabi ni Shawn, habang ti

