Aiden's POV "Aiden! We need to talk!" bungad ng Mama niya nang makapasok na siya ng bahay. Wala talaga siyang balak umuwi ng bahay, nais niyang sa cottage magpalipas ng gabi dahil maraming trabaho at marami siyang iniisip, kasama na roon ang paghalik niya kay Carmella na buong araw na gumulo sa isip niya. Ewan niya kung bakit niya hinalikan si Carmella? Kung dahil ba naaawa siya rito dahil nahihirapan na ito sa buhay? Dahil nakita niya itong umiiyak at aaminin niyang tears make him weak, o dahil baka naman nais talaga niyang mahalikan ang mga labi ni Carmella? "Good evening Ma," bati niya sa Mama at humalik sa pisngi. Nakataas ang kilay nito at alam niya ang dahilan. Kung hindi lang siya nito pinilit na umuwi, hindi talaga siya uuwi ng bahay. Mula nang bumalik siya ng San Miguel, bihir

