Carmella's POV "Bakit ka nakasakay sa kotse ni Aiden?" mataray na tanong ni Liza habang nasa isang kubo at gumagawa siya ng report para ipasa mamaya sa HR. "Hindi ba sinabihan na kita na huwag mong akitin si Aiden, dahil akin si Aiden!" taas boses na sabi nito. Inikot lang niya ang mata at tinuloy ang pagsusulat. "Sumagot ka pag kinakausap kita!" sigaw nito, sabay tabig sa mga gamit niya sa mesa. "Ano bang problema mo!" inis na sigaw rin niya at tinulak ito. "Haba! Matapang ka ah!" sabay tulak din nito sa kanya. "Huwag ka ngang nagtatapang-tapangan diyan, eh lahi naman kayo ng kaladkarin! Kaya ka nga nandito para masilaw mo si Aiden. Mga tulad ni Aiden ang tipo niyong magkakapatid hindi ba? Mayaman para maut-utan, tulad ni Grace penerahan ang Papa ni Aiden!" sigaw nito na nagpawala s

