"Hindi ko eneexpect na ito ang mangyayari sa pagdalaw ko sayo Venice. Pero salamat at binigyan mo ako ng chance na mahalin ka at iparamdam sayo ang pagmamahal ko." wika nito tsaka biglang tumulo ang luha sa mga mata nito. Ngumiti siya at at pinisil ang kamay ni Jay. Tama ba itong ginawa niya? Ano ba talaga ang rason kung bakit niya ito ginagawa? Ang mahalin si Jay o ibaling ang pagtingin niya kay Dennis dito? Hindi man niya matiyak ang tunay na dahilan. Basta ang alam niya ito lang ang tanging paraan para mawala ang nararamdaman niya kay Dennis. Gaya ng lagi niyang sinasabi, natutunan ang magmahal. Sana matutunan niyang mahalin ito. "May kailangan kang malaman Jay." wika niya. "Ano yun Venice?" tanong nito sa kanya. "Nagkaroon kami ng kasunduan ni Sir Dennis na magiging nobya niya ak

