Nagising si Venice sa marahang paghaplos ng kanyang buhok. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nasilayan si Dennis , na siyang humahaplos sa kanyang buhok. "Dennis? Bakit nandito ka?" wika niya at agad napabangon mula sa pagkakahiga. "Dinalhan kita ng prutas, para gumaling ka na." wika niya at tsaka iwenestra ang kamay sa kinaroroonan ng prutas. "Nag-abala ka pa. Salamat." aniya. Kinapa ni Dennis ang noo niya. "Hindi ka na gaanong mainit. Pwede ka kaya bukas?" tanong nito. Ang tinutukoy nito ay ang pagdalo nila sa 18th Birthday ng dalagang anak ni Mr. Cruz. "Oo, pupunta ako bukas." wika niya. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa kanyang kwarto. Alas dose na ng tanghali. "Kumain ka na ba?" tanong niya dito. "Hindi pa. Nagtungo agad ako dito para dalhan ka ng prutas." wika ni D

