May plato na sa mesa. Kinuha niya iyon at nilagyan ng pansit. Sumubo siya ng pansit. "Magnobyo na pala kayo ni Dennis, akalain mo nga naman iha. Ingatan mo si Dennis ah. Sana ikaw na ang nakatulugan niya." wika ni Manang Angge. Muntik na siyang mabilaukan sa sinabi nito. Agad niyang dinampot ang basol na nasa Mesa at sinalinan iyon ng tubig na galing sa pitsel. Inisang lagok niya iyon. Biglang tumayo si Dennis at lumapit sa kanya. "Ayos ka lang hija?" "Ayos ka lang ba?" tanong ni Dennis. Ibinaba niya ang baso at nagsalita. "Ayos lang ako. Nabilaukan lang ako. Mali ang pagkakasubo ko sa pansit. " dahilan niya. Bumalik naman si Dennis sa upuan. "O sige, iwan ko muna kayo ni Dennis. May gagawin lang ako sa likod." wika ni Manang Angge at nagtungo sa pintuan sa bandang likuran ni Denni

