Heto si Dennis ngayon binabagtas ang daan patungong Brick's Bar, lagpas na iyon ng bayan ng Paniqui. Pupuntahan niya kasi si Luna, tumawag ito sa kanya at nagpapasundo. Mukhang lasing na lasing ito base sa tono ng boses nito. Hindi na siya nakapagpaalam kay Venice, dahil tulog pa ito ng paalis siya. Ayaw naman niyang istorbohin ito. Hindi niya mapigilang mapangiti nang niya maalala ito. Balak niyang makipagkwentuhan dito mamaya pagkahatid niya kay Luna sa kanila. Sobrang saya niya kapag kasama ito. Nawawala lahat ng pagod niya. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman yun. Basta ang alam niya masaya siya kapag kasama ito. Nakarating na siya sa Brick's Bar at pumasok na siya sa entrance ng Bar. Nakita niya si Luna sa isang mesa di kalayuan na nakayuko. May mga bote ito sa ibabaw ng

