Narito si Venice ngayon sa kwartong ipinagamit sa kanya ni Dennis. Nakahiga siya habang nakatitig sa kisame. Pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya kay Dennis na sasagutin niya na si Jay. Nadala lang siya ng kanyang emosyon. Pero sa isang banda, tama lang siguro ang naging desisyon niya, mas maganda na yun para matuon ang atensyon niya sa iba baka sakaling mawala ang nararamdaman niya para kay Dennis at baka sakaling matutunan niya ring mahalin si Jay. Nagising siya dahil sa pagkatok sa pintuan. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto, alas otso na pala ng umaga. Agad siyang bumangon sa higaan. May pasok pa siya ng alas nuwebe. Tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa kanyang harapan si Manang Angge, na dala-dala ang kanyang uniporme na nakalagay sa han

