Alas kwatro na ng matapos siyang turuan ni Ate Claudia. Ilang minuto lang bago ito umalis, ay siya namang pagdating ni Sir Dennis. Umupo ito sa swivel chair nito. "Magdadaos ng Party si Mr. Cruz para sa 18th birthday ng kanyang anak this Saturday, and he invited us. Kasama kitang pupunta doon." anito. "Kailangan ko po talagang sumama Sir?" tanong niya dito. "Ofcourse, kasama ka. Luna is there also. And, by friday. We will announce in Monteverde's Enterprise na tayo na. Para sa linggo madali nalang natin magagawa ang plano natin na pagpapapselos kay Luna." Kailangan na pala nila magpanggap na magkasintahan pagsapit ng linggo. Sabagay, mas maganda yun para kapani-paniwala talaga. Bakit parang kinakabahan siya? Na kahit pagpapanggap lang ang lahat ang pakiramdam niya boyfriend niya si De

