"Salamat sa pagbisita Venice. Pasensya narin sa at nag-abala pa ang boss mo na ihatid ka dito." wika nito. "Ayos lang yun. Ito pala mga prutas na binili ko para kay Tita." aniya tsaka binigay dito ang mga dala niyang prutas. "Salamat, nag-abala ka pa." anito. Tiningnan niya ang ina nito na nakahiga sa kama na mahimbing na natutulog. Biglang pumasok si Sir Dennis. "Nagpasuyo na ako kay Ms. Sebastian, siya muna bahala sa mga tawag ko." anito sa kanya. Nakatingin lang sa kanila si Jay. "Hello. I'm Mr. Dennis Monteverde." pagpapakilala nito kay Jay at inilahad ang palad dito. "Nice meeting you Sir." anito. Umupo ito sa tabing upuan niya. Hindi niya maiwasan humanga sa pinapakita nito. Na kahit mayaman ito, heto at nandito ito at nakikihalubilo saming mahihirap sa ganitong hospital.

